Chapter Ten

328 14 3
                                    

***

Sabi ni Papa kapag daw umuulan, kapag daw alam naming sasama ang panahon lagi naming tandaang umuwi ng bahay, dahil ang tahanan ang pinakaligtas at  makakapagbigay ng pahinga namin kapag nagiging mabigat na ang lahat.

Funny that he never taught me where to go home if the storm was in our home.

I was always the obedient child and the brave one because I have to, even though sometimes I need help too.

Maraming beses na gustong-gusto ko nang magreklamo kay Mama, simula noong nawala si Papa gusto kong sabihin sa kanya na pagod na ako, but everytime I look at her eyes walang-wala ang pagod ko sa pagod niya. Ano ba naman ang sakit na nararamdaman ko sa dala-dala niya, kaya she never heard one word from me na nagreklamo ako, lahat ng sinasabi niya ginagawa ko kase sa ganong paraan lang ako makakatulong sa kanya.

It's been a week since I've seen Vince. Nakalabas na rin kami ng hospital and I requested Tita Risa if I can stay in their resort. Naiintindihan niya naman, nagworried lang siya because Mama kept on calling her pero at the end nakumbinse niya rin si Mama.

Hindi pa ako handang harapin sila, ayokong makaramdam ng kahit maliit na pagkagalit sa kanila. Ayokong sisihin sila sa mga nangyayari, kung kaya kong sarilihin muna ang sakit, kakayanin ko.

Tricia is also recovering, gising na siya kaya nakampante rin ako na lumayo-layo muna sa lahat.

Vince keeps on texting and calling me na rin lately, but I just ignored it. Wala akong gana sa lahat, wala akong lakas na harapin o kausapin man lang sila.

"Aiks, your Tito Kit is here gusto ka raw munang kausapin." Tita Risa said ng lumabas siya mula sa pinto dito sa likod ng vacation house nila.

Nasa labas kase ako ngayon kaharap ang mapayapang dagat at bughaw na langit.

"Sige po, Tita." I nodded and smiled.

After a minute someone sat beside me. It was Tito Kit, my mother's best friend. Halos siya na rin ang naging ama-amahan naming tatlo since Papa died, minsan nga kahit hindi naman kailangan nandyan pa rin siya para sa amin, especially kay Mama.

"How are you, Nak?" Panimula niya.

'Anak' na rin ang tawag niya sa amin, natawa pa kami noong unang sinabi niya yon sa amin kase humingi pa siya ng permission baka daw kase iniisip namin na inaagaw niya yong posisyon ni Papa at alam kong hindi siya ganon.

"Siguro po...siguro much better compared sa mga nakaraang linggo." I smiled at him habang siya nakaharap rin sa magandang view dito.

"Your Mama called me last night if I can visit you today kase kami lang daw ni Tita Risa mo ang makakagawa nito, kahit naman hindi niya sabihin gagawin ko." He faced me now.

"You don't have to, nakakahiya po...pero salamat Tito."

"She also told me to hug you for her." Nagulat ako sa sinabi ni Tito, but when he signaled me to hug him, I did.

Naiiyak na naman ako habang nakayakap sa kanya, I missed Papa so much, sana siya ito ngayong kayakap ko.

"I didn't know what really happened before Risa found you, pero kung ano man ang nasabi ng Mama mo...alam nating pareho na nasabi niya lang yon dahil sa pagod, please kausapin mo na siya, Nak. Pareho niyong nasaktan ang isa't isa kaya sana mapatawad niyo na ang mga sarili niyo, same with Vince if you're both ready." He said when he let go of our hugs.

Tito Kit feels like home too, every time na may problema kami sa bahay he's always there to give comfort, yung mga salita niya nagpapagaan sa mga nararamdaman namin. My mom is very lucky to have him.

"I will Tito, hindi ko lang alam kung kailan pero gagawin ko po yan. Please tell them I'm fine here...and please hug Mama for me also." I smiled.

Before umalis si Tito pabalik ng Manila nagusap muna sila sandali ni Tita Risa about work, bago nagpaalam ulit sa akin.

———

Mabilis tumakbo ang panahon o sadyang naging busy lang ako these past few weeks, nasa sasakyan na kami ni Tita ngayon pabalik ng Manila. Hindi ko naman pwedeng habang buhay na takbohan na lang ang mga problema namin at isa pa tapos na ang extension ng leave ko. I also visited my doctor yesterday and everything is good na.

"Nak, we're here." I woke up when Tita Ris tapped my shoulder, nakatulog pala ako habang nasa byahe.

Inayos ko na ang sarili ko bago kami bumaba, I looked outside the window and the memories last month flashed, what if hindi na lang ako umalis? Andito ka pa rin kaya?

"Nak, tara na?"

We went out and kuya guard greeted us pagkapasok, kinakabahan pa ako habang nasa elevator kami, galit pa rin kaya si Mama sa akin?

We rang the door bell and Jill opened the door, mukhang gulat pa ng makita akong kasama ni Tita Ris.

"Ate Aiks!" She hugged me when her senses went back, halos masakal pa ako sa yakap niya.

As soon as we entered, we were welcomed by the noise of party poppers,, may paparty sila?

"Welcome Home, Ate!!!" Tricia, Jill, and Tito Kit shouted.

Na discharged na rin pala si Trish last week pa.

My smile widened, then after a second they hugged me. After they let go, I saw my Mama nasa gilid lang at nakangiti, yung mga mata niya parang nagsasabi na komplete na siya ulit habang nakatingin sa aming lahat.

They went silent again at nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Mama. I looked at Tita Risa and Tito Kit who's beside me, they just nodded parang hinihikayat akong lumapit kay Mama.

As soon as I faced Mama, nasa tapat ko na pala at bigla akong niyakap. Nagulat pa ako pero niyakap ko rin siya pabalik.

"I missed you, Anak. And I'm so sorry, you know that I never meant those words that night diba, Mahal na mahal ka ni Mama, panganay ko." Bulong ni Mama habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa.

"I'm sorry din Ma, Labs na labs!" My voice cracked as she tightened our hugs.

-🌷

How It All Started (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon