Chapter 8:

50 4 1
                                    

Marl Pov

Salamat po panginoon sa araw na ito. Grabe sobrang nag enjoy ako. Hindi ko mapigilang titigan sya. Para talagang may magnetong humahatak sa akin para titigan siya.

Dumaan ang mga araw na palagi silang nagkukwentuhan. Sa chat, sa text at kung magkita sa court eh nagkakaroon sila ng oras para makapagkwentuhan. Nahuhulog na ang loob nila sa isa't isa. Nagpaparamdam na rin si Marl para magtapat ng kanyang nararamdaman. Pero palaging nagdadalawang isip si Trish na tanggapin dahil na din sa pagbabawal ng mga magulang.

Sa bahay nila Trish.

Trish ano yang mga nababalitaan ko ha? Ilang taon ka pa lang sa pagboboyfriend ha? Gusto mo bang isumbong kita sa papa mo. galit na sambit ni Charry (nanay ni Trish) sabay sampal kay Trish.

Umiiyak si Trish.

Mama magkaibigan lang kami wala akong ginagawang masama. sabi ni Trish habang umiiyak.

Magtigil ka ipapadala kita sa Amsterdam.
kahit wala tayong pera doon kita ipapadala sa mga tita mo. Pag aaralin ka nila dun. Galit na sambit ni Charry.

Mama parang awa mo na ayoko pumunta dun. Dito na lang ako mag aaral. umiiyak p din si Trish.

Tama na. That's final. sagot ni Charry.

Naiwang umiiyak si Trish. Kinuha niya ang cp at chinat si Marl.

Trish: hindi muna ako makakalabas.
Marl: bakit??? May problema b?
Trish: Nalaman na kasi ni mama. kaya hindi na muna siguro.
Marl: Paano nalaman???
Trish: Hindi ko din alam.
Marl: paano na yan?
Trish: Sige tulog na ko, masama pakiramdam ko.

Trish Pov

Hindi ko mapigilang umiyak. Ayoko pumunta sa Amsterdam, Ayokong malayo sa kanya. Oo, pinigil ko mahulog ang loob ko sa kanya pero wala akong nagawa mas naging matimbang ang puso. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang nararamdaman kong ito, hindi ko alam. Matutulog na sana ako ng biglang may nagchat sa akin.

Prezzy: Trish...
Trish: Bakit?
Prezzy: (sinend ang picture na magkasama sila ni Marl) pinakikita ang pagkasweet.
Trish: anong gagawin ko jan?
Prezzy: ahm kanina lang yan. Nagpaparamdam na siya sa akin para magkabalikan kami ulit. Akala ko talaga nililigawan ka niya friends lang pala kayo. Sorry napag isipan pa kita ng masama.
Trish: Oo, wala naman talaga kami friends lang sige na bye... go0dnight.
Prezzy: ok go0dnight switdrimz.

Marl Pov

Nagulat na lang ako na biglang yumakap sa akin si Prezzy. Nandun ako sa court upang magligpit.

Prezzy: hi Marl sobrang namiz kita..
balikan mo na ako di ba mas maganda ako sa kanya.
Marl: mahiya ka naman sa pinaggagagawa mo umuwi ka na lang. Wala ako panahon sayo.

Hindi alam ng dalawa na si Prezzy lahat ang gumawa nun. Pinlano niya lahat pati ang pagkuha ng litrato. Kung bakit nalaman ng magulang ni Trish ay siya rin ang dahilan. Pinakita niya ang mga litrato ng dalawa na magkasama sa mama ni Trish.

Author's Pov

kainis talaga ang bruhildang si
Prezzy di ba? haha abangan ang mga susun0d na mangyayari. Next update na guys..

thanks...

Yes, She's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon