Chapter 13:

30 3 0
                                    

Sa araw na araw palaging ganun ang nagiging set up nilang dalawa. Laging lumalapit si Marl pero ganun pa din ang pakikitungo ni Trish. Walang magawa si Marl kundi tingnan na lang siya sa isang tabi. Nahihirapan man siya pero tinitiis niyang lahat para sa kaisa isang taong minahal niya.

Pinuntahan sila nang isa sa mga magiging investors nila. Kailangan nilang pumunta sa Palawan para tingnan ang island na pagtatayuan nila ng gagawing isang malaking resort.

Walang nagawa si Trish kundi ang sumama kay Marl. Kasama yun sa kanyang trabaho. Papunta na sila sa airport. Ihahatid na sila ng driver ni Marl. Walang kibuan na naganap sa kanilang dalawa. Pagod na din si Marl sa kakakausap ng para naman siyang walang kausap.

Paalis na ang eroplanong sinasakyan nila papunta sa palawan. Wala pa ring kibuan, parang bato ang kasama ni Marl. Napapailing na lang siya habang nakatitig sa mahimbing na pagkakatulog ni Trish. Hindi niya napigilang kunin ang ulo at isandal sa kanyang balikat. Namiss niya ang nakaraang masaya pa sila. Nakatulog din siya.

Dumating na sila sa palawan sinundo sila dun at dinala sa tutuluyan nilang Hotel. Magkatabi ang kanilang kwarto. Nasa ?elevator na sila ng biglang nagring ang phone niya si Prezzy ang tumatawag. Sinagot niya ito.

Marl: hello.
Prezzy: Hello, kamusta nasaan ka ngayon?
Marl: Nandito ako sa palawan. May gagawin kaming resort dito.
Prezzy: Ganun b,. sayang hindi ako nakasama. Nandito na ako sa pinas. Kelang ang uwi mo?
Marl: 3 days kami dito.
Prezzy: sin0ng kasama mo?
Marl: Sige na may gagawin pa ako.

Nakita ni Trish kung sino ang tumawag. Nagrehistro sa phone ni Marl. Inis niyang iniwas ang kanyang paningin. Nang bumukas ang elevator nagmamadali siyang lumabas at padabog na kinuha ang dala dalang bag.

Oi, ako na ang magdadala niyan. Mabigat ihahatid na kita sa kwarto mo. saad ni Marl.

May paa ako at may kamay kaya ko ang sarili ko. inis na sambit ni Trish.

Napabuntong hininga na lang si Marl sa inasta ni Trish.

Anong nangyari dun? hay naku hindi mo nga naman maintindihan. Sabay kamot sa ulo.

Nakapagbihis at nakapag ayos na ang dalawa para mapuntahan ang island na pagtatayuan ng resort. Kinatok ni Marl si Trish.

Are you ready? sambit nito.

Binuksan niya ang pinto at lumabas.

I'm ready.. matabang naman na sagot ni Trish.

Nagpunta na sila sa isla upang tingnan at kausapin ang ka deal nila. Nagustuhan nila ang isla at pati na rin ang deal. Natapos na sila at naiwan na silang dalawa.

Ang ganda dito noh??? Ang sarap ng simoy ng hangin, biglang sabi ni Marl.

Napatingin lang si Trish sa kanya kitang kita sa mukha ni Marl ang kasiyahan.

Trish Pov

Kitang kita ko sa mukha niya ang kasiyahan. Matagal ko hindi nakita yun. Ang sarap niya lang tingnan. Parang namiss ko siya. Lumalambot na ba ako? Bigla siyang tumingin sa akin, nagkatinginan kami biglang sinabi niya na.....

Namiss kita Sobra... huwag ka ng aalis hindi ko na kakayanin... Please...


Author's Pov

OMG OMG OMG
grabe un....
kilig much..

Yes, She's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon