Chapter 3

223 25 2
                                    

"ILANG taon ka na nga ulit, Jethan?" Tanong ni Epe kay Jethan na mabilis na kumaripas ng takbo patungo sa kanilang kalendaryo.

"Naku, 'Nay, nakalimutan ko na rin." Napakamot ng ulo si Jethan. "Teka bilangin ko muna ha. 2023 minus 2001 is equals to 22, kaso Abril pa ngayon at Disyembre mo ako ipinanganak kaya bente-uno anyos na ako, 'Nay." Bumalik si Jethan sa pagkakaupo sa tabi ng kaniyang Nanay at kinuha ang mga kamay nito upang masahiin.

Malakas na napasinghap ang kaniyang Nanay na para bang may naalala. Pumikit ito,"Bente-uno. Ay oo, sabi ng butihin mong tatay puputulin niya na ang sustento mo kapag edad bente-uno ka na. Kaya pala wala na akong natatanggap mula sa kaniya."

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, Jethan, na ipagpatuloy mo 'yang pag-aaral mo habang pinapadalhan pa tayo ng tatay mo ngunit hindi ka naman nakinig sa akin. Paano na ang kinabukasan mo?" Dagdag ni Epe.

Inilagay ni Jethan ang kaniyang kaliwang kamay sa balikat ni Epe habang patuloy pa rin sa pagmasahe ang kaniyang kaniyang kamay, "Pasensiya na, 'Nay Epe, ngunit mas nanaisin kong mapunta sa panggamot mo ang perang natatanggap ko sa tatay ko."

"Ano kasi anak, Jethan. Ang kamatayan ng isang tao hindi naman natin magagawang diktahan. Kahit baliktadin mo pa ang mundo, hindi niyon maaalis na malapit na ang oras ko." Tama naman si Epe at alam iyon ni Jethan ngunit mas pinili niyang ipalabas ang kaniyang mga narinig patungo sa kabilang tenga niya.

"Hindi, 'Nay. Kung pinakilala mo siya sa akin, baka nakahingi ako ng tulong kung sasabihin ko ang sitwasyon mo." Bulalas ni Jethan habang nakatingin sa mga nata ni Epe. Desidido si Jethan na baka maisalba pa niya ang Nanay niya kung sakaling makahingi siya ng tulong.

Hindi niya tinapos ang pag-aaral, hindi dahil gusto niya, kun'di dahil iyon ang nararapat na aksiyon ngayong nakabitin na lang sila sa isang manipis na alambre ng buhay. Kung gagastusin lang niya ang pera para sa kaniyang pag-aaral habang ang Nanay niya ay ngingitian lang siya na para bang wala ay baka pagsisihan niya pa sa tanang buhay niya kung mawala ito sa kaniya nang lingid sa kaalaman niya. Kung hindi pa grumabe ang sintomas ng sakit nito, ay hindi malalaman ni Jethan na may kidney stones pala ang Nanay niya.

"Hindi naman kasi ganoon kadali iyon, anak. Nakakabingi mang pakinggan ngunit ako ang may kasalanan dahil nagpabaya ako at hinayaan ang espirito ng alak na manguna sa sarili ko." Ngumiti nang mapait si Epe. Kasalanan man iyon ngunit wala siyang makapang pagsisisi mula sa puso niya. Nagsilang siya ng isang napakamabuti at maaalalahaning anak na tila ba galing pa sa Diyos ama.

Hindi niya pagsisisihang ipinanganak niya si Jethan.

"May asawa na rin siya ngayon at baka masabihan pa tayong makapal ang mukha kung biglaan tayong susulpot ngayong nabalitaan nating nagbalik na siya mula sa Amerika. Sabihin pa n'on na mapagsamantala at hindi na nakuntento sa sustento." Mas lalong umasim ang mukha ni Epe habang binabalikan ang nagdaan.

Ayon sa kaniyang Nanay, kababata raw nito ang lalaking nakakakuha ng pagka-birhen nito. Nagclass reunion raw sila, nalasing at sa isang kisap mata, nabuo si Jethan nang wala sa plano.

Ilang araw matapos malaman ng kaniyang ina na may nabuo pala ay kaagad niyang ipinaalam iyon sa kaniyang kababata. At malamang, dahil sa takot, mabilis na humanap ang lalake ng papangasawahin.

Mabuti nalang daw at sinabihan siya nitong magsusustento ito sa bata. Umalis na rin ito sa bansa dahil doon na raw maninirahan sa US kasama ang kaniyang pamilya hanggang dumating ang araw na ito. At kung hindi pa aksidenteng nabanggit ng kaniyang Nanay na bumalik na pala sa Pilipinas ang kaniyang Tatay kasama ng pamilya nito ay hindi ulit ito babanggitin ng kaniyang Nanay sa kaniya.

Mula pagkasilang hanggang ngayon, ni larawan ng kaniyang 'Tatay' ay hindi niya nasaksihan. Ano nga ba ang mukha nito? Anong hugis ng mata nito? Anong kulay ng buhok nito? Anong kulay ng maya nito? Saab ba siya nagmana?

Oh God! [ BXB ] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon