Chapter 14:

26 3 2
                                    

namiss kita sobra...

Huwag ka ng umalis hindi ko kakayanin...

Please....

Trish Pov

Napaluha ako sa huling mga katagang binitawan niya. Bakit parang wala siyang ginawa sa akin? Bakit parang ako pa ang nang iwan sa kanya? Hindi ko maintindihan.

Biglang nagdilim ang paligid mukhang uulan. Lumapit sa kanila ang driver ng sinasakyan nilang bangka.

Maam, Sir. Hindi ko po kayo maisasakay may problema po ang bangka at malakas ang alon. Ipapasundo ko po kayo dito.
Pasensya na po,sambit nito.

Nagkatinginan ang dalawa. Nagmamadaling umalis ang kanilang sinakyan. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Hinubad niya ang suot na jacket at ipinangsuklob kay Trish. Nagmamadali silang sumilong sa mga puno. Mukhang aabutan sila ng bagyo.

Marl Pov

Nakasilong kami sa isang malaking puno. Basang basa na kami. Nakita ko siyang giniginaw. Hindi ko napigilang yakapin siya.

huwag ka mag alala nandito lang ako...
hinding hindi na kita iiwan...

Sobra ang pagkanginig ni Trish. Nakatulog siya sa pagkakayakap ni Marl. Iyon ang nagbigay init sa giniginaw niyang pakiramdam.

Tumila na ang ulan. Tulog pa din si Trish nakatingin lang si Marl sa magandang mukha ni Trish.

Bakit mo ako iniwan nun?
Ginawa ko naman lahat ha???
Hinanap kita sa Amsterdam pero hindi kita nakita. . .
Hindi ko alam ang gagawin ko...
Nagsikap ako para sayo...
Bakit ganito ka sa akin ngaun???
sinasabi ni Marl habang tulog si Trish.

Trish Pov

Narinig ko lahat ng sinabi niya. Akala niya tulog ako. Ano ang mga pinagsasabi niya?
Hindi ko maintindihan. Hindi ako gumising, ayokong sagutin ang mga katanungan niya.

Nakatulog na din si Marl. Sinabayan niya ng tulog si Trish. Magdadapit hapon na. Nagulat si Trish na wala na sa tabi si Marl. Natakot siya hindi niya alam ang gagawin.
Umiyak na lang siya. Umiyak ng umiyak...

Nakita ni Marl na umiiyak si Trish. Naitapon niya ang dalang mga prutas at nagtatakbong pinuntahan si Trish. Niyakap niya ito ng mahigpit.

huwag ka nang umiyak eto lang ako. huwag ka nang matakot. please...

Tiningnan siya nito at yumakap din.

akala ko iniwan mo na ako.
umiiyak niyang sabi.

hindi kita iiwan, tara kumain muna tayo, sagot ni Marl.

Kumain na ang dalawa. Hindi pa rin kumikibo si Trish. Hindi na napigilang magtanong si Marl.

Bakit ka umalis??? tanong ni Marl.

Hindi kumibo si Trish.

Please sagutin mo ang tanong ko, pagmamakaawa ni Marl.

Ikaw ang nang-iwan, hindi ako. (Trish)

Paanong nangyari yun??? (Marl)

Nung gabing handa na kong hindi umalis at handa na akong ipaglaban ka. Nalaman ko kay Prezzy na nagkabalikan na kayo. Napakasakit nun. Parang maguguho ang mundo ko. Dahil wala akong dahilan masaktan dahil walang tayo. (Trish)

Kami ni Prezzy??? Walang kami Trish. Hindi totoo un. Bakit hindi mo ko tinanong? Bakit nagdesisyon ka agad?
Yun ba dahilan kung bakit mo ako iniwan??? Yun ba?

Hindi lang yon. Marami pang iba. Anong akala mo ha hindi masakit sakin un? Napakatagal kong nagdusa halos mabaliw ako. Kaya wag mong sabihing iyon lang. Nabuntis mo pa si Prezzy. Napakawalanghiya mo. Ginamit mo lang ako!!!! galit na sumbat ni Trish.

WHAT????!!!!
Saan mo nalaman ang mga yan???!!!
MY GOD TRISH!!!!
Hindi totoo yan.... walang totoo sa lahat ng mga yan....
WALA!!! WALA!!! WALA!!!

Yes, She's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon