Chapter 9

655 27 6
                                    

=A/N: hi guys, salamat po sa pagsuporta sa story ko. Don't forget to vote and comment. Lagi ko pong hinihintay.^_________^ maraming salamat po sa inyong lahat. ☺️💕

Ps. Not edited.

~DM

=========================================

Mica's PoV

Buong maghapon kung ano ano ang ginawa namin. Kain dito, kain doon. Gala dito, gala doon. Lakad dito, lakad doon. Hanggang maggabi nandito parin kami.

Tumawag ako kay mama kanina na nandito kami sa plaza, gumagala. Sinabi ko na kasama ko sina Ria. Buti na lang at pumayag siya.

Paminsan minsan lang naman kasi ako lumalabas e. Hindi naman madalas.

Habang nakatingin ako sa paligid. Hindi namin namalayan na maggagabi na pala. Unti unti nang dumadami ang mga tao. Mas marami talaga ang pumunta sa gabi kaysa sa umaga. Hindi kasi mainit kapag Gabi, ang presko pa.

Napapa-wow na lang ako dahil ang daming iba't ibang mga kulay ang nakikita ko bawat rides.

Halos masakyan na din namin ang mga rides dito pero ang ferris wheel pa ang hindi namin nasasakyan.

Excited naman ako mamaya na sumakay doon. Ang ganda kung nasa taas ka. Kitang kita ang buong paligid. Mga iba't ibang ilaw sa baba.

"Kain ulit tayo guys, gutom na naman ako e." Nakangusong pag-yaya ko sa kanila.

Napabaling naman ang tingin nila sa akin. Parang hindi makapaniwala.

Medyo nailang naman ako sa tingin nilang iyon sa akin. Lalong lalo na 'yung tingin ni Kevin sa akin, parang may kahulugan.

Iniisip niya ba na ang galing kong kumain? Na matakaw ako?  Biglang tanong ko sa isipan ko.

Kaya medyo namula naman ako.

"B-Bakit ganyan kayo m-makatingin sa akin? M-May m-masama ba sa sinabi ko?" Utal utal kong tanong sa kanila.

Tapos bigla silang napakamot, pero maliban kay Kevin. Iniwas niya lang ang tingin sa akin. Pero ewan ko ba, may nakita akong munting ngiti na sumilay sa kaniyang labi.

Mas lalo namang namula ang pisngi ko. Huhu! Bakit kasi ang bilis kong mamula dahil sa ngiti niya? Simpleng ngiti niya lang, lalakas na agad ang tibok ng puso ko? Sa isip ko.

"You're cute, Mic Mic. Ang pula ng pisngi mo." Bigla sabi ni Kit.

O______O

Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang pinisil ang magkabila kong pisngi.

^____^

"Waaahh!!! Masakit! Kit naman eeeh!"

^_________^V

"Ang cute kasi e, diba Kevin? Ang cute ni Mica?" Nakangising tanong ni Kit kay Kevin.

Hindi ko alam kung inaasar niya lang si Kevin o ano. Ang lawak ba naman ng ngisi. Psh! Problema ng taong ito.

Bumaling naman ako kay Kevin ng tingin. O_o Nakita ko na ang sama ng tingin niya kay Kit. Parang ano mang oras, bibingwasan na niya ito sa mukha.

Hindi ko alam kung bakit ganun siya makatingin kay Kit. Parang may ginawang masama si Kit kaya ganun ang tingin niya.

Para silang nag-uusap sa mata na silang dalawa lang ang nakaka-alam.

=_=Naningkit naman ang mata ko.

Bakla ba ang dalawang ito? Bakit ganun ang mga tinginan nila?

"Huwag mong pagseselos o inisin dude, baka hindi kana maka-uwi sa inyo mamaya. Baka masapak ka pa wala sa oras niyan." Makahulugang sabi ni James.

Nakita ko naman ang pagkamot ng ulo si Kit. At napailing na lang din si Ria.

Anong huwag pagselosin at inisin ang pinagsasabi ni James? Katanungan ko sa aking isipan.

Pabaling baling lang ang tingin ko sa kanila habang nakakunot ang noo.

"Tama na yan guys. Halina nga kayo, ikain na lang natin iyan.."

Nabigla ako ng hinila ako ni Ria. Wala akong nagawa kundi magpatangay na lang. Kahit gustong gusto na malaman ang sinasabi nila.

====

Matapos kaming kumain agad kaming bumili ng ticket. Excited na me. Ferris Wheel here we come.

*\0/*

^_________^

"Ano ba iyan wala akong partner." Untag ni Kit. Kaya napabaling naman kami sa kaniya ng tingin.

Psh! Nakita ko na nakanguso siya.

"Ha? Pinagsasabi mo?" Tanong namin sa kaniya.

"Tignan nyo naman, lima tayo, ang pwede lang umupo ay tag dadalawa. Kaya ako yung walang ka-partner. Si Ria at James ang partners tapos si Kevin at ikaw."

Napa-maang na lang ako dahil sa sagot niya.

Biglang pinamulahan ang pisngi ko.

Hindi pa kami nakakasagot nang bigla na lang itong nag-walk out. Nauna siya. Kaya kaming apat na lang ang naiwan na hindi pa nakasakay.

Magsasalita din sana ako ng....

"Let's go na, James. Ano pang tinatayo tayo mo diyan." Sabay hila si James.

Kaya napanganga na lang ako dahil dun.

Kami ni Kevin ang magsasama? Waaah! Panaginip ba ito? Kung oo sana hindi na ako magising. Parang baliw kong sabi sa aking isipan.

Makakasama ko ba talaga siya? Omo! Omo!

"Diyan kana lang ba?"

Ignoring The Campus Hearthrob [A SHORT LOVE STORY] =COMPLETED=Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon