Chapter Five ♥

6 0 0
                                    

Desiree POV

*Kring, Kring*

*Kring, Kring*

*Yawn*

Hayys. Monday na. So, it means, may pasok na ulit. Pero excited na ko 'no. Gusto ko na i-kwento kay Best yung ginawang pag-chat sa'kin ni Charles. Kahit na parang lumalabas eh. Kinausap niya lang ako or ni-chat para malaman yung pangalan ni Best. Pero okay lang. Atleast, naka-chat ko siya. Ice na yun sa'kin.

Higit sa lahat, alam ko na din yung pangalan niya. Nakita ko dun sa screen name niya nung ni-chat niya ako. O 'di ba? Bongga. Naka-chat ko na siya, nalaman ko pa pangalan niya.

Kyaaaah~ Kinikilig pa din talaga ako sa kanya.
Ang gwapo niya. Mygahd! Maswerte talaga si Best. Dahil nakabangga niya yun eh. Kung ako yun? Ay, ewan na lang. Baka ano na nagawa ko kay kuya.

Hayys. Makaligo na nga lang at ng maka-pasok na 'ko.

-

"Kuya, pakisundo na lang po ako ng around 3: 00." Sabi ko kay Mang Randy habang naka-tingin sa loob ng bag ko para i-check kung may nakalimutan ako. Nang masigurado ko na wala naman akong naiwan ay bumaba na ako.

"Sige po, ma'am." Sabi nito at umalis na din agad.

'Asan na kaya si Best?' Tanong ko sa sarili ko habang tumitingin-tingin sa paligid baka sakaling makita ko siya.

"BEST!" Sigaw ko sa kanya ng makita ko siya na nakaupo sa may bench malapit sa garden.

"Maka-sigaw ka naman. Parang ang tagal natin di nagkita ah." Pamimilosopo nito sa'kin. Gumaganern na din siya ah. Masubukan nga.

"Bakit? Ang tagal kaya natin 'di nagkita." Napa-maang na lang siya sa sinabi ko.

"Eh, magkasama pa nga lang tayo kahapon. Nakalimutan mo na ba? May sira ata utak mo eh!"

"Sige nga. Bilangin mo. 10: 00 ako umalis sa inyo. Anong oras na ngayon? 7: 00." Sabi ko saka umarte na nagbibilang. "22 hours din tayong 'di nagkita. Matagal na yun. Ikaw ata may sira utak sa'tin dalawa eh." Tuloy ko sa sinabi ko pagkatapos kong mabilang yung mga oras na nagkahiwalay kami. HAHAHA! Hula ko, sisigawan na naman ako nito dahil sa pamimilosopo ko sa kanya eh.

Wala eh. Sinubukan niya ko. Pagbibigyan ko siya. Hihihi ^_^

"Ahhhh! Nakakainis ka! Alam mo yun?!" Sinasabi ko na nga ba eh. Sisigawan niya lang ako.Napangiti na lang ako dahil dun.

"Hehehe! Peace tayo, Best. Ikaw kasi eh. Pinipilosopo mo ako." Sabi ko habang yung kamay ko is naka-sign ng pa-letter V. Basta yun na yun. "Siya nga pala. May ike-kwento ako. Naalala mo pa ba yung Charles? Yung nakabangga mo sa Mall?" Nakita ko na nagulat siya sa tinanong kong iyon. Siguro kasi alam ko na yung pangalan niya. Pero agad din naman niya iyong nabawi at bumalik sa normal niyang face expression. Yung laging bored. Ganun.

"Kung tungkol lang din naman sa kanya yung pag-uusapan natin. Mas mabuti 'pa na 'wag mo ng ituloy. I'm not interesting." Sabi nito. "Anyways, how do you know his name? Don't tell me. Stalker ka niya?" Dugtong nito.

"'Di pala interesado, ha?" Sabi ko ng pabulong baka kasi masigawan na naman ako 'pag sinabi ko pa sa kanya.

"May sinasabi ka?" Sabi nito habang nakataas ang isang kilay, kasing taas ng Mt. Everest.

"A-ako? Wala ah. Tsaka FYI. 'Di ako stalker 'no. Sa ganda kong 'to. Nalaman ko yun kasi ni-chat niya ako." Pag-depensa ko sa sarili ko saka nakita ko sa mukha niya nagtaka siya. Alam kong gusto niya itanong.

My Deal BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon