Chapter 3:

1.6K 41 2
                                    

Ysreal’s POV

“Ihinto mo, baba ako,” kalmado kong utos kay Hide na abala sa pagmamaneho.

Kanina pa ako nagsasalita ngunit hindi niya ako tinutugunan. Umaakto siyang hindi niya ako naririnig. Anong dahilan niya para isama ako? Halos patayin niya na nga ako kanina.

“Bungol ka ba?” Humahapdi ang kalmot sa akin ni Mrs. Jones pero hindi ko iniinda. “Ibaba mo ako! Kaya kong umuwi!”

Nakuha ko nang sumigaw. Salamat naman dahil mukhang nakuha ko ang kaniyang atensyon.

“You will pay for my side mirror,” kalmado lang ang mukha niyang nagmamaneho. Pakiramdam ko, nakikiramdam siya. “Hirap ka na nga sa buhay, nakuha mo pang mangpéste ng mga tao.”

“I-Ibaba mo ako. Wala ka namang kailangan sa akin, hindi ba?”

Nahihirapan akong magsalita dahil kumirot ang aking binti. Sa pagtulak ito ni Mrs. Jones kanina. Kahit ganoon ang ginawa niya, nakukuha ko pa ring gumalang.

“Itikom mo kaya iyang bibig mo para kahit papaano natuwa naman ako sa ‘yo?”

Hindi ko natugon ang kaniyang tanong dahil bigla akong naláglag sa upuan nang bigla siyang pumreno. Alam kong alam niyang nalaglag ako pero wala siyang naging reaksyon, napatuloy lang sa pagmamaneho. Hanggang ihinto niya ang kaniyang sasakyan, nasa ganoon pa rin akong kalagayan.

“We’re here.” Bumaba siya ng sasakyan para puntahan ako. Nang makita akong nahihirapan sa p’westo, napataas siya ng kilay at tila nag-isip. “Kaya mo namang maglakad sa hagdan ng ilang palapag ‘no? Don’t use the elevator.” Gumilid siya. Hudyat na pinapababa na ako. Masakit ang aking buong katawan kaya hindi ko man lang maitayo ang aking sarili. “Kupad mo naman,” malakas na daing ang kumawala sa aking bibig nang hatakin niya ako gamit ang isang braso at muli akong hinatak pababa ng sasakyan. Halos sumobsob ang aking mukha sa semento nang matapos niyang gawin iyon. “Iyan, masanay kang mabilis kumilos.”

Nauna na siyang maglakad sa akin.

Nilibot ko ang aking paningin. Anong ginagawa namin dito sa Laur Enterprises? Nagawa niya akong saktan kanina dahil walang katao-tao rito sa parking lot. Lahat ng mga nagmamay-ari ng sasakyan ay abala sa pagtatrabaho sa loob.

Napunta na naman ang tingin ko kay Hide dahil huminto siya sa paglalakad sabay baling sa akin. Walang emosyon ako nitong nilapitan. Bakas sa mukha niya ang labag sa loob nang buhatin niya ako. Walang lumabas na salita sa kaniyang bibig.

Nakuha na ba nitong maawa sa akin?

“May kailangan pala ako sa ‘yo. I forgot,” aniya.

Hindi ko na tinugunan iyon. Pinahinga ko ang aking sarili sa kaniyang mga braso. Nagpapasalamat pa rin ako dahil maayos ang kaniyang buhat, hindi pang-isang sakong bigas.

Nang makapasok sa loob, panay bulungan ang mga empleyado nang makilala ako. Hindi naman sinusuway ng lalaking ito ang mga babaeng pinag-uusapan siya. Noong si Seek ang boss ko, halos ilap siya sa mga babae. Banggitin mo lang ang pangalan niya, nakukuha mo na agad palabasin ang kaniyang kairitahan.

“Akala ko ba walang secretary ngayon si Sir Hide dahil kaya niyang asikasuhin lahat?”

“Malaki naman kasi talaga ang natutulong ni Ysreal kaya siguro kinuha siya ni sir.”

“Pero bakit ganiyan ang hitsura ni Ysreal?”

“Baka naman nirape siya ni Sir Hide sa kotse!”

“HOY! BUNGANGA MO!”

Parehas naming narinig iyon kaya napagpantay niya ang kaniyang dalawang sapatos para huminto sa paglalakad. Binalik niya ang tingin sa mga empleyadong babaeng nilagpasan kanina. Hinanap ng kaniyang mga mata ang nagsabi niyon.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon