Dear Sione,
Ilang buwan na din ang lumipas, so fast. Kamakailan lang parang sinabi ko sa sarili ko na ayoko na mag-aral dahil sa ang hirap intindihin ang mga subjects na meron ako, but then I still studying until now. Still working on the process, looking back the way I once stepped on has been too far from where I am standing now. Nakakatuwa lang isipin na may nakasama ako during my walks along the way, I was with him. Nagkaroon ulit ako ng bagong kaibigan, a friendship that I think I'll cherish. Hindi lamang iyon, but because of that person I learned how to love the things I got hated once in my being especially my subjects.
Time was endless and so this kind of relationship I wish it could be. Itiniklup ko ang notepad at ibinalik sa dating p'westo kasama ang ilang libro ko. I yawned and stretch my arms and legs. Maaga akong nagising ngayon dahil walang kuryente kagabi at malakas din ang ulan.
Inabot ko ang cellphone sa tabing kabinet, mabuti na lamang at malaki pa ang bar na natira para hindi na ako maghihintay uli sa pagchacharge nito. Nag online din ako kaagad para malaman kung nagchat na ba si Henry. Nakita kong wala pa. Siguro ay dahil wala ding kuryente sa kanila kagabi.
"Ate bili ka na daw ng almusal..."
Bumalik din ako agad sa k'warto para kumuha ng pera. Tinapay na madalas ang almusal namin sa umaga at hindi na gaano ang kanina dahil late na gumising ang mga tao dito sa bahay.
Nagsimula akong maglakad papunta sa hindi kalayuan na bakery sa'min. Kinailangan ko pang tumawid para lamang makadating doon. Kunti pa lamang naman ang mga sasakyan na dumaraan kaya mabilis din akong makakauwi, kahit ang mga tao ay kunti palang din.
"Magkano po dito?" Tanong ko sa lalaking may ari.
"Sampo isa."
Naghanap pa ako ng ibang maayos tignan na tinapay. Iniisip ko kasi mas maayos tignan ay mas masarap.
"Dito po?" Tanong kong muli.
"Kinse isa d'yan,"
Ay! Ang mahal! May ginto bang hinalo d'yan at sobrang mahal. Halos tinanong ko din ang ibang presyo ng tinapay at pareho-pareho sila lahat ng presyon.
"Pandesal nga po na forty pesos." Medyo nahihiya kong sinabi.
Napakamot ang lalaki sa kaniyang batok bago kinuha ang pera sa kamay ko nang iabot ko. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago nakuha ang binili dahil inoven pa ito. Pagkatapos makuha ay umuwi din ako agad.
YOU ARE READING
My Teacher is My Classmate
Kısa HikayeIt's been a year since the pandemic started. As the pandemic was continuous, Sione's school where she was studying implies that the classes will be held online using gadgets. For Sione, a grade ten high school journey during a pandemic will give her...