Chapter Seven ♥

4 0 0
                                    

Max POV

Sumasakit na talaga yung ulo ko kung pa'no ko kakausapin yung Kae na yun. Hindi ko naman alam kung saan yung paaralan nun.

Ni isa. WA. LA! Wala akong kaalam-alam sa kanya! Napasabunot na lang ako sa ulo ko.

Ahh! Alam ko na. Si Desiree. Kailangan ko siyang makausap.

Kinuha ko agad yung Phone ko mula sa bag ko at nag-simula ng i-message siya sa Messenger.

Pero magta-type pa lang sana ako ng biglang may nag-message sa'kin at mukhang naunahan niya na 'ko.

Desiree Castro: Hellooooo ;)

Charles Maxwell Perez: Hi ^_^ Musta na?

Ano ba naman 'yung natanong ko? Pam-bakla. Kainis!

Nakikita ko sa screen ng Phone ko yung tatlok tuldok na umaalon-alon. Ibig sabihin nun, nagta-type na siya ng ire-reply niya.

Desiree Castro: Okay lang naman :> How 'bout you?

Ano ba naman 'to? Kailangan ko na talaga maka-hanap agad ng Pretend GF ko.

Charles Maxwell Perez: Ahmm. Okay lang din. Sa tingin ko. HAHAHA!

Tsaka ko sinend yung message ko pagkatapos kung mag-type. Pero nakakailang segundo pa lang eh. Nag-type muli ako.

Charles Maxwell Perez: Pwedeng favor?

Tsaka ko ulit sinend.

Desiree Castro: Huh? Bakit 'di ka sure?

Desiree Castro: Ano yun? Anything for you :)

Charles Maxwell Perez: May problema lang. Pero okay lang yun. HAHAHA! Ang gulo ba? Anyways, ahmm. Pwede bang mahingi yung phone number ni Kae? Okay lang kung ayaw mo ;)

Kinakabahan ako sa sagot niya. Baka isipin nun-- Bahala na nga! Bahala na kung anong mangyari.

Bwiset na buhay 'to!

'Kasalanan mo naman lahat ng namgyayari eh. Kung 'di ka ba naman babaero.' Sermon sa'kin ng boses sa utak ko. Kainis!

Wala bang nabibili na pampaalis ng boses sa utak? Ano ba tawag dun? Malaman ko lang talaga. Bibili ako ng isang dosena.

Para siguradong sigurado na maalis na. Pakialamero masyado eh. Buti kung tinutulungan ako. Hindi naman.

'Alam mo? Kung wala ka naman magandang sasabihin. Manahimik ka na lang! Punyeta.'
Binalik ko yung atensyon ko dun sa phone ko at nakita ko na offline na siya. Fvck! Pa'no na 'to?

Kung hindi lang dahil dun sa Portia na dun? Hindi ko ito gagawin. Kung tutuusin. Hindi lang naman talaga si Portia ang iniisip ko. Pati na din yung mga fan girls ko.

Aba! Mas matindi naman yung mga yun kaysa kay Portia. Yung iba nga ninakawan ako ng halik eh.

Pero sa pisngi lang naman.Subukan lang nila sa labi ko. Magkakamatayan kami. Kahit babae pa siya. Ang nakakainis pa dun. Ag panget ng humalik sa'kin. Mukhang palaka!

Ilang bote ng alcohol ang nilagay ko nun sa pisngi ko, para lang masigurado na walang natirang Bacteria.

*Ting*

Napabalik ako sa realidad ng maring kong tumunog yung phone ko.

May nag-message sa'kin. Si Desiree pala. Binuksan ko agad yung message niya sakin.

Desiree Castro: Sorry for waiting. Ito nga pala yung number niya. 09109899***
Text mo na lang siya :)

Tungunu! Totoo ba 'to? Binigay niya talaga?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Deal BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon