Chapter Six ♥

3 0 0
                                    

Max POV

"Manang! Pahingi po ng Kape!" Utos ko kay Manang. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Saka dumiretso sa may sala at pabagsak na naupo sa may Sofa.

"Ah. Sige po, Ser. Wet lang." Sabi nito sa'kin. Bisaya talaga. Tsk!

Hayy. Nakakapagod din pala takbuhan yung babae na yun. Buti pa siya 'di napapagod humabol sa'kin.

Tsaka. Bakit nga naman pala talaga siya mapapagod? Eh kung yung hinahabol niya naman ay gwapo. Worth it lahat ng pagod niya 'no.

'Yabang. Tss!' Sabi ng boses sa utak ko. Pati ba naman utak ko, eh kinakalaban na 'ko.

'Manahimik ka nga. Di ako nag-yayabang 'no. Nagsasabi lang ako ng totoo.' Pagtutol ko sa sinabi ng boses sa utak ko.

'Oo na lang!' Bwiset!

"Ser. Eto na po yung kape mo." Nandyan na pala si Manang. Kaya tumango na lang ako at kinuha yung kape.

Iinumin ko na sana yung kape ko ng bigla na lang pumasok sa utak ko si Kae. Kaya naman ang resulta. Ayun! Natapon ko yung kape ko sa gulat dahil sa bigla niyang pag-pasok sa utak ko. Bastos! Hindi man lang kumatok.

'Tanga ka ba! Pa'no kakatok yun. Eh wala namang pinto.' Nyeta! Andyan na naman yung pakialamerong boses sa utak ko. Kailan ba 'to titigil?

Tsaka sabagay. May point din naman siya. Eh sa.wala naman talagang pinto sa utak ko.

'Manahimik ka na nga lang!' Tanging nasabi ko na lang.

'Fine!'

Eh bakit ba kasi bigla na lang pumasok yun sa isipan ko?

'Eh diba, kailangan mo siya para matigil yung Pors-- este Portia pala sa kahahabol sayo?' Sabi ulit ng boses sa utak ko. May naitutulong din pala 'to minsan eh. Sana ganyan na lang lagi. Makikialam siya kung may sasabihin siyang mabuti. Magkakasundi talaga kami nun.

Pero pa'no ko naman siya magagamit? Eh galit na galit nga sa'kin yun eh.

'Edi kausapin mo. Tutal walang hiya ka naman eh.' Aba! Andyan na naman siya ah.

Sumusobra na talaga tong utak ko na 'to ah. Mapapatay ko na talaga 'to. Malapit na. Malapit na malapit na!

'Osige. Gawin mo. Tignan natin kung hindi ka din mamatay.' Argh! Kailan ba talaga 'to titigil? Nakakapikon na ah.

'Pikon ka pala eh.' Sabi ulit ng boses sa utak ko.

'Pwede ba manahimik ka na lang?' Sabi ko dito at siguro nakinig naman na siya. Kasi hindi na nagsalita.

Kailangan 'ko na talaga makagawa ng paraan. Hayy! Ang sakit sa ulo ng babaeng yun. Nakakainis!

DESPERADA!

Tsaka siguro nagtataka na din kayo kung bakit kailangang si Kae pa ang gamitin ko 'no? Samantalang madami naman nagkandarapa d'yan sa'kin. Simple lang.

Kasi alam ko na hindi siya mahuhulog sakin. Halata naman sa mga in-akto niya na wala siyang gusto sakin 'di ba?

Ayoko lang naman kasi na mahalin niya ako. Baka kasi 'pag minahal niya din ako eh maging kagaya din siya ni Portia.

Madagdagan pa yung problema ko.

"Manang! Palinis na lang po yung natapon na kape dito."

Utos ko saka dumiretso sa kwarto ko.

-

Kae POV

Tenenenen~

My Deal BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon