Chapter Three ♥

16 1 0
                                    

Max POV

"IKAW?!" Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Ano ng gagawin ko? Di ko naman pwede sabihin na sinusundan ko siya. Shit! Dapat talaga 'di ko na siya binantayan eh. Ano ba kasi pumasok sa isip ko at ginawa ko yun?

"IKAW DIN?!" Tanong ko. Tsk. Tsk. Mapapasabak ata ako sa acting-an nito. Ano ba kasi ginawa ko bakit naisip ko na pag-matiyagan siya?

"Hindi! Clone ko lang 'to." Namilosopo pa talaga siya. Eh ayan din naman tinanong niya sa'kin. Adik lang? Ganun? Tsk.

"Siguro nga."

"B-best?" Biglang may nagsalita. Yung kaibigan nitong babae na 'to. Nauutal pa. HAHA! Natakot siguro siya kanina nung nabangga ko yung trash can. Knowing na sila lang naman yung tao sa Parking Lot. "S-sinong k-kausap mo?" Dugtong niya. Dahil 'di pa naman niya kami nakikita.

"Desiree, andito ako." Sabi nitong babae sabay taas ng kamay niya at kinawayan niya yung Desiree ba yun? Basta yun. Pumunta nga yung Desiree sa direksyon namin.

Nang makarating siya dito ay nagulat siya at napatulala sa'kin. 'Di siguro niya expected na may ganito ka-gwapong nilalang sa harapan nila ngayon. 'Di sa nag-mamayabang. I'm just stating the fact.

"Ahmmm.. Sino sya, Best?" Tanong ni Desiree na parang kinikilig. Grabe din pala 'tong babae na 'to eh. Kanina natatakot ngayon naman kinikilig. Weird.

"Ahh, yan? Wala lang. Isang asungot." Napamaang na lang ako sa sagot niya. Ako? Asungot? Sa gwapo kong 'to. Siya pa lang ang nag-iisang babae na nagsabi ng ganyan sa'kin. Kakaiba talaga siya.

Para tuloy akong na-challenge sa kanya. Dunno. Pero may kakaiba akong nararamdaman. I can't explain.

"Bulag ka ba Kae, ha? Sa gwapo ni kuya. Matatawag mo pang asungot. Grabe ka talaga." Sabi nung Desiree. And now, alam ko na kung ano ang pangalan nitong babae na 'to. 'Kae'. "Anyways, Kuya pagpasensyahan mo na po itong kaibigan ko ah. Malabo lang talaga mata niya. Hehehe. I'm Desiree. Desiree Castro." Pagpapatuloy ni Desiree sabay abot nung kamay niya sakin para makipag-shake hands at kinuha ko din naman kahit 'di ko pa nasasabi ang pangalan ko. Pero nasarapan ata si Ate. Ayaw bitawan eh.

"Ah.... Ano, yung kamay ko."

"Owww. Sorry." Mabilis na paghingi nito ng tawad sa'kin.

"It's o--" Di ko na natuloy ang sasabihin ko. Dahil biglang nagsalita si Kae.

"Desiree. Let's go. Excuse me kuyang feeler slash hambog, mauna na kami ha. Kaya mo naman na siguro yung sarili mo? Tutal malaki ka naman na. Besides, 'di ka naman lumpo. Right? Tsaka maliit na injury lang yan. So, We have to go." Sabi niya sabay ukol ng atensyon sa akin.

"Excuse me din. Miss Sungit. I have my name. So you don't need to call me Feeler and what is the other one? Hambog? Tsk." Grabe talaga to. Kung ano ano ang pinag-tatawag sa'kin nito.

"Whatever. Desiree, let's go. We're just wasting our time." Sabi niya sa'kin sabay harap kay Desiree at tuluyan na ngang umalis. Pero bago sila makalayo lumingon pa yung Desiree sa'kin.

"Bye Mr. Handsome." Sabi nito sabay kindat sa'kin. Oh? Babae na ang nag-First move. Nginitian ko na lang siya. Pero si Kae? Ayun. Ang sama ng tingin kay Desiree. HAHAHA! Nagseselos siguro. XD

Nung mawala sila sa paningin ko. Umalis na din ako. Grabe yung babaeng yun. Sabihan ba naman akong 'Asungot.' Makikita mo ang hinahanap mo. Nakasakay na ako ng kotse ko at in-start ko na din ang engine nito. Pero bago ako tuluyang umalis sa Parking Lot ay nasabi ko sa sarili ko na...

'Mapapasakin ka 'din. 'Di pa tayo tapos.'

-

Kae POV

Nakauwi na ako dito sa mansyon. Kausap ko si Desiree. Sleep over daw siya dito eh. Tutal wala namang pasok bukas.

Maya maya may narinig kaming nag-busina. Si Dad na siguro yun. Mga ganitong oras kasi umuuwi si Dad eh. Alam ko late na, work aholic kasi yan eh. Sinasabihan ko nga yan na wag na masyado magpa-late pag uuwi. Pero ayun makulit eh. Ayaw papigil. Wala naman daw kasi siyang gagawin dito.

"Hello, princess." Sabi ni Dad pagka-pasok dito sa sala. Ngumiti na lang ako kay Dad. "Oh, iha. Andyan ka pala. Kamusta na? Sila Daddy mo?" Pangangamusta ni Dad kay Desiree pagkakita rito.

"Ahmm. Okay naman po, Tito. Pinapasabi din daw po pala ni Dad na mag-kita daw naman po kayo minsan 'pag hindi kayo busy." Aniya.

"Sige. I like that idea." Pagsang-ayon naman ni Dad.

"Dad, dito daw po pala matutulog si Des." Singit ko. Na-OP na ko sa dalawang 'to eh.

"Okay lang. Sabihin mo na lang kay Yaya, na ipa-ayos yung guest room."

"No, Tito. Sa kwarto na lang po ako ni Kae matutulog. Diba?" Sabi nito sabay tingin sa'kin ng may mala-demonyong ngiti. Parang may binabalak na naman 'to eh. Yung ngiti kasi niya eh. Alam ko yan. Kinabahan tuloy ako bigla.

"Y-yes Dad." Sumang-ayon na lang ako. Wala din naman ako magagawa eh. Dahil kahit na sa guest room pa siya matulog eh, pupunta pa din siya sa room ko 'pag tulog na sila Dad.

Fast Forward~

After ng dinner namin with Dad ay dumiretso na kami dito sa room ko. As usual, chinika na naman ako ni Desiree tungkol sa kung saan-saan. Hanggang sa mapunta yung topic about the guy who accidentally I bumped. Pero nagc-change topic ako. Pero 'di ako nakawala. Pinipilit niya nga 'ko kung sino daw ba talaga yung lalaking yun. Pero sinabi ko na wala lang yun, at dahil sa pinanganak siya na makulit ay hindi niya pa din ako tinigilan hanggang sa napilitan na lang ako na i-kwento sa kanya.

"Kyaaah! My gahd! He's so handsome. Ang hot pa, Best! Sana 'di na lang ako nag-CR eh. Malay mo ako pa ang nakabangga nun. Sayang!" At iyan na nga. Ganyan na siya simula kanina ng matapos kung mag-kwento. Hindi ko na lang siya pinansin. Nagtakip ako ng unan sa dalawa kong tenga. Dahil ang lakas ng boses niya. Remember? Para siyang nakalunok ng megaphone. Or should I say is 'nakalunok' na. Buti na lang 'di naririnig nila Dad dahil soundproof itong room ko. "Tsaka Best. Ang harsh mo kay kuya ah. Sabihan mo ba naman ng asungot. Eh ano ba pangalan nun? Kyaaaah! Best. Ang gwapo talaga niya. Kinikilig ako. Nginitian niya pa ako kanina. Goooosh!" Pagpapatuloy niya. Dahil di ko naman siya pinapansin. Ang ingay talaga. Sakit sa tenga!

"DESIREE! Ano ba?! Tumigil ka nga. Ang ingay mo. Para kang taga-bundok. Umayos ka nga." Sabi ko sa kanya. Di na ko nakatiis eh.

"Eh? Ang gwapo niya kasi, Best." Sabi niya sabay pout. "Teka. Ano ba pangalan nun?" Dugtong niya.

"Marami pa naman gwapo diyan eh. Tsaka 'di ko alam. Bakit ako tinatanong mo? Paki ko ba sa pangalan niya?" Paliwanag ko sa kanya. Di ko na lang sinabi yung pangalan niya, kahit alam ko. Di naman sa selfish. Di din sa nag-seselos ako 'no. Like D to the U the H! Baka lang naman kasi na 'pag sinabi ko eh. Kulitin na naman ako nito kung pa'no ko nalaman ang pangalan niya. Ayoko na mag-kwento. Inaantok na 'ko.

"Okay. Tara tulog na tayo. Anong oras na oh?" Sabi nito na halatang dismayado, dahil siguro di niya alam yung pangalan ng asungot.

"Sige. Goodnight."

"Goodnight din, Best (^__^)" Sabi nito. Bipolar talaga. Tch! Makatulog na nga. Antok na din ako eh. Di lang ako makatulog dahil sa babaeng 'to.

Pero bago ako tuluyang makatulog ay biglang nag-pop out sa utak ko yung asungot. Bakit ko ba biglang naisip yun? Aish! Napailing na lang ako dahil dun. Tulog na nga ko.

-

AN: Hello readers ^__^ Sorry if lame yung update. Babawi na lang po ako next time. BTW, don't forget to vote and comment.

For more updates, follow me on twitter @minibluerose :) on Fb, Rizalyn Jeon Cabahug. ThankU :>

My Deal BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon