Chapter Two ♥

30 1 0
                                    

Kae POV

Nakakainis talaga yung lalaking yun! Ugh! Sana 'di ko na siya makita. Once na mangyari yun? Isusumpa ko yung araw na iyon! Swear! Kainis!

Tenenenen~

Si Desiree na siguro 'to. Ang tagal naman kasi mag-CR nun. Isang taon siguro inipon. Psh.

From: Best Desiree

OTW na ko dyan, Best :)

-

Okay. Di ko na siya ni-reply-an dahil wala ako sa mood. Tsaka inaayos ko din kasi 'tong mga napamili ko.

“Best?” Andyan na pala siya. Di ko namalayan. Pero himala ah. Mahinahon ang boses niya. Ano nakain nito? Pero, okay na din 'to. Nadala na siguro kanina nung pinagsabihan ko. Mabuti na 'to.

“Oh? Andyan ka na pala.” Sabi ko ng nakatalikod sa kanya dahil iniligay ko na yung mga napamili ko sa backseat ng sasakyan ko.

“Hindi Best. Wala pa ko dito. Actually, anino ko lang 'to. Galing 'no? ” Ayyy! 'Di nga sumisigaw, pinipilosopo naman ako. Wala din. In fact, di ko alam kung bakit ko ba talaga 'to naging Bestfriend eh. Kasi naman. Magkaibang-magkaiba talaga kami ng ugali. Natatawa na lang ako kung pa'no kami naging mag-bestfriends. Hayaan na nga. Ayoko na mag-kwento.

“Ang gandang sagot.” I said in sarcastic. Nakakainis talaga 'to.

“He-He. Peace tayo, Best.” Sabi nito may ngiti sa labi. Ngiti na parang wala ng bukas. Tch! Babae talagang ito!

Napalingon kami ni Desiree sa may bandang likod ng may marinig kaming Ingay. Parang may natumba ata. Ewan! Eh kami lang naman tao dito.

“A-ano yun, B-best?” Tanong ni Desiree ng nauutal. HAHAHAHA! Nakakatawa yung itsura niya. Grabe! Parang natatae na ewan. Laughtrip!

“Pfft. WHAHAHAHAHAHA!” May naring kaming tumawa. Pero parang nagpipigil. Ang hina kasi eh. Ayy! Ang gulo. Pero boses lalaki eh.

Kaya unti-unti akong lumapit sa pinanggalingan ng boses. Pero si Desiree pinipigilan ako. Takot na takot siya based on her facial expression. Pero kahit ganun nakakatawa talaga. Parang siyang natatae na ewan eh.

-

Max POV

Kilala niyo naman na ako diba? Kaya di ko na kailangan pang magpakilala. Osige na nga!

Dahil mabait ako. I am Charles Maxwell Perez. The only son of Mike Anthony Perez and Minda Perez. Yun lang muna. Malalaman niyo din yung iba.

Nandito ako sa Parking Lot. Uuwi na ako dahil naiirita ako dun sa Ex ko. Habol ng habol sakin! Fvck! She's so annoying! A lot. Nakipag-break na 'ko lahat lahat. Wala pa din. Ano kaya gagawin ko sa babaeng yun?

Makaalis na nga dito! Pero bubuksan ko na sana yung sa may driver's seat ng may makita akong familiar na babae.

Siya yung nakabangga ko kanina. Pero parang may inaantay siya. Naisipan ko na bantayan muna siya. Kaya nagtago ako sa isa sa mga kotse dun.

Teka?

Bakit ko ba 'to ginagawa? Bakit kailangan ko siyang bantayan? Ugh! Shit! Bahala na!

Oh? May dumating. Kaibigan niya ata. Tinawag kasi siyang 'Best.'

“Oh? Andyan ka na pala.” Sabi nung babaeng nakabangga ko. Ano ba kasi ang pangalan nito? Pakipot pa eh. Gusto din naman. HAHAHA! Naalala ko tuloy yung pangyayari kanina. Nung tinatawag ko siya. Akala niya talaga tatanungin ko yung pangalan niya eh, Ibibigay ko lang naman yung nalaglag niya na wallet.

Nasobrahan ata sa pagiging feeler.

Hindi Best. Wala pa ko dito. Actually, anino ko lang 'to. Galing 'no?” HAHAHA! Laughtrip yung kaibigan niya. Barado siya dun ah.

“Ang gandang sagot.” She said in sarcastic tone. Nabara nga ata talaga yung babaeng nabangga ko. Pero anf cute niya.

Fvck! Bakit ba ako nagkaka-ganito?

“He-he. Peace tayo, Best.” Narinig kong sabi ng kaibigan nung babaeng nabangga ko. Makaalis na nga dito! Naiinis ako sa nararamdaman ko. It's so fvcking gay! And I hate this.

Pero tatalikod na ako ng may mabangga akong trash can. Damn it! Bakit ba kasi meron nito dito at nakaharang pa talaga.

Napatingin ako sa Direksyon nung babaeng nabangga ko. Pero nakatago naman ako kaya 'di nila ako nakikita. Nakatingin sila dito. Fvck! Baka makita nila ako. Sabihan pa ko na sinusundan ko sila.

A-ano yun, B-best?” Nauutal-utal na sabi nung isang babae. At...

“Pfft. WHAHAHAHAHAHA! ” Di ko na napigilan at napahagalpak ako ng tawa. Nakakatawa kasi yung itsura nung isang babae. As in! HAHA! Parang natatae na ewan. Bentang benta.

Pero mahina lang naman yung tawa ko. Kaya 'di naman yun mag-e-echo dito sa Parking Lot. Pero alam kung naririnig nila yun. Dahil papunta na sila dito! Shit! Shit! Ano gagawin ko? Kailangan ko makapag-tago. Pero saan? 'Eto malapit na siya.

Alam ko na! Mag-a-act na lang ako na napilayan. Tutal may natumba naman na Trash can. Yun na lang ang idadahilan ko. Okay. Start na.

“H-help... Shit! Ang sakit!” Ayan malapit na siya. Nakikita ko na siya. Pero ako di niya ako nakikita. Dahil nakaupo ako. Halata din sa mukha niya na parang natatakot siya. “H-he-help... Fvck!” Dugtong ko. Damn it! Bakit ko ba kailangan mag-acting? Bakit ko ba kailangan magtago para lang 'di niya ko makita?

Nahihirapan tuloy ako ngayon! It's actually gay!

And now! Nakita niya na 'ko!
“Hala! What happened? Anong gagawin ko?” Nakita niya na ko. Pero 'di siya galit ah?

“Ano kasi...” Sabi ko ng nakayuko. Di ko alam kung ano sasabihin ko. Pa'no na? “Kasi... ano. Nabangga ko 'tong t-trash can. Awww.. Ang sakit...” Sabi ko at iniangat ko ang ulo ko. Nag-pout ako para naman effective yung pag-acting ko dito 'no. Pero nagulat ako..

“IKAW?!” Sabi na nga ba eh. Ganito ang mangyayari pag nakita niya ako. And now? Ano gagawin ko? Kasi naman eh.. Bakit ko pa siya pinag-matiyagan. Eh, kung umalis na lang ako kanina? Edi sana hindi ko kailangan mag-acting? Edi sana 'di ako nahihirapan mag-isip ng dahilan ngayon.

--
Nasa side po si Charles Maxwell Perez -->

Read, Vote and Comment. Tenchu :>

Please follow me on twitter @minibluerose.

My Deal BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon