Dalawampu't Dalawa

0 0 0
                                    

Saksi ang mga bitoon, bulan, adlaw, ug ang pawid.

🍂—

Para sa aking iniirog na kaibigan,

                   Hiniling ko sa mga tala at buwan sa gabing marikit na sana ay sa ating pagtatagpo ay tayo nang dalawa. Ngunit, tatanggapin mo ba ang pag-ibig na itong mula sa aking nagsusumamong puso? Batid ko ang hapis ng kalungkutan sa iyong mga mata sa tuwing tayo ay nagkatitigan. Isang bagay na may pahiwatig kung saan hinahangad mo pa ang pagmamahal ng iyong nakaraang sinisinta.

                    Ako ba ay iyong masisisi? Kung sa iyo na aking kaibigan ay nahulog ng tuluyan? Walang sala ang umibig sa iyo. Pero sa aking nakikita ngayon, tiyak na ang isang kataga sa aking puso at isipan. Siya pa din at kahit kailan, ikaw ay hindi magiging akin.

                    Irog ko, sa pagsusulat ng aking liham pasasalamat sa ating kaunting panahong pagkakaibigan, nawa ay mabatid ng iyong nagkukumahig na puso na sana sa paglingon mo ay ako naman ang magiging laman ng iyong pagmamahal. Lubos kong paumanhin dahil sa isang pagkakasalang ako ay umiibig sa iyo, mahal ko.

                     Alam ko... Na sa liham na ito, ako ay nagsasalita dahil ang aking minsang naging matapang na bibig ay tila naging pipi sa tuwing ang sasambitin ay iyong pangalan na kahambing ang isang araw. Katulad din ng mirasol, ako ay nakatanaw lamang sa kung saang lupalop ka padadako. Ikaw ang estrelita sa aking mumunting kalawakan na tanging nagbibigay-buhay sa aking namamayapang puso.

                     At kapag tayo ay magtagpo nang muli, kaibigan ko. Hiling ko ang iyong pagmamahal na walang kapantay. Nagsusumamo ako O aking iniirog na kaibigan. Pinapanalangin kong nawa'y ako na ang iyong tahanan.

Nagmamahal,
Ligaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WUOBURNS :: Winonraiah Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon