Chapter 5: Ang paglapit

50 3 0
                                    

Trish Pov

Hindi ko alam ang aking isasagot. Pero bakit pilit na sinasabi ng isip ko na pumayag ako. Wala akong nagawa kundi pumayag. Hay nako ano ba ito???

Marl Pov

Nasa court na ako inaantay ko siya. Hinahanap siya ng aking mga mata. May kaba sa aking dibdib. Ngaun ang araw na sinabi kong lalapitan ko siya. Sana hindi niya ako sungitan.

Nakita ko na silang papalapit sa court. Tinawag ko ang isa kong kasamahan sa table. Nagpaalam ako na may kakausapin lang. Dali dali akong lumapit kahit na may kaba sa dibdib.

Marl: ahm hi trisha.. hi sa inyo..
Jane: hello sa'yo...
Trish: hello...
Lory: oi tara muna guys, maiwan muna namin kayo ha bibili lang kami.
Trish: oi san kayo punta??? hoi.....
Kimmy: bye...

Hindi makakibo si Trisha nahihiya siya at naiilang .

Marl: Ahm akala ko hindi ka na manunuod e.
Trish: dapat nga pala hindi na.
Marl: bakit naman???
Trish: ah eh ah wala haha...

Mga ilang sandali lang ng kanilang pagkukwentuhan medyo nawala na ang ilang sa isa't isa. Nagtatawanan, nagbibiruan na ang dalawa. Mukhang naging panatag na silang dalawa. Marami silang napagkwentuhan, about sa past nila, sa family, school at marami pang iba.

Masama ang tingin ni Prezzy sa dalawa. Halata ang inis sa ekspresyon sa kanyang mukha. Iniisip kung paano ang marapat niyang gagawin.

Ang mga pinsan naman ni Trish ay masayang sinusulyapan ang dalawa sa malayo. Halatang gusto nila si Marl para kay Trish...

Marl: ahm pwede ko ba kayong ihatid?
Trish: hah??? eh hindi pwede masyadong strict ang parents ko.. pasensya ka na...
Marl: ok lang naiintindihan ko naman.
Trish: sige paalam na kami. bye...
Marl: sige ingat kayo...

Grabe habang tinititigan ko siya lalo akong na aamazed sa ganda niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang kausap siya. Ang sarap lang niyang kausap. Sana maging ok na kami bilang magkaibigan. Kinuha ko agad ang cp ko para maichat siya.

Marl: kauwi ka na?
Trish: oo.
Marl: tnx kanina ha..
Trish: saan naman?
Marl: ah sa kwentuhan.. hehe
Trish: hay naku wala un...
Marl: ahm sana pwd ult tau makapagkwntuhan...
Trish: Walang problema..

Mahaba ang aming pagchachat ni Trisha hanggang sa naisipan ko siyang ayain sa isang magandang lugar dito sa probinsya namin. Iyon ang paborito kong lugar pag masaya o malungkot man ako.

Marl: ahm trish
Trish: ano yun?
Marl: Pwd b kita maaya dun sa paborito kong lugar dto satin??? Sa burol?
Trish: Anong meron dun?
Marl: ipapakita ko sayo ung napakagandang tanawin..
Trish: ah cge.. kelan b?
Marl: Pwd kb bukas? Wala kasing laro kaya mkakapahinga.. Makakagala...
Trish: bukas agad agad? haha pero cgeh...

Labis ang galak na nadarama ko. Hindi ko mapigilan mapa yes hahaha. Hindi siya magsisisi.

Marl: ah sunduin na lang kita bukas.
Trish: ah di pwd e., mgkita nalang tayo sa court. Tska kasama ko mga pinsan ko.
Marl: ah oo nga pala hindi ka papayagan..
Trish: Oo. cge bukas na lang..
Marl: Sige go0dnight. Sweetdreams...
Trish: Ok. Go0dnight..

Yes, She's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon