Chapter 10:

1.5K 38 3
                                    

Hide’s POV

“Nasaan ba si Ysreal, Hide?” tanong ni Reid.

Kinuha ko ang susi ng kotse at lumabas ng opisina. Hanggang ngayon ay nakasunod pa rin ito. Pareho lang sila ni Cure na kinukulit ako kung saan ko dinala ang babaeng ‘yon. Binili ko iyon ng dalawang milyon para mapasa’kin ng isang buwan, dapat huwag na silang mangialam.

“You haven’t answered my question yet,” baling ko sa kaniya. Nakasakay kami sa elevator. Buti nga hindi sila nagkasabay ni Cure dahil maiirita lang ako sa mga ito katatanong. “Bakit ka nagbidded ng 1 million para sa secretary ko?”

Parehong pormal ang aming tayo. Hindi namin binabalingan ang isa’t isa.

“I felt Ysreal’s fear then I saved her from you. Kung kailangang paulit-ulit kong gawin, gagawin ko.”

Nainis ako sa aking narinig. “When else have you been interested in women? Nagpapatawa ka ba? Hindi ba kayo naniniwala sa akin na si Ysreal ang pumatay kay Seek? Like Cure, pinasok ba talaga niya sa bahay nila? Paano kung pumatay na naman ‘yon?”

Bumukas ang elevator kaya binilisan ko ang aking lakad. May mga empleyado pang pinapansin ako ngunit hindi ko magawang ngumiti dahil iyong babae na naman ang paksa namin ni Reid.

“I know there’s no justice yet about Seek. Bakit hindi mo na lang sang-ayunan ang mga magulang mo? Hindi na sila nagpapainterview sa mga reporters dahil nirerespeto nila ang kanilang anak. How did Ysreal become a prime suspect? You don’t have enough evidence and the police can’t find any evidence, Hide. Think about it.”

Tumigil ako sa paglalakad nang matunton ko ang aking kotse. Hinarap ko siya.

“Iyong babae na mismo ang nagsabing wala siyang maalala. Tumakbo siya sa oras na ‘yon. Siya ‘yong babaeng nasa footage na dinelete.”

Hindi niya sinabayan ang init ng ulo ko dahil mag-aaway lang kami. Nagsalita siya ng kalmado. “Paano makukuhanan ng impormasyon kung walang maalala ang prime suspect mo?”

“Nagpapanggap lang siyang walang maalala.” Sumakay na ako sa sasakyan. “May sasabihin ka pa?”

“Yes,” sagot niya agad.

Takte, kanina ko pa gustong umalis. Hindi ba ito matahimik? Hinintay ko ang kaniyang sasabihin.

“Sabi mo Ysreal is a trash, why did you bid 2 million?” pangongompronta niya.

Natigilan ako at napatitig sa kaniyang mga matang mapanuri. Umismid muna bago iiwas ang tingin sa kaniya.

“Ebidensya ang kailangan ko sa kaniya.” Pinagana ko na ang makina. “Bahala ka na sa buhay mo.”

Pinaandar ko na ito.

“Laureia, Angelo!”

“Stop calling me Angelo, Reid! Shut up!”

Alam kong natutuwa siya dahil nainis niya ako ngayon. Hindi ko na iyon pinansin dahil naisip ko ang aking mga magulang. Naiintindihan ko kung bakit hindi sila nagpapakuha ng impormasyon sa mga reporters. Naalala ko iyong huling balita, hindi nila nirespeto ang pagkamatay ng aking kapatid. Sobrang daming babaeng umako na sila ang pumatay. Pakiramdam ko may nasa likod pa ng kaso ni Seek bukod sa babaeng mamatay tao na ‘yon.

Pinarada ko ang sasakyan nang makarating sa bahay ko. Hindi naman alam ng mga taong malapit sa akin na may bahay ako rito sa Pilipinas kaya malabong matunton nila ako.

Bumaba ako at pumasok sa loob. Binuksan ko ang ilaw dahil dilim ang bumungad. Dire-diretso akong umakyat ng hagdan, huminto ako sa isang kwarto at binuksan ang pinto. Kusang uminit ang ulo ko nang makita ang aking secretary.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon