Chapter 17

4 0 0
                                    

Walang pagsidlan ang kasiyahan ng dalawa. Sinusulit ang mahabang panahon ng kanilang pagkakalayo. Ngaung magkasama na sila, "wala nang bibitiw pa."

Marl Pov

Sa wakas alam kong hindi na bibitiw sa akin si Trish alam kong kaya naming dalawa lahat ng dumating na pagsubok.
Kahit gaano ito kahirap kakayanin namin lahat lahat.

Balak naming sabihin na sa kanyang mga magulang. Alam kong kahit na ano man ang humadlang samin ay hindi nila kami kayang paghiwalayin pa ni Trish..

sa bahay nila Trish...

Mama, papa??? tawag ni Trish sa mga magulang.

lumabas ng kwarto si Charry upang buksan ang pinto.

Trish??? Anak andito ka na pala. Kamusta ka anak? sambit nito.

Gusto kitang makausap mama, sambit ni Trish.

papalapit si Marl sa dalawa.

Ano ang ginagawa niya dito? takang tan0ng ni Charry.

Gusto namin kayong makausap mama, kaya pwede ba pumasok tayo sa loob. sambit ni Trish sa ina...

sa sala...

Mama bakit mo nagawa sa akin yun?
Kahit kelan di ko naman nakalimutan ang mga pangarap mo sa akin, hindi ko lang maisip na kaya mo yun gawin sa akin. Hindi mo ba alam mama kung gaano ako naghirap, kung paano ako nasaktan ng sobra, kung paano ko ginusto na mawala na. Hindi mo man lang ba naisip ung nararamdaman ko?

Bakit?

Bakit?

Bakit mama?

umiiyak na sambit ni Trish.

Hindi makasagot si Charry. Alam niyang tama ang sinasabi ng kanyang anak. Pero wala na siyang magagawa dahil tapos na ito at hindi na niya maibabalik pa.

Gusto po sana namin kayo makausap. Nakapag desisyon po kami ni Trish na magpapakasal na po kami. Nasa tamang edad na po kami. Kaya ko pong bigyan siya ng magandang kinabukasan. Sana po ay maintindihan ninyo kami ni Trish.
sambit ni Marl.

Gulat na gulat si Charry sa mga narinig.

Anong sinasabi nito Trish? Anong kasal? Umuwi ka ba para magpakasal? tan0ng ni Charry.

Opo mama. Totoo ang sinasabi niya. sagot naman ni Trish.

Tahimik na nag iisip si Charry.

Sana po ay maging maganda na ang tingin ninyo sa akin, Mahal na mahal ko po ang inyong anak. Kahit kelan po ay hindi ko siya ipinagpalit kahit kami ay magkalayo. Siya lang po ang babaeng gusto kong pakasalan. Kaya sana po ay pumayag kayo sa aming desisyon, Pakiusap ni Marl.

Anak pasensya ka na sa aking nagawa. Gusto ko kang mapabuti ang buhay mo kaya ko yun ginawa. Sana mapatawad mo ako, Lumuluhang sambit ni Charry.

Alam ko yun mama. Pero sana hindi na maulit dahil para akong pinapatay. Sana payagan mo kami mama... sagot ni Trish.

Niyakap ang kanyang anak na si Trish.

Salamat anak sa pagpapatawad.

Oo, anak pumapayag ako. Alam ko ito lang ang makakapagpasaya sayo.

Nag iyakan ang mag ina. Dala na din siguro ng tuwa.

Tama na nga itong iyakan natin halina kayo at kumain... masayang saad ni Charry

Niyakap ni Marl si Trish sabay halik nito sa noo at pumunta na sa kusina para kumain. Masaya silang dalawa at naka ayos na din ang ina ni Trish.

Natapos na ang pagkain at nag usap din sila sa kasalang magaganap.

Mama hindi muna kami dito magpapalipas ng gabi kailangan namin pumunta sa maynila para sa aming trabaho... paalam ni Trish.

Sige anak naintindihan ko, sagot naman ni Charry.

Sige po alis na po kami para hindi kami masyadong gabihin, saad naman ni Marl.

Sumakay na sila ng sasakyan. Pinaandar na ito ni Marl at sabay hawak ng kamay ni Trish.

Maraming salamat "Mahal ko" sa napakaganda at napakasayang araw na ito... kitang kita ang ngiti sa mga labi ni Marl habang nagsasalita.

Oo tama ka, napakasaya ng araw na ito. Para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib... sagot ni Trish.

I love you Trish...

sabay halik sa kamay nito.

I love you to0...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yes, She's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon