Love?

132 5 3
                                    

PAG-IBIG

Maaring pagmamahal sa ina, kapatid, inay, ama

pero ano nga ba talaga ang totoong kahulugan ng salitang PAG-IBIG

puro lang ba ito saya? sakit? at etch.

sabi nila pag nagmamahal ka daw

kailangan mong mag sakripisyo, gagawin mo lahat

pero kung ikaw'y isang hamak na bata nga lang ba eh magagawa mo iyon?

mapaparamdam mo ang pagmamahal mo sa iyong mga magulang at kapatid kahit anong gawin o sabihin nila?

handa ka bang mag sakripisyo para lang malaman nila na mahal mo sila? handa ka bang isakripyo kahit buhay mo ang nakataya?

maraming katanungan ang bumabagabag sa ating isipan

ngunit baka sa istoryang ito ay masasagot na ang iyong katanungan

--------------------

Third Peron's POV

--------------------

Mahal ko siya, mahal ko sila, pero bakit ganun? kailangan pa akong pahirapan ng ganito? kailangan ko pang maranasan to? ganun ba ko kasama? panginoon ko, sana'y patnubayan nyo po ako

mataimtim na dasal ng babae habang nakapikit at nakaluhod, tila parang damang dama nya iyong sakit na naranasan ng hesu kristo habang pinapako ito sa krus

mahal na panginoon, sana'y di lang ako ang patnubayan niyo, sana'y patnubayan nyo rin ang mga magulang ko, ang mga kapatid ko at ang mga batang nasa lansangan at nagugutom, mahal na panginoon salamat po sa lahat lahat

pagpapatuloy nya pa, bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay sumasabay sa pag agos ng kanyang mumunting luha

ayun lang po mahal na panginoon, salamat po sa lahat lahat, mahal na mahal po kita, sa ngalan ng ama ,ng anak ng espirito santo,amen.

pagtatapos nya ng kanyang pagdadasal, tumayo na sya mula sa kanyang pagkakaluhod saka muling tumingin sa malaking kru sa kanayng harapan na kung saan makikita ang rebulto na mahal na hesu kristo na naka pako sa krus.

sinulyapan nya muna ito saka ngumiti, at pinahid ang mumunting luha na anuwa'y parang nanunuyo na sa kanyang pisnge ngunit patuloy parin na umaagos ang mainit na likido sa kanyang mga mata, saka umalis

lumabas na sya sa simbahan saka ipinagpatuloy ang pagtitinda ng mga sampagita sa mga daraan

sya si Thea Ramos ,16 yrs. old, si Thea ay lumaki lamang sa hirap, lumaki sa kanyang mga foster parents na kung saan di mo aakalain na gagawin iyon sa kanya, ang mga bagay na hindi nararapat gawin ng magulang sa anak.

++

ng maubos ang mga paninda nyang mga sampagita ay

masayang masaya syang umuwi dahil may maitutulong na naman sya sa kanyang mga magulang, may makakain na naman sila sakali na walang maihandang pagkain ang kanyang mama at papa

"Nanay! tatay! nandito na po ako"masayang pang bungad nya papasok ng kanilang bahay.

"At san ka na naman nanggaling kang bata ka!" galit na galit na saad ng kanyang ina, na hula nya eh lasing at natalo na naman sa sugal.

"Ahh nanay, nagtinda lang po ako ng mga sampagita malapit sa may simbahan nay, eto nga n-nay oh, eto po yung kinita ko" nakangiti nyang saad pero sa likod ng ngiti nyang yan eh makikita mo sa kanyang mga mata ang takot at kaba dahil baka kung ano ang gawin sa kanya ng ina na lasing.

"Akin na yan!" sumbat ng kanyang inay saka haras na kinuha ang pera mula sa kanyang mga kamay, tila tumawa ng malakas ang kanyang ina na parang demonyo saka paulit ulit na sinasabi ang mga katagang "may pampupusta na naman ako at sisiguraduhin ko na mananalo na ako MWAHAHAH"

tila parang isang takot na takot na tupa si Thea pag kausap na nya ang kanyang ina, dahil sa di malamang dahilan os adyang nakakatakot lang talaga ang kanyang ina na pwede ka ng patayin punto for punto

"N-nay asan po ang itay?" nauutal nyang tanong sa ina habang ang kanyang ina naman ay parang isang demonyo sa tabi na tawa ng tawa

"Wala pinatay ko na" diretsang saad naman ng kanyang ina at sumeryoso ang mukha, tila nanlalaki naman ang kanyang mga mata ng marinig iyon, kung kanina ay nauutal lang sya at medyo kinakabahan ngayon naamn ay takot na takot na "joke lang MWAHAHHAA" dugtong naman nito

ng isang iglap ay biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang kanyang itay, tila nabuhayan sya ng loob ng makita ito, patakbo syang pumunta sa kanyang itay habang nakangiti

"oh anak, anong nangyayari sayo?" tanong ng kanyang itay ng yakapin nya ito ng mahigpit na mahigpit na wair'y parang sinasakal na sya nito.

"wala itay" saad nya saka niluwagan ang yakap, "Tara na itay kumain na tayo" aya nya rito, kahit alam naman nya na wala silang makain dahil kinuha ng kanyang ina ang pera na dapat ay pambili ng kanilang pagkain

"ahh ehh anak, aalis muna ako" saad ng kanayng itay saka ito kumaripas ng takbo, tila naguluhan naman sya sa naging reaction ng kanyang itay

ng tignan nya ng maigi ang kanyang inay ay alam na nya kung bakit ito kumaripas ng takbo, ang dahilan ay mukhang papatay ang kanyang ina sa mukha nito

takot na takot sya habang papunta sa pintuan nila

"HUMANDA KAYOOOOOOOOOOOOOOOO, PAPATAYIN KO KAYOOOOO" sigaw ng kanyang Inay

di sya mapakaling tumakbo ng mabilis

tumakbo saya ng tumakbo hanggang sa di na nya makita ang kanyang inay na tila nababaliw na, huminto muna sya saglit saka tinignan kung naasan na sya napadpad, di na nya alam kung nasaan sya

dahil parang nasa gubat na sya napadpad

huminto sya, pumikit saka lumuhod

nanlulumo sya ng maisip nya na, ganito na ba ang kanyang magiging katapusan?

ng lumingon sya sa kanyang likuran ay nakita nya ang kanyang inay tumatakbo habang hawak hawak ang isang kutsilyo na naiisip nya na yun ang papatay sa kanya.

Paalam, Itay, mag iingat po kayo lagi saad nya sa kanyang isipan

saka natumba ng may maramdam syang kung anong matulis na bagay na nakatusok sa kanyang katawan

saka sya natumba

---------

Epilogue

---------

Matapos ng pangyayaring iyon ay may nakakita sa kanya, isang babae na nakatira din malapit sa kanila ang nakakita sa kanyang katawan at dinala sya sa hospital ngunit dead on arrival na daw

Si thea Ramos ay isang mabait na bata, at marami ang may gusto sa kanya dahil sa kanyang taglay na kasipagan at kabutihan, di inakala ng marami na mamatay ito sa brutal na paraan

samnatalang ang kanyang inay naman ay nakulong dahil sa nakalap ng mga imbestigador sa kaso at natukoy nila na ang inay nito ang may gawa at nag patay, nakasaad na ipapadala muna ito sa mental saka ipakukulong ng 1-5 years.

ang kanyang itay naman ay namuhay ng mapayapa ngunit nabaliw ito dahil sa nabalitaan, nanginginig kada segundo at natatakot ng dahil sa di malamang dahilan,

at ang kanyang mga kapatid naman ay nagluluksa dahil sa pagkamatay ng kanilang kapatid, pagkakulong ng ina at pagkabaliw ng ama.

at ng dahil sa maraming problema na kanialng hinaharap ay

may natutunan naman sila, at nalaman nila sa pamamagitan ng kanilang kapatid ang tunay na PAGMAMAHAL

at dun

NAGTATAPOS ANG KWENTO

Royalties: One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon