Chapter Four ♥

18 1 0
                                    

AN: Dedicated po 'to kay serafinama11. Dahil siya ang unang nag-vote sa story ko. Thankyou po :)

Kae POV

Umaga.

Panibagong araw na naman. Ano na naman kaya mangyayaring kamalasan ngayon sa'kin. Napapansin ko lang din kasi na this past few days eh, puro kamalasan na lang ang nangyayari sa'kin.

Kasama na dun yung asungot na nakabangga ko kahapon. Psh. Eh bakit ko na naman ba naiisip yun?
Basta! Nakakainis talaga yun. Ang yabang yabang. Akala mo kung sinong gwapo. Mukha namang unggoy. HAHAHA!

"Hoy!"

"Ay! Palaka ka!" Sino ba 'to? Makapang-gulat naman. Buti na lang wala akong sakit sa puso. Dahil kung nagkataon eh, patay na ko ngayon.

Okay tama na. OA na eh. Nasobrahan ata.

"Ang ganda ko namang palaka, Best. Tsaka bakit ka ba kasi ngumingiti mag-isa dyan?" Tama kayo! Ang nag-iisang kong kaibigan na nakalunok ng megaphone. Walang iba kundi si Desiree. Tsaka ano na naman pinagsasabi nito na ako ngumingiti? Di pa naman ako baliw. Siya ata yun eh. Adik lang.

"Ewan ko sayo! Ano pinagsasabi mo na ako? Ngumingiti? 'Di ako baliw 'no. Nandamay ka pa." Sabi ko habang tinuturo ang sarili ko.

"Oo kaya, Best. Nakangiti ka. Sino ba inii--
Don't tell me?! Si kuyang pogi yan! Ayiieeee."
Eto talagang babae na 'to. Kung ano ano naiisip. Bakit ko naman iisipin yun? May pa-ayiieee~ ayiieee~ pa siyang nalalaman. Akala niya naman kikiligin ako. Like D to the U to the H. 'Di ko gusto yun 'no. Kahit isang katangian ay walang kagusto-gusto sa kanya. Mayabang, Mukhang unggoy, asungot, hindi gentleman. Kagusto-gusto ba yun? Psh!

"Ikaw talaga! Kung ano-ano pumapasok dyan sa kokote mo. Tsaka bakit ko naman iisipin yun? Kumain na nga tayo. Tapos umuwi ka na din." Sabi ko at kumain na din. Kaming dalawa lang naman ang kumakain eh. Si Dad, 'di ko na naabutan eh. Maaga daw umalis. Lagi naman.

"Para namang tinataboy mo na ako nyan?" Sabi nito sabay subo ng pagkain niya. Magpapaawa pa talaga. Eh, anong gusto niya? Dito na lang siya tumira?

"Kumain ka na nga." Sabi ko na lang para tumigil na din siya at makakain na din ako ng maayos. Pero nagkamali ata ako.

"Anngbnbstngcnmgdngwkhh? Askfdgls." Oo grabe! May naintindihan ako. -_____-

"Ano ba, Desiree? Don't talk when your mouth is full. Wala ka bang manners?"

"Sorry na po ma'am. Hehe!" 'Di ko na lang siya pinansin. Dahil alam ko na kapag nagsalita pa ako eh. Magsasalita pa 'tong isa na 'to. Di yan nagpapa-awat eh. Kaya nakakain na din kami ng maayos.

-

Desiree POV

Helloooooo (^______^) Kilala niyo na naman ako diba? Pero magpapakilala ulit ako. Baka kasi nung si Best yung nagpa-kilala sa'kin eh, kung ano ano pinagsasabi niya. So, yun nga.

Ako si Desiree Castro. Maganda, sexy, Oh! Walang aangal ah. Mabait at masayahin din naman ako. Hmmm? Ano pa bang 'di niyo alam sa'kin. Ayun! Anak ako ng nanay ko. Kayo din naman diba? Pero kahit alam niyo na yun. Sinabi ko pa 'rin. Bakit? Wala lang. HAHA! Trip ko lang. Pero wala na si Mom eh :'( Iniwan niya kami ni Dad. Sumama siya sa ibang lalaki. Arranged marriage lang kasi sila ni Dad nun. Hindi nila mahal ang isa't isa. Nagsasama lang sila dahil sa amin ni kuya. Si Kuya Dylan Castro.

Pero, syempre joke lang yun! Joke lang yung iniwan kami ni Mom. Masaya silang nagsasama ngayon ni Dad. Oo, totoo yung Arranged Marriage lang sila. Pero bago pa managyari yun ay mahal na talaga nila Dad ang isa't isa. 'Di ko nga alam kung pa'no nila nabibigyan ng time yung isa't isa eh. Lahi silang busy. What I mean is, they're still sweet, caring. Ganun? Bihira na lang kaya yung ganun. Diba?

My Deal BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon