Tutorial
Friendly Buddies (Group Chat)
Me: Yah! Paano 'yong sa math? Hindi ko maintain,
(Mael)Aquiteplates: Meron tutorial sa YouTube.
(Aley)Short Coupon: replied to you. Same here. Iyak nalang.
Me: Ano ise-search?
(Aley)Short Coupon: Sino ba gumawa nitong sasagutan? Ipapasagut ko na rin sakaniya. Walang example.
Me: replied to Aley. Ang hirap!!!!!
(Aley) Short Coupon: Sa true. H'wag na mag-aral. Ha! ha!
Sinilip ko ang oras. Limang minuto pa lamang pala ang lumipas bago ako nagsimula sa pagsasagut pero parang dalawang oras na akong nababad kaharap ang module ko. Paborito ko ang math pero pagdating sa pagsasagot ay parang nagiging hindi."Kain na!" Anang ate ko sa kusina.
Tanghali na pero ni isa wala pa akong natatapos sa module ko kahit pa sinabi ko sa sarili ko kahapon at kanina na kailngan makalahati ko ang mga sinasagutan ko at mukhang kabaligtaran pa ata ang mangyayari. Kakasimula pa lamang ay bigla akong napagod hawak ang isang lapis. Feeling ganado pero ni tuldok wala pa akong nailalagay sa papel ko.
"Sione kain kana rin doon," bilin ni papa habang hawak ng kabilang kamay niya ang isang plato na may mga pagkain.
"Mamaya pa po ako," sagot ko. Binalik ko uli ang atensyon sa sinasagutan ko.
"Ngayon na. Mamaya na 'yan, ang pagkain hindi dapat pinaghihintay."
Tumayo ako at iniwan na sandalj ang ginagawa. Ayoko pa sanang kumain dahil busog pa ako. Pagkadating sa kusina ay naabotan kong kumakain na sila Abril. Lumapit na rin ako sa lamesa at humanap ng p'westo para maupuan. Binuksan ko ang kaldero, minudo ang ulam.
"Sino nagluto?" Tanong ko habang nagsasandok ng ulam.
"Si ate Kayem," ani ni Lize.
"Ako, bakit kasi?" Mataray niyang tanong.
"Tinanong ko lang," at sinimulang sumubo ng pagkain.
Mabilis naman akong kumain. Natapos din agad. Kain, inom, kain, inom ang gjnawa ko. Pagkatapos at bumalik din ako agad sa salas para ituloy ang ginagawa ko kanina.
I picked up my phone and start searching, browsing related to my topic. Nilampasan ko muna ang math dahil sigurado akong wala talaga ako matatapos kung 'yon ang uunahjn ko. While still searching suddenly Mael started chatting to our group chat.
(Mael)Aquiteplates: Ano 'yung gagawin sa MAPEH?
Me: Music Video daw 'yun.
: Ha! Ha! Puro video. Pati sa journalism na subject namin ay puro video rin.Ako na nanahimik dahil sa full storage na ang cellphone. Ha! Ha! Sarap kabonding puro video.
YOU ARE READING
My Teacher is My Classmate
ContoIt's been a year since the pandemic started. As the pandemic was continuous, Sione's school where she was studying implies that the classes will be held online using gadgets. For Sione, a grade ten high school journey during a pandemic will give her...