Chapter 5:

1.4K 39 3
                                    

Ysreal’s POV

Minulat ko ang aking mga mata nang maramdaman kong masakit ang aking pulsuhan. Malabo-labo pa ang aking paningin, inaaninag ko pa kung nasaan ako ngayon. Nang mapagtanto ko, napaayos ako ng upo at nilibot ang paningin sa buong silid na ito. Sa tingin ko, bodega ang kinalalagyan ko ngayon.

Napayuko ako para tingnan ang sarili. Doon lang ako kinabahan nang makita kong nakatali ako sa p’westo. Madiin, sapat na para humapdi ang pulsuhan. Masyadong kulob sa lugar na ito, wala man lang kabinta-bintana. Walang pagkakataong tumakas.

Naalalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko kilala ang mga lalaking iyon at nasaan si Sir Hide? Pinagbubugbog na ba nila? Deserve.

“May tao ba sa labas?!” buong lakas kong sigaw. Puno ng takot ang aking puso ngunit mas pinili kong kumalma. “Kung may tao, pakawalan mo ako.” Wala na namang tumugon. Nasaan ba kasi kami ngayon? Gusto ko nang lumabas para mawari ang lugar. “Mga pesteng ‘to,” mahina kong usal.

Sinubukan kong tanggalin ang tali pero ang nakapulupot na lubid sa pulsuhan ko ay sobrang kapal. Sinigurado nilang hindi ako makawawala. Ganoon din naman sa paa.

Nakuha kong manahimik. Sinubukan kong mag-isip para makatakas ngunit wala talagang pag-asa rito. May nakikita pa akong mga maliliit na daga na nagsisitakbuhan. Kung takot lang ako sa mga ito, kanina pa ako tumili nang tumili. Siniyasat ko ang aking katawan, walang pasa ang aking mga braso pero sa tiyan at likuran ko, ramdam ko ang sakit. Bakit hindi ko man lang naramdaman kanina na sinasaktan ako ng mga iyon?

Napatigil ako sa pag-iisip nang bumukas ang pintuan. Napatingin ako sa doorknob dahil sobrang daming kandado roon, mukhang ayaw nila akong patakasin. Sunod kong nilingon ay itong lalaking pumasok. Nakatakip pa rin ang kaniyang mukha. Kung titingnan ang katawan, mukhang nasa trenta anyos na ito.

“Kumain ka.”

Naglapag siya ng plato sa aking harapan. Binantayan na lang ako nito matapos niyang gawin iyon.

“Paano ako kakain?” Kusang lumabas sa aking bibig.

“Problema mo na iyan. Kumain ka, iyon ang sabi ni boss. Kung ayaw mo, malilintikan ka.”

“Papatayin niya rin naman ako, bakit pa siya may concerned? Ayokong kumain.”

Sinipa ko ang plato dahilan para matapon iyon.

Dahan-dahang tumayo ang lalaki, niligpit ang sinipa ko. Sa isang iglap, halos lumabas ang puso ko sa kaba nang maglabas siya ng balisong. Ngayon, nakadikit na ito sa aking leeg. Ramdam ko ang hapdi, mukhang nasugatan niya na ito. Ilang segundo kong pinigilan ang aking paghinga hanggang lumayo-layo siya.

“Sutil,” aniya.

Binato niya muna ang balisong sa taas ng aking ulo bago lumabas. Tumingin ako sa aking uluhan, nakatusok ang binato niya roon. Kapag ako namatay... wala na akong magagawa.

“Nasaan si Sir Hide?” Kinakandado niya ang pinto ngayon. “Hoy, matanda!”

“Magtanong ka riyan sa mga daga.”

Hanggang wala na akong narinig sa ingay sa labas. Bagsak ang aking mga balikat na nagpahinga.

Hindi ko mawari kung gabi ba o umaga. Wala rin akong maisip kung paano rito makatatakas. Wala rin akong alam kung sino ang gagawa nito sa amin. Hindi kaya maraming kaaway si Sir Hide? Kung ganoon, nadamay ako sa gulo niya. Kainis.

Ilang oras pa akong naghintay hanggang may pumasok na namang dalawang lalaki. Sa tingin ko, kasing edaran ko lang ang mga ito.

“A-Anong gagawin niyo sa akin?” Natatakot kong tanong dahil bigla nila akong piniringan sa mata. “Bakit kailangang may ganito? Hayaan niyong makita ko ang sarili ko kung paano ako mamatay!”

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon