IV

11 3 0
                                    

Him

Henry (Private Conversation)

Me: Yah! Paano 'yong ginawa mo dito?

Henry: Wait mag send ako example. Madali lang 'yan,

Me: Mahirap kaya,

Simula nang magpaturo ako kay Henry last time ay hindi na ako nahiyang magtanong palagi. Wala ng hiya-hiya kapag grade na ang pinag-uusapan. Mabait naman siya at mukhang willing siyang turoan ako as long as hindi lahat ng subject ay itatanong ko na. Kadalasan math ang tinatanong ko. Sabi niya pa ay paburito niya 'yon ako din naman ang kaso parang hindi halata sa'kin. Ha! Ha!

Isa na nakakatuwa ay siya ang top two namin sa klase no'ng first quarter. Sa totoo lang, hindi maitatangging magaling nga siya sadyang hindi lang siya napapansin sa klase no'ng mga panahon na hindi pa online class.

Halos magkalapit ang pangalan namin sa rank list, parehong nasa dulo palagi. One thing I've observed with him is that his knowledge are too advance. May mga oras dati na habang nag e-explain siya sa harapan ay parang pang koleheyo na ang utak niya. Tinatawanan siya dahil doon pero ang totoo hindi lang namin malevel ang IQ niya. Nagmumukha siyang katawa-tawa kahit ang totoo ay may punto na hindi namin makuha.

Nakasalamin na siya simula pa no'ng grade seven kami. Natigil siya ng ilang buwan no'n sa pag-aaral dahil sa operasyon niya. Oo, operasyon, nagkaroon ng bukol sa loob ng tenga niya. Curios pa ako sa itsura niya dati dahil nang maayos 'yong mga papeles na kailangan para makalipat sa section nila ay hindi ko siya naabotan sa klase. Naging paralisado ang kabilang bahagi ng katawan niya dahil sa operasyon na iyon.

Henry: Sent a photo.

Me: Whoaaa!! Ang galing!!

Bumilis ako sa pagsagot sa mga subjects ko especially on math. Mas naiintindihan ko agad ang mga example niya.

Me: Anong favorite subject ko 'tong math ang kaso nahihirapan naman ako, hayst...

Henry: LOL! Dapat lahat. Ako paborito ko lahat. Kailangan paborito mo lahat para magawa mo ng maayos...

I suddenly think of what he said. He has a point. Somehow, it motivates me... Sana nga maging ganon ako...

Me: Simula ngayon ikaw na tutor ko Ha! Ha! Ha! Ha!

Henry: Sige ba...

Me: Libre naman siguro 'to 'no?

Henry: Alangan Ha! Ha!

Me: Bakit pala ang aga mo nagising ngayon?

Pag-iiba ko ng usapan. Nagchachat kami habang nagsasagot ako.

Henry: Oo, kapag lunes maaga talaga ako gumigising.

Habang nagtitipa ng irereply ay nagchat muli siya...

Henry: Pagkatapos nito manonood na ako ng anime. Tagal ko ng hindi nakakanood puro kasi module.

Me: Okie! Okie! Wait... Ano pala mga pinapanood mo? Genre ng anime?

Henry: 'Yung mga slice of life lang. Ayoko ng may mga away-away Ha! Ha!

Me: Slice of life? Ayaw mo sa mga action? 'Yung may barilan ganon...

Henry: Ayaw Ha! Ha!

Me: Suggest ka nga...

Henry: Ok sige send ko mamaya.

Me: Okie! Mamats ng marami!

My Teacher is My Classmate Where stories live. Discover now