Chapter 4:

1.4K 35 1
                                    

Ysreal’s POV

Isang linggo na ang nakalipas. Heto ako ngayon, nasa harapan ni Sir Hide. Siya mismo nagdesisyon kung anong itatawag ko sa kaniya. Gusto ko ring magdesisyon na Ysreal ang itawag sa akin. May pangalan ako pero mas pinili nitong tawagin akong secretary.

See? He’s weird o allergic lang talaga siya sa pangalan ko.

“Here’s your food, sir. Galing po iyan sa kabilang restaurant.”

Kung tatanongin niyo, sampong beses na yata akong akyat-baba rito sa kumpanya gamit ang hagdan. Nagpapa-order lang naman itong lalaking ‘to pero kapag nasa harapan niya na ang pagkain, aayawan at sasabihing bumili ng iba. Alam ko namang kasama ‘to sa pagpapahirap niya sa akin. Ayokong mawalan ng trabaho kaya mas pinili kong gawin ang mga kaisip-bataan niya.

“Ayoko ng maanghang, throw it.”

Hindi ako nito nililingon dahil abala siya sa pagtuon sa laptop. Ilang pagkain na ang nabili ko pero pinapatapon niya lang. Pati sa pagkain, hindi mo maasahan ang ugali niya. Hindi ko tinatapon kahit utos nito, binibigay ko sa empleyadong hindi pa nagtatanghalian.

“Don’t you want to throw away?” Inangat niya ang tingin niya sabay taas ng kanang kilay. “O baka gusto mong itapon ko ‘yan sa mismong mukha mo?”

Hindi na ako umimik, kinuha ko na ang pagkain at lumabas. Binigay ko na naman ito sa ibang empleyado. Mga hindi gawain ng sekretarya ay pinapagawa niya. Isang linggo na rin akong nahihirapang maglingkod sa kaniya kaya pagkauwi ko sa apartment. Grabe ang pagod at bigat ng katawan ko.

Muli akong bumalik sa opisina.

“May kailangan pa po ba kayo? Babalik na ako sa table ko,” magalang ang aking pananalita. Nakatungo rin ako.

Hindi siya tumugon. Tumayo ito at lumabas ng opisina.

“Bilisan mo,” aniya na sinasabing sumunod ako sa kaniya kaya ginawa ko.

Habang patungo kami ng elevator. Napahinto siya sa paglalakad sabay tingin sa nagkukumpulang empleyadong kumakain. Napakagat labi ako dahil sila ang pinagbigyan ko ng kaniyang mga pinabili.

“Nagpapakain ka pala ng basura sa katrabaho mo,” malamig niyang sabi at nauna nang sumakay ng elevator.

Nanlaki ang aking mga mata roon.

Gusto kong sampalin ang bibig niya dahil hindi na maganda ang lumalabas dito. Ibang-iba talaga sila ng ugali ni Seek. Paano kaya ito napalaki nang maayos ni Ma’am Victoria kung ganito ang ugali? O baka hindi niya napalaki nang maayos kaya ganito ang ugali?

Okay, judgemental, Ysreal. Pero may punto naman ako, parehas naman silang pangit ang ugali. Baka nagmana sina Seek at Serious sa tatay.

“Secretary, kanina pa ako tawag nang tawag. Aakyat na lang muli ang elevator, hindi ka pa nakalalabas.”

Naipikit ko ang aking mga mata at tiningnan si Hide. Inosente kong inalam ang nangyayari sa palagid. Napangiti na lang ako ng pilit nang mapagtantong kanina niya pa ako hinihintay kaya muli akong sumunod sa kaniya.

“I’m sorry, sir.”

“Sa susunod na magganiyan ka, ididikit kita sa elevator.”

Sa mga sinasabi niya, pakiramdam ko bawal itong biruin dahil masyadong desidido sa mga sinasabi.

Hindi niya man lang pinapansin ang bumabati sa kaniya. Iyong reaksyon niya sa telebisyon at kung paano niya talikuran ang interviewer, ganoon siya ngayon. Mahirap kabisaduhin ang ugali nito. Parang minu-minuto kasi ay dinadalaw ng kasaltikan.

“Join me for lunch.”

Medyo natigilan ako sa apat na salitang binitawan nito. Seryoso? Ayaw na ayaw niya nga akong kasabay kumain pero ‘gaya nga ng sinabi ko kanina, dinadalaw siya ng kasaltikan. Baka walang saltik ngayon, hehe.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon