Dear Sione,
Ang saya ko this week. Napadali 'yong pagsagot ko sa mga module ko at dahil 'yun kay Henry. Nakakataba lang ng puso na may willing turoan ako, kung minsan napapaisip ako... May gusto kaya siya sa'kin kaya siya ganon kabait? I mean hindi... Ha! Ha! Hindi ko maiwasan matawa kapag binabalikan ko ang mga oras na iyon. Dumadating sa punto na nilalagyan ko ng malisya ang ginawa niya. Ang weird lang kasi. Buong buhay ko ngayon lang ako nakaencounter ng ganon na lalaki... Ha! Ha! Imagine... Kaklase ko siya pero ni minsan sa school no'ng mga panahon na face-to-face pa hindi naman ganito ang nangyari, never... as in.
Nagsalin uli ako ng tubig para dalhin sa k'warto. Hating gabi na pero hindi pa din ako makatulog. Sabado ngayon kaya halos wala akong ginawa maghapon, magsagot sana kaso hindi p'wedeng puro module lang. Ha! Ha!
Pagkabalik ng k'warto ni open ko ang messenger ko, walang ka message message ewan ko para saan ba ang account ko na 'to. Naisipan kong magback read sa convo namin ni Henry. Hindi ko mapigilang matawa sa mga ilang nabasa ko. May mga pagkakataon na nag-aasaran din kami at madalas ako ang nang-aasar sakan'ya.
To be honest, siya lang ang isa sa mga dahilan kung bakit binubuksan ko pa din ang messenger kong walang kalaman laman. Sa mga oras na ito ay offline na siya. Nabanggit niya sa'kin na hindi siya umaabot ng eleven o'clock. Nakakasayang ng kunti.
I go to the gallery to check the list of recommended anime. Ito nalang ang tingin kong p'wede kong magawa habang hjndi pa ako dinadalaw ng antok.
Inilista lahat ni Henry ang mga p'wedeng mapanood. Nagrecommend din siya ng site na libreng mapanuodan ang kaso may virus kaya napilitan pa akong mag download ng app. Ang laking MB uli ang nagamit ko isa pa naman 'yon sa iniiwasan ko.
Magdadalawang oras na nang simulan kong manuod, unti-unti ko naiidlip ang mga mata ko nang biglang tumunog ang messenger ko na ikinagulat ko. Pipikit-pikit pa ang mga mata ko ng subukan kong silipin 'yon.
Henry?
YOU ARE READING
My Teacher is My Classmate
NouvellesIt's been a year since the pandemic started. As the pandemic was continuous, Sione's school where she was studying implies that the classes will be held online using gadgets. For Sione, a grade ten high school journey during a pandemic will give her...