Chapter 3: Friends???

73 4 0
                                    


Nakakatuwa naman mukhang magiging magkaibigan kami, pero sana hindi lang ganun.. Kaso grabe ang sungit, sana makita ko siya gabi gabi. Ang cute niya talaga.

May laro ung team nila mamayang gabi sigurado manunuod siya.

Hay bakit ang ganda niya???

umpisa na ng laro...

Hinahanap siya ng aking mga mata ngunit nakakapagtaka kung bakit wala pa siya.
Hindi ako mapakali. Matagal din na nasa ganon akong kalagayan ng bigla ko siyang nakitang paparating, nakasuot siya ng kulay violet na damit... kitang kita ang kislap ng kanyang mga mata at ganda ng kanyang ngiti habang naglalakad kasama ng kanyang mga pinsan. Hindi ko talaga mapigilan ang hangaan siya. Ngunit may pag aalinlangan kung ako ay mapapansin niya.

Lagi ko siyang sinusulyapan, na kahit na hanggang sa tingin lang ay masaya na ako.
Hindi naman niya alam na ako ay may lihim na pagtingin sa kanya.

Hindi ako makapag concentrate sa aking ginagawa, pag nawala siya sa pwesto niya agad ko siyang hinahanap. Bakit ganito ang presensya niya? Parang minamagneto ang aking mga mata na tingnan at hanap hanapin siya.

Trish alam mo kanina ka pa niya tinitignan, sambit ni Lory..

Oo nga pansin ko din, saad naman ni kimmy..

Hay naku magtigil nga kayo, sambit ni Trish..

Iba talaga ang ganda mo hahaha...
sambit ni Jane..

Pwede ba manuod na lang tayo oh tingnan nio malalamangan na nila ang kalaban, sambit ko ng mabago na ang usapan.

tapos na ang laban...

Buti na lang nanalo sila, hindi sayang ang panunuod natin. sambit ni Trish.

Tara uwi na tayo, pag aaya naman nila..

Trisha Pov

Nang makarating kami ng bahay nagbukas ako ng aking fb. Nagulat ako na mayroon agad na mensahe galing sa kanya.

Marl: Maganda ka pa sa gabi.
Panalo team niyo...

Lakas mang uto nito ah.. Naisipan ko siyang replayan..

Trish: buti alam mo!!!
Marl: huwag po masyado masungit nakakapanget.
Trish: cheee!!!!
Marl: gusto ko sanang mkipagkaibigan. pwede b???
Trish: pag iisipan ko.. haha

Marl Pov

hahahaha mukhang mahihirapan ako manuyo dito ah. Friendship palang pag iisipan pa. Pero ok lang, binubuo naman ako ng sipag at tiyaga. Nagpaalam na siya para matulog. Pero eto ako nakahiga, hindi siya mawala sa aking isipan.

Yes, She's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon