Magulang

301 10 6
                                        


Magulang,

Sila yung dalawang tao na gumagabay saatin sa lahat ng bagay. Sila yung nagturo saatin kung paano lumakad, magsalita, magbasa, magsulat, magbilang at kung ano-ano pa.

Sila ang ating taga-gabay sa lahat ng landas.

At kung wala sila, wala rin tayo.

Mga magulang na gagawin ang lahat para mapasaya at mapalaki tayo ng tama.

Pero sadyang may mga anak talagang hindi marunong umintindi.

Matitigas ang ulo.

ANG KUNG KELAN HULI NA, TSAKA MAGSISISI.

---------

Simula pa lamang, kayo na ang naging taga-bantay at taga-gabay ko sa lahat ng bagay. Kayo ang unang nakita ko pagkamulat ng aking mga mata sa mundong ito. Kayo rin ang nagturo saakin kung ano ang tama at mali. Pinalaki nyo akong may tiwala sa sarili at may takot sa Diyos.

Simple lamang ang ating pamumuhay no'n. Si Itay ay dating water boy lamang. At si Inay, ay dating taga-laba lamang, at minsan ay nagtitinda rin ng tuyo sa bahay-bahay. Hanggang sa, may isang lalakeng nakilala si Itay at nalaman ng lalaking ito na nakapagtapos pala ang Itay sa kolehiyo. Kaya ipinasok ng lalaking ito si Itay sa isang malaki at kilalang kompanya. At nang dahil sa 'hardwork' ni Itay, nagkaroon kami ng sarili naming kompanya at kinilala iyon diro sa Pinas.

Maraming taon ang lumipas. Lumaki na ako, at ngayon ay 16 na taong gulang na ako. Kayo ay tila ba nagbago. Palagi kayong abala sa pagpipirma ng mga papeles. Palagi kayong nasa harapan ng inyong mga laptop o computer. Oh di kaya naman ay, may mga kausap kayo sainyong mga telepono. Sa sobra nyong abala, hindi nyo na ako nagawang pansinin. Hindi nyo na nagawa pang pagtuunan ako ng pansin.'Bakit gano'n? Tila para lamang akong isang hangin na napapadaan sainyo. Ni hindi nyo nga ako nagagawang batiin o kumustahin. Anong nangyare sainyo inay at itay?' Malungkot kong saad saaking sarili.

Gabi-gabi ay umiiyak ako at iniisip na 'Kung bakit kayo nagkakaganyan? Kung bakit hindi nyo ako pinagtutuunan nang pansin?'.

Hanggang sa isang araw, naisipan kong MAGREBELDE sainyo. Nakipagbasag-ulo ako kahit ako ay isang babae, at kung ano-ano pa. Ang dami kong natutuunan sa mga kaibigan kong, matatawag mong MASASAMANG IMPLUWENSYA. Natutunan ko kung ano manigarilyo, uminom, nakipag-away, mag-droga, magnakaw at kung ano-ano pang kagaguhan. Natutunan ko yun lahat sakanila. Ano bang magagawa ko? Kasalanan ko ba to? Diba hindi? Diba kasalanan yun nung mga punyetang-walangkwentang tinatawag nyong magulang na yon?!

Maraming araw nanaman ang lumipas, kasalukuyan akong nakikipag-inuman sa mga tinuturing kong kaibigan. Gabing-gabi na, at kami na lamang ang natatanging gising rito. Maraming alak na ang nainom ko kaya nagsimula na akong mahilo.

Nagpaalam ako sakanilang uuwi na ako, pero ang sinabi lang nila,

"Dito ka na matulog. Delikado masyado. Lasing ka tapos magmamaneho ka? Tsk tsk tsk." Sabi ng isa sa mga kaibigan ko.

Mabuti pa sila no? Meron silang pake sakin. Pero yung dalawang punyeta sa hukbulan na yun? Wala! Mga walang kwenta!

Tinulungan akong dalhin ng isa sa mga kaibigan kong lalaki sa bakanteng kwarto na para raw saakin. Nang dumating kami roon, iniupo nya ako sa kama. At pagkatapos nun, NAWALA NA AKO SA WISYO AT MULI NANG KINAIN NG PAGKALASING.

Isang buwan ang lumipas, matapos ang inuman nung araw na yun, HINDI NA NAGPAKITA PA SAKIN ANG MA ITINURING KONG KAIBIGAN. Ako ay nagtaka, 'Nasan na yung mga yun? Ilang araw ko na silang sinusubukang contakin pero bakit walang sumasagot.' Saisip ko. Naka-higa lamang ako rito sa kwarto at hinihintay ang reply ng mga kaibigan ko sa mga text ko. Pero ilang oras ang lumipas ng aking paghihintay, wala pa rin silang reply sakin.

Royalties: One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon