Chapter 6

159 23 1
                                    

"WOW!" Hindi maitago ni Jethan ang pagkamangha nang papalapit nang papalapit ang sasakyan na minamaneho niya patungo sa limang palapag na bagong tayong mall. Talagang pinagwaldasan ng pera ang panlabas na anyo ng mall ngunit sa loob ay walang kaalam-alam si Jethan.

JNV mall, ni hindi pa umabot ng isang buwan ang pagbubukas nito ngunit bentang-benta na ito sa mga bagets, totoong bumibili man o nakatambay lang para sa libreng aircon at wifi. Tipikal na mall lang naman kung tutuusin, iyon ang masasabi ni Jethan.

Ngayon palang siya nakalapit nang ganito sa nasabing mall dahil ang mga naging kliyente niya ay hindi naman nagmo-mall tuwing sabado at linggo. Bars, mamahaling restaurants, at mga leisure centers lang ang mga trip nilang puntahan na hindi pa sa ngayon mahahanap sa bagong tayong JNV mall. Siguro 'pag tumagal ang panahon at gumawa na sila ng bagong tactic para maka-attract ng mga tao, saka pa ito uunlad at doon na dadami ang mga shops na rerenta rito.

Kaagad niyang ginising ang kliyenteng si Jeth upang sabihing dumating na sila. Oo, naalala niyang sinabi nito na pagod na pagod ito kaya ayaw na nitong pagurin pa ang sarili sa pagmamaneho ngunit hindi naman inaasahan ni Jethan na matutulog talaga si Jeth sa biyahe.

Kinusot nito ang mga mata, "A-Ah, sure. Kindly ask the guard where is the location of the parking lot. I told 'them' in advance that I'd pay a visit kaya if the one assigned in the parking lot identifies my car, secure na ang space mo." Lumabas ito sa kotse at may tinurong kung saan, "You have to wait inside the car at the parking lot, may kakausapin lang ako."

Dumagdag pa si Jeth, "If there's an emergency or something unusual while you're at it, just call me immediately, and I'll surely answer." Tinuro pa nito ang mamahalin nitong cellphone.

"Yes, Sir!" Habang naglalakad papalayo si Jeth patungo sa loob ng mall ay nagtanong muna is Jethan sa guard kagaya ng utos ng kaniyang kliyente.

"Dumiretso lang po kayo, tapos kapag may nakita kayong parang tunnel, liliko kayo. Ngunit bago kayo pumarking, siyempre magbabayad muna kayo sa mga kasamahan kong nagbabantay roon." Nakangiting sabi sa kaniya ng guard. Mabuti't hindi ito kagaya ng mga aroganteng sekyu na kakilala niya.

Hindi naman siguro ako pababayarin, nabanggit naman na ni Sir na inaasahan ng mga ito ang pagdating niya. H'wag kang mangamba, Jethan. Pagkukumbinsi ni Jethan sa kaniyang sarili.

Nagpasalamat muna si Jethan kay Manong Guard bago pumasok muli sa sasakyan at nagmaneho na patungo sa sinabi nitong direksiyon. Kagaya ng sinabi ng guard, mayroon ngang kay laking tunnel ilang kilometro pagkatapos ng entrance ng mall kaya nagmaneho siya papasok dito.

Kaagad na nakita ni Jethan ang mga sasakyang nakahilera. I-pa-parke na sana niya ang sasakyan sa nakita niyang bakante nang pinigil siya ng isang lalaking biglang sumulpot sa kung saan at iginiya siya sa isang mas malaking parking lot na tila pang-VIPs. "Dito po kayo!"

Ganito na ba kasosyal ang kliyente niya?

Kung magiging ganito ang mangyayari sa bawat lugar na kanilang pupuntahan ngayon ay giginhawa ang pakiramdam niya. Sa mga nagdaang araw, pahirapan ang paghahanap ng bakanteng lote na paparking-an at kung makahanap man, walang kasiguraduhang ikaw ang unang makakakuha.

Habang nakaupo lang ay naisip ni Jethan na tawagan si Epe. Kakamustahin niya lang kung nanganak na ba ang aso ng kanilang kapitbahay.

Oo, may pinayagan siyang trabaho para sa kaniyang Nanay at iyon ay ang pag-aalaga ng mga aso ng kanilang kapitbahay habang nasa trabaho ang amo nito. Kanina binanggit ni Epe kay Jethan na baka manganak ang aso ngayon kaya kakamustahin niya lang nang saglit at baka bumalik na si Jeth mula sa kung ano mang ginagawa nito sa mall.

Oh God! [ BXB ] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon