EPILOGUE

243 21 0
                                    

PAGKATAPOS lumiko ni Jethan sa pamilyar na direksiyon, kaagad na bumungad sa kaniya ang mga kabahayang bago sa kaniyang paningin. Noon ay 'di pa gaano karami ang mga bahay rito.

Oo nga, nakapunta na siya rito ngunit iyon ay isang beses lamang at iyon ay noong ipinagmaneho niya ang kaniyang anak pauwi galing sa ospital. Hindi naman siya nagkaroon ng panahong magtingin-tingin at sumunod lang sa ibinibigay nitong direksiyon.

At oo, ngayon lang niya napagtanto na sa kabilang kanto nga lang ang bahay nila ng Nanay Epe niya kagaya ng nakita niya sa kaniyang ala-ala habang nasa langit pa siya.

Bumaba siya kaagad mula sa sasakyan nang makita niya ang isang pamilyar na bahay. May gate na nakapalibot sa bahay kaya mahirap nang pumasok kaagad. Nanginig na pinindot ni Jethan ang doorbell sa gilid ng gate.

Ilang beses niya pang pinindot ang doorbell bago niya narinig sa kabilang bahagi ng gate na may nagbukas sa pintuan ng bahay at naglakad patungo na sa gate base sa tunog ng mga yapak nito.

Kaagad na inayos ni Jethan ang kwelyo ng kaniyang itim na short sleeved polo shirt. Pinasadahan rin ng kaniyang kamay ang kaniyang damit na parang pinaplansta ang mga gusot na parte nito.

Ramdam na ramdam ni Jethan ang tensiyon sa kalooban niya. Hindi na rin niya nabilang kung ilang butil ng pawis ang nahulog mula sa kaniyang mukha.

Ano na kaya ang mukha ni Heidi? Ganoon pa ba ito kaganda? Ganoon pa rin ba ang pabango nito? Ganoon pa rin ba ang gupit ng buhok nito? Ganoon pa ba ito ka-malumanay magsalita?

Naestatwa si Jethan nang bumukas ang maliit na pinto na parte lang ng napakalawak na gate. Dahil maliit ang pintong iyon ay kailangan pang mailusot ang ulo bago pa mailabas ang buong katawan lalo na sa ala-ala niya, mas matangkad si Heidi kaysa sa pintong nasa harapan niya.

"Ano po ang kailangan nila?" Tanong ni Heidi nang inilusot nga nito ang ulo ngunit hindi naman inilabas ang buong katawan.

Ang mahal niyang asawa...

Ganoon pa rin ito. Hindi maitago ng wrinkles at mga uban ang magandang taglay nito. She's got the same crimped hairstyle that reaches few inches above her waist.

Hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Jethan ang asawa mo! Sigaw ni Jethan ngunit hindi niya nabuksan ang kaniyang bibig upang magsalita. Kung sakali mang sabihing niya ang mga katagang iyan, hindi rin naniniwala ang kaniyang asawa.

Kahit na gusto niyang hapitin ito sa baywang ay pinili nalang ni Jethan na sagutin ang tanong nito, "Kaibigan po ako ni Jeth. Sabi niya may pag-uusapan raw kami sa bahay niya."

Oo nga naman, hindi siya nakikilala nito sa kaniyang bagong katawan. Ang magagawa lang ni Jethan ay pagmasdan ito habang nakatikom ang bibig.

"Gano'n ba? Ngayon ko lang nalaman na may bago pala siyang kaibigan." Sinenyasan siya ng ginang, "Hali ka, pumasok ka."

"Dito ka muna, liligpitin ko muna ang mga gamit ko roon." Kaagad na tumango si Jethan habang pumasok na nga si Heidi upang gawin ang kailangan nitong gawin.

Nang mawala ang atensiyon niya sa ginang at ibinaling niya ang kaniyang paningin sa napakapamilyar na bahay.

Ganoon pa rin ang kulay ng pintura nito, walang bagong mga tanim sa gilid ng pinto, at walang bagong statwa eksaktong gaya ng kaniyang naaalala. Na para bang bumalik si Jethan noon na normal lang at kakagaling niya lang mula sa trabaho kahit dalawamput-dalawang taon nang pumanaw ang totoo niyang katawan.

Patuloy lang sa pagmamasid si Jethan. Paminsan-minsan pa ay hinahawakan niya ang mga halaman na para bang nakikita niya sa kaniyang isipan ang oras na nilaan niya sa pagtatanim ng nga ito noon. Hindi man iyon ang mga halamang siya mismo ang nagtanim, pwede na rin iyon dahil kahit wala na siya, ganoong halaman pa rin ang itinanim ng kaniyang asawa kung sakaling namatay na ang kaniyang dating mga itinanim.

Oh God! [ BXB ] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon