The Master's Slave IV

75 43 1
                                    

In the POV of Master's Slave

Ugh! Ang sakit ng labi ko! Ang sosolid ng sampal na inabot ko kay Master Bella kagabi, isama pa yung pagkalakas-lakas na suntok nung isa sa mga kumag nyang bodyguards. Tch! Sa totoo lang, gustong-gusto ko na silang patulan, tutal din lang at wala namang nasabi noon si Master na bawal kong kalabanin ang mga bodyguards nya.

Hmmm, pero ano nga kayang dahilan at ganoon na lang kainit ang ulo ni Master kagabi? Oo, palagi namang mainit ang ulo at dugo nya sa tuwing umuuwi sya rito, pero, iba kagabi eh... parang sasabog na sya sa sobrang galit.

Hmm, eh, baka naman kasi nabadtrip talaga sya sa mga walang silbing bodyguards nya? Paano nga ba namang hindi maiinis, sa dinami-rami ng mga bodyguards nya rito, ni isa ata sa mga 'yun, hindi man lang nagising o hindi man lang nagpatinag sa paglalaro ng baraha para maalarma sa dami ng galit na galit na tunog ng busina ng kotse nya kagabi.

Kung hindi nga lang talaga ako bilanggo sa kwartong 'to, ako na mismo ang magkukusang magbukas ng gate para sa kanya. Wala lang, baka kasi sa ganung paraan eh hindi na gaanong magalit ng sobra-sobra si Master.

Pwera biro, sa maikling panahon kong pamamalagi rito, naging pamilyar na agad ako sa iba't-ibang tunog ng makina ng mga kotseng ginagamit ni Master sa tuwing umuuwi sya rito. May mga oras nga na... hindi ko ipagkakailang bigla ko na lang nararamdanan ang sarili kong nagtatatakbo papalapit sa bintana para lang makasigurado kung tama ba ang dinig ko.

Teka, ano bang nangyayari sa'kin?!

Ugh! Pero in fairness, ang ganda ni Master kagabi. Hindi na rin ako magkukunwari, inaamin kong magandang babae talaga sya pero, iba yung appeal ng isang Master Bella na nakita ko kagabi. Napakaganda! At mas napaganda pa siya lalo ng suot nya. Nadala sya nung suot nya—ay hindi mali—nadala nya yung suot nya. Para bang may inattendan sya na debut o kasal o date o kung anuman. Basta! Isa lang ang sigurado ako at iyon ay ANG GANDA NYA, SOBRA!

Yun nga lang, umiiyak sya. Amoy nakainom. Namumula rin sya. At para bang sasabog nga talaga sya dala ng sobrang galit. Oo, palagi naman syang gano'n kapag umuuwi sya rito pero gaya nga ng sabi ko, iba yung kagabi... hindi ko talaga maintindihan at maipaliwanag na ewan.

Nalugi kaya ang business nya? Pero bakit sya magbibihis ng ganon kung nalugi 'yun?

Baka naman kaya may misunderstanding sila boyfriend nya?

Oh baka may family problem syang pinagdaraanan?

Wait—may nababanggit syang pangalan nung nilalabas nya sa akin yung galit nya eh. Tch! Ano nga ba 'yun? Baka dahil doon naman kaya? Ah! Basta! Hindi ko gaano maalala! But, whoever that person is, ano nga kaya ang talagang nangyari?

May hindi kasi talaga tama eh. Hindi sya nagpumiglas o nagreklamo man lang noong nagawa kong yakapin sya sa kabila ng pagkakaposas ng mga kamay ko, ang tanging naramdaman ko lang ay ang kanyang pagtangis. Pero hindi ko sya niyakap para tyansingan sya, okay? Yun sana yung unang step na naisip ko sa mga oras na 'yun para palambutin sya pero tila ba parang sa pagyakap ko na yun sa kanya, naramdaman ko na, kaya siguro galit na galit sya sa mundo ay dahil sa mga pinagdaraanan nyang pilit nyang kinikimkim sa sarili nya, kasi siguro, akala nya matapang yung taong hindi nagpapakita na mahina talaga sila.

Yun kaya yung dahilan kaya nya nasabi na ang trabaho ko lang dito ay ang maniwala at magtiwala sa kanya? Tch! Akala ko nahihibang lang talaga sya noong gabing nag-krus ang mga landas namin.

Unti-unti ko nang naiintindihan ngayon. Huh! Kung 'yan ang gusto mo Master. Okay sige! Susubukan ko hanggang sa makatayo ako gamit ang sarili kong mga paa ulit. Tatanawin ko munang dahilan yung pagsuong mo sa pagkalakas-lakas na ulan para balikan ako noong gabing hinang-hina ako at yung pag-alala mo noong hindi ako napakain ng mga bodyguards mo. Mas kikilalanin kita hanggang sa dumating yung araw na kaya ko nang makabangon mulihanggang dumating yung araw na mapagpapasiyahan ko nang lisanin ng buo itong rest house na 'to.

The Master's SlaveWhere stories live. Discover now