=A/N: gusto ko lang sabihin na dito na po magtatapos ang kwento nina Mica at Kevin.+_+
Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa maikling kwento nila. ^_________^ Kahit konti lang ito, sana napangiti o napakilig nila kayo.^^ (Pero parang wala namang kakilig kilig dito. Hehe! ^_^v) pasensya kung short story lang ito ha. Sobrang tamad talaga ako e. ^_________^V Opo, tamad talaga akong magsulat. (^^)Ps. Ulit. Maraming salamat po sa inyong lahat. Sana hindi po kayo magsasawa sa mga story ko.
^_^
*\0/*
~DM
=Not edited
=========================================
Mica's Pov
Bigla akong napalunok. Shet! Bakit ganun ang boses niya? Para siyang nang-aakit. Ngayon ko lang narinig ang boses niyang ganun. Bigla na namang lumambot ang puso ko dahil lang sa boses niya.
Agad naman akong sumunod sa kaniya. Nakita na prente siyang naka-upo habang diretsong nakatingin sa akin.
Napaiwas ako ng tingin. Kanina ko pa napapansin na lagi siyang nakatingin sa akin. Anong meron sa mukha ko na hindi niya maalis alis ang tingin?
Nagagandahan ba siya sa akin? O baka naman in-love na siya agad? Ayy! Boba! Paano ka naman siya maiinlove sa akin? Kahit tignan lang ako noon, hindi man lang ako tatagal ng isang minuto.
Kaya napailing na lang ako sa mga iniisip ko.
Nakayuko naman akong umupo sa harapan niya. Hindi ako ngayon makatingin sa harapan. Kung saan siya naka-upo.
Hanggang sa gumalaw ang ferris wheel. Kaya medyo kinabahan naman ako. Hindi sa kaba sa mga mataas kundi sa kasama ko.
Heto ang kinahihintay ko. Ang sabihin ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi na ako magpatumpik tumpik na.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Can we talk?"
*Dug*Dug*Dug*
Tumambol ng malakas ang tibok ng puso ko.
"Sige, ikaw muna."
"Sure, you first."
Napakagat ako bigla sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang parehas ang sagot namin. Hindi naman iisa ang iniisip namin hindi ba?
Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Pagsasabihan niya kaya ako na hindi ko na siya papansinin at kakausapin? Bakit kinakabahan ako? Sunod sunod kong tanong sa aking isipan.
"Sige, ako na ang mauna."
"Fine, ako na lang ang mauuna."
Sabay na naman kaming nagsalita. Nag-angat ako ng tingin at tinignan siya.
"Hahahahaha!!!"
Bigla akong napatawa dahil sa pinag-gagawa namin. Sa hindi malaman na dahilan, sabay din kaming natawa.
Jusko! Ano bang nangyayari? Bakit sabay na lang kaming magsalita?! Sa isip ko.
Pero hindi nagtagal sabay din kaming napatigil. Ang tanging maririnig lang ay ang mga boses sa ibaba na ang lalakas. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa.
Humugot ulit ako ng panibagong buntong hininga. Narinig ko din na humugot siya ng buntong hininga.
"I-I like you!"
O_________O
Shit! Hindi naman iba 'yung narinig ko diba? Hindi naman ako bingi para hindi marinig ang sinabi niya.
Tama ba ang narinig ko? Na mismong bibig niya nanggaling ang salitang iyon? Hindi makapaniwalang tanong ko sa aking isipan.
"A-Anong s-sabi mo?" Utal utal kong tanong.
"G-Gusto k-kita, Mica. M-Matagal na," utal niyang pahayag at biglang iniwas ang tingin.
Hanggang ngayon nakanganga parin ako. Hindi makapaniwalang nagtapat siya sa akin.
"A-Ano? M-Matagal na? K-Kailan pa? Bakit n-ngayon mo lang sinabi?" Hindi makapaniwalang tugon ko.
Litong lito akong nakatingin sa kaniya. Kitang kita ko ang pagbiglang pag-ilap ng mata niya.
"N-N-Naduduwag a-akong magtapat sa'yo, iyon ang totoo. H-Hindi ko alam ang g-gagawin. Sa totoo lang, n-ngayon ko lang itong n-naramdaman. Hindi ko alam kung saan nagsimula ang nararamdaman kong ito. Nagising na lang ako na nakangiti habang iniisip ang mga pinag-gagawa mong pagpapasin sa akin. Mga pangungulit mo sa akin, na gusto gusto kong maranasan araw araw. Hindi mo alam kung gaano mo ako napapangiti sa mga pinag-gagawa mo. Kaya hindi ko mapigilan ang mahulog sa'yo ng tuluyan." Mahaba niyang pahayag habang diretsong nakatingin sa akin.
Kitang kita ko ang iba't ibang emosyon sa mga mata niya.
Halos hindi ako makagalaw sa kinakaupuan ko dahil sa mga narinig kong sinabi niya. Hanggang ngayon hindi parin maalis alis ang pagkatitig ko sa kaniya. Ganun din siya. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagkatitigan.
"H-Hindi ko a-alam ang s-sasabihin ko." Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.
Dahil sa mga nalaman ko, parang na-blangko ang isip ko.
"Sorry. Sorry sa lahat ng pagbabaliwala ko sa'yo noon. Sorry kung lagi kong binanaliwala ang nararamdaman mo. Hindi ko ina-akala na ganun kasakit ang dinanas mo. Ganun pala kasakit. Ganun pala kasakit na binanaliwala ka ng taong gusto mo...." Panimula na naman niyang pahayag.
"Naramdaman ko din ang nararamdaman mo noong lagi kitang binanaliwala. Ang bigat ng puso ko noong hindi mo na ako pinapansin. Kahit na magkasalubong pa tayo, parang hangin lang ako sa paningin mo. Kahit ilang segundo man lang, wala akong nakuhang atensyon. Ang sakit sa dibdib. Siguro ito na ang karma ko dahil sa ginawa ko noon sayo." Ramdam ko na sobrang lungkot ang boses niya.
Nanikip naman ang dibdib ko dahil sa itsura niya ngayon. Kitang kita ko sa mata niya ang sakit.
Hindi agad ulit ako makapag-salita.
"N-Nawala na ba tuluyan ang n-nararamdaman mo sa a-akin?"
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko.
Hindi naman basta basta na lang nawawala ang nararamdaman ko sa kaniya e. Parang mas lalo pang umusbong ang nararamdaman ko sa kaniya. Siguro hindi parin ako maka-move on. Pahayag ko sa aking isipan.
Bakit kailan ko pang magsinungaling kung narinig ko na ang matagal ko ng gustong marinig sa kaniya. Hindi ko na sasayangin itong pagkakataon na ito.
Humugot ulit ako ng malalim na buntong hininga. Diretso ko naman siyang tinignan sa mata. Kahit naiilang ako, pinilit ko na huwag pangunahan ng kaba.
"Hindi naman madaling mawala ang nararamdaman ko sa'yo e. Kahit anong pigil ko, bumabalik at bumalik parin. Kahit anong saway ko sa sarili ko na huwag tuluyang mahulog sa'yo, pero pasaway ang sarili ko, nahulog parin sa'yo. Mahal kita, Kevin, at iyon ang totoo." Buong puso kong pagtatapat sa kaniya.
Hinawakan ko ang kaniyang pisngi.
Kitang kita ko ang pagbilog ng kaniyang mata dahil sa ginawa ko. Parang hindi siya makapaniwala.
^_________^
Natawa na lang ako dahil dun. Psh. Ang cute ng mukha niya habang namumula.
"Pwede ba kitang ligawan, Kevin my labs?"
====
A/N: sorry po kung ito ang ending ng Short Story ko. Hehe! Tinatamad na akong magsulat e. Hahaha! ^_^V Sana po nagustuhan niyo.
Pahingi po ng feedback. Hehe!
BINABASA MO ANG
Ignoring The Campus Hearthrob [A SHORT LOVE STORY] =COMPLETED=
Teen Fiction=A SHORT LOVE STORY= Minsan nakakasawa din ang magpapasin sa crush mo. Kahit ano'ng gawin mong pagpapasin sa kanya, hindi ka parin niya makita kita. Para ka lang hangin na dinadaan daanan niya. Pero darating din 'yung araw na magsasawa kang habol n...