Ysreal’s POV
Napaupo ako sa hagdan nang hindi na makaya ng aking sarili. Kinuha ko ang aking panyo para ipangpunas sa mukha.
Inutusan lang naman ako ng boss kong ibaba lahat ng mga kahong mabibigat gamit ang hagdan. Maayos ang kaniyang pag-uutos, hindi ko alam kung gumagawa na naman siya ng kalokohan. Hanggang ngayon nga ay hindi niya ako tinititigan sa mata, tila ba parang kasalanan kung magkatitigan kami. Hindi na siya sinasaltik, kawirduhan niya na iyon!
Naglakad na ako paakyat dahil iisang kahon na lang naman ang ibababa ko. Nang makarating, binuhat ko ‘to. Napangiti ako dahil hindi siya masyadong kabigatan. Napatingin ako sa likuran nang may marinig na tunog ng mga sapatos. Nakita ko sina Reid at Hide na pintuan ng opisina.
“Saan ka ba pupunta?!” Ubos na ang pasensya ni Reid nang tanongin niya ang wirdong lalaki.
Inosente ko namang binalingan si Hide na nasa iisang direksyon lang ang tingin. Napadaan siya sa harapan ko ngunit ‘gaya ng sinabi ko kanina, hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Animo siyang walang nakita, umaaktong wala ako rito. Sinundan ko na lamang siya ng tingin at pasimpleng napaikot ng mga mata.
“Tulungan na kita, Ysreal.”
Lalapitan pa sana ako ni Reid nang mabilis akong umiling. “Magaan lang naman ‘to, huling baba na rin.” Lumakad na ako patungong hagdan. “Anong naisipin ng lalaking ‘yon para ipababa sa akin lahat ng kahon gamit ang hagdan?” Muli kong harap sa kaniya.
Seryoso itong sumagot. “Hindi ko rin alam. Pasensya na sa kabaliwan ng kaibigan ko.”
Hindi ko na nakuhang tumugon. Naglakad na ako pababa ng hagdan. Ilang palapag pa kaya bago makapunta sa unang palapag. Buti nga matibay ang balakang ko.
“Iyan na ang kailangan niyo.” Pabagsak kong nilapag ang kahon sa lamesa ng isang empleyado. “Work well.”
Masama ang loob ko dahil hindi man lang nila ako tinulungan o baka naman pakana na naman ang boss ko kung bakit ganiyan silang lahat.
Paakyat na sana ako ng hagdan nang makita ko sina Rae at Criffy na magkausap sa likod ng isang pintuan. Naalala kong hindi makatitig sa akin ai Criffy kaya nilapitan ko silang dalawa. May masama ba sa pagiging mausisa?
“Dapat galit sa ‘yo si Ysreal, bakit ngayon ay hindi ka niya maalala? Ano ba talagang nangyari sa kaniya? Ayokong pumasok sa ganitong gulo, gusto ko lang magtrabaho pero paano kung nag-uumpisa na? Gusto ko ng tahimik.” Bakas sa mukha ni Criffy ang takot at naguguluhan.
“Bakit naman siya magagalit sa akin? Walang dahilan. I’m Seek’s girlfriend. ‘Gaya ni Hide, gusto kong makuha ang hustisya ng boyfriend ko.”
“Manahimik ka na nga, Rae. Naririndi na ako sa problemang gani—Ysreal.” Biglang namutla ang mukha niya nang makita ako.
Peke akong ngumiti sa mga ‘to. “Oras kasi ng trabaho, nakikipag-usap ka sa walang kwenta, Criffy. Hindi ka pa ba babalik sa table mo?”
“I-I’m sorry.”
Nilingon niya muna si Rae bago bumalik sa kaniyang lamesa.
Tiningnan ko lang ang babaeng nasa harapan ko, hindi na nagsalita. Tinahak ko na ang hagdan paakyat. Naramdaman kong may sumabay ng lakad sa akin. Hindi naman kami magkakilala pero umaakto siyang malapit kami sa isa’t isa.
“Naniniwala naman akong hindi ikaw ang pumatay sa boyfriend ko, Ysreal.” Mahinhin ang kaniyang pananalita. Babaeng-babae kung kumilos pero sa akin, parang pabebe. “Alam naman nating ikaw ang prime suspect, wala ka bang maalala kung sino ang pumatay sa kaniya? Gustong-gusto ko ring makuha ang hustisya.”
BINABASA MO ANG
His Brother Accusing Me: Ysreal Arison Ferenz
RandomDapat bang akusahan kapag walang sapat na ebidensya? Kahit ano pang pagpupumilit ni Hide Laurier hindi niya makuha ang inaasam na hustisya ng kaniyang kapatid na si Seek Laurier. Ang tanging suspek niya lang ay ang iisang babaeng hindi masabi ang ka...