Simula

13 4 0
                                    

Dear Sione,

It's me! yourself and I want to remind you that this school year might be different from your last grade, grade 9. Sometimes I think it'll be easier than what I thought, online class?  Looks cool!  It's time to shine!  This would be a chance to become an honor student, well... Yeah, ever since my name is always at the last in our rank list. I can't reach the top no matter how hard I try to be listed in the top ten! I feel like it's a curse or something. I actually accepted the fact, but seeing my parents how will make them happy for it then I'm aiming for it. So this school year I will try again hoping that this time will gonna work for its worth.

I sighed as I closed my notepad. Kahit tanggap ko na ang katotohanan parang ang bigat sa pakiramdam. Buong buhay ko pinangarap ko ang makapasok sa top ten. Elementary hanggang ngayong highschool. Parang naging kapalaran ko na maging huli palagi sa klase kahit pa anong gawin ko na umangat sa halip parang mas bumababa ako.

At this point, I want a new beginning as if I'm going back to kindergarten. Online classes would be easy... I think so.

"Soine! Maghugas ka na ng pinggan, magtatanghali na." Sigaw ng kapatid ko mula sa malayo.

Tumayo ako para gawin ang narinig. Anong oras na pala at hindi ko napansin. Masyado akong naging busy sa pakikinig sa discussion ni sir kahit wala naman akong maintindihan simula pa lamang una. Sino nga bang niloloko ko dito?

"Abril!" Tawag ko sa isa kong kapatid. "Ikaw muna dito. Bantayan mo baka bigla ako tawagin tapos tawagin mo nalang ako sa labas."

Nagrereklamo siyang umupu kaharap ang cellphone ko sa lamesa bago tumingin sa'kin. "May gagawin pa ako..." May halong reklamo ang tono ng kan'yang boses. "Bakit kasi hindi ka nalang magleave?"

Umiling ako, "Hindi p'wede, may attendance 'yan dagdag points daw eh," sabay tingin ko sa cellphone habang nagsasalita pa rin si sir. "Sandali lang ako."

Hindi ko na hinintay pa ang kan'yang sasabihin tumakbo na ako agad papunta sa kusina. Pagkahinto ko pa lamang sa tapat ng lamesa namin ay napasinghap ako agad sa nakita ko.

Sana pala ay inagahan kong gumising kanina para tinapay na lamang ang almusal at hindi kanin ang dami tuloy huhugasan. Hayst!

My Teacher is My Classmate Where stories live. Discover now