=A/N: hello po. *\0/* Gusto ko lang sabihin na malapit ng matapos itong "Ignoring The Campus Hearthrob" sana hindi po kayo magsawang suportahan ang story ko. ^_^Maraming salamat po (♡∀♡)
Don't forget to vote and comment guys. Lagi kong iniintay ang mga comments niyo.
=========================================
Mica's PoV
Nang nakarating kami sa harap ng bahay nila Ria. Biglang nakita ko si Kevin na nakatayo sa harap ng bahay nila Ria.
Nakayuko siya, parang may tinitigan siya sa kaniyang cellphone. Hindi ko kita ang expression sa kaniyang mukha dahil natatabunan ito ng buhok.
Napatitig lang ako sa kanya. Heto na naman ako, hindi ko na naman maalis ang titig ko sa kanya. Parang napako ang mata ko m. Bigla biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
Hindi parin pala nawawala ang nararamdaman ko sa kanya. Nandito parin sa puso ko ang sakit na nararamdaman ko tuwing bina-baliwala niya ako. Akala ko makakalimutan ko din ang nararamdaman ko sa kanya pero mas lalo lang lumala. Mas lalo akong nagkagusto sa kanya.
Agad akong nag-iwas ng tingin nang bigla siyang tumingin sa pwesto ko. Binaling ako ng tingin kina Kit at James.
......Pero sana hindi na lang ako bumaling ng tingin sa kanila ng makita kong nakatingin sila sa akin. Palipat lipat ang tingin nila sa amin ni Kevin.
Agad kong inalis ang tingin sa kanila. Binalik ko sa kanya ang ang tingin. May nag-uudyok sa akin na tignan si Kevin.
Bakit? Bakit may lungkot at sakit akong nakita sa mga mata niya? Bakit parang nanikip ang dibdib ko dahil doon? Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Wala sa sariling tanong ko sa aking isipan.
"Oh nandito na pala kayo! Halina kayo, pasok."
Napatingin kaming lahat sa bakuna ng pinto ng marinig namin ang boses ni Ria papalabas.
Napabaling naman siya kay Kevin ng tingin.
"Kanina ka pa dito, pinsan? Bakit hindi kaagad pumasok sa loob?" Takang tanong ni Ria sa kanya.
Tinignan lang siya nito. "Sige," at nauna nang pumasok sa loob.
Takang tumingin naman si Ria sa amin.
"Anong nangyari dun?"
Kabit balikat naman kami. Ewan ko din kung anong nangyari doon. Hay!
====
Matapos ang project namin. Tumambay muna kami sa sala nila Ria.
"Diyan lang kayo guys ha, gagawa lang kami ng miryenda natin..... Oyy! Kit at James, samahan niyo nga ako dito. Dali!"
Napanganga naman ako ng bigla niyang hinila sina Kit at James. Hindi din nakaligtas sa akin ang pagkapula ng pisngi ni James nang hawakan siya sa kamay ni Ria.
Yiee! Pusahan tayo, kinikilig na naman ang mokong na iyon. Psh! Bakit kasi hindi umamin ang lalaking iyon e. Hay. Umiling iling na lang ako.
Biglang bumalik ang kaba sa dibdib ko ng kami lang ni Kevin ang naiwan dito sa sala. Nakaramdam ako ng awkwardness.
Halos sa sahig na lang ang tingin ko. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso.
Sana hindi niya marinig ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Uhm!"
Para naman akong hindi makagalaw sa kinakaupuan ko sa harap niya ng marinig ko ang tinig niya.
Dahan dahan naman akong nagtaas ng tingin. Pero agad din akong umiwas ng nagtama ang mata namin. Ganun din siya, bigla din siyang nag-iwas ng tingin.
====
Ria's Pov
Agad kaming nagtago sa likod ng pinto. At palihim silang pinanood. Ito talaga ang plano namin e. Ang iwanan sila lang dalawa.
(^^)V
"Pfft!" Pigil na huwag kaming tumawa ng malakas dahil sa itsura nilang dalawa. Halos hindi sila magtinginan. Hindi ko alam kung dahil sa pagka-ilang o meron pa bang iba.
Nakita ko naman na may sasabihin ang pinsan ko. Parang hirap siyang magsalita. Maybe dahil sa pagka-ilang.
Nakita ko na nagtama ang paningin nila pero agad ding umiwas. Psh!
^_________^
"Haha! Parang timang ang dalawang ito. Pffft!!" Natatawang komento ni James habang nasa likod ko. Nakatanaw din siya kagaya ko.
Bigla ko namang tinakpan ang ilong ko ng malanghap ko ang kaniyang pabango. Ang tapang ng pabango niya.
Inalis ko ang paningin ko sa dalawa. Bumaling ako ng tingin sa kaniya at biglang pinaningkitan ito ng mata.
=_=
"Bakit ganyan ang pabango mo? Ang tapang tapang? Huwag mong sabihin na naligo ka ng pabango?" May halong inis ang tanong ko sa kaniya.
O_o
Nakita ko naman ang panlalaki ng mata niya.
=_=
"A-Ano? H-Hindi ako n-naligo ng pabango no. M-Mabango kaya ako." Medyo utal niyang pagtatanggi. Umiwas pa ng tingin sa akin.
"Pffft!" (^^)
Bumaling naman ako kay Kit ng tingin nang bigla itong tumawa ng mahina.
"Anong nakakatawa?" Nakapameywang kong tanong.
Agad naman siyang umiling iling. "Wala! Wala!"
Pero inirapan ko lang siya. Ibinalik ko naman kina Mica ang tingin ko. Napabuntong hininga na lang ako. Ganun parin wala parin silang kaimik imik.
"Halina nga kayo, tulungan niyo akong magbuhat sa maryenda." Utos ko sa kanila.
Ano ba yan, akala ko magkaka-iminan na sila ng kanilang nararamdaman. Tsk. Kailan kaya aamin itong pinsan kong torpe na ito? Ang bagal niya ha.
====
A/N: hindi ako magaling talaga na gumawa ng story.
BINABASA MO ANG
Ignoring The Campus Hearthrob [A SHORT LOVE STORY] =COMPLETED=
Teen Fiction=A SHORT LOVE STORY= Minsan nakakasawa din ang magpapasin sa crush mo. Kahit ano'ng gawin mong pagpapasin sa kanya, hindi ka parin niya makita kita. Para ka lang hangin na dinadaan daanan niya. Pero darating din 'yung araw na magsasawa kang habol n...