In the POV of Master's Slave
"Slave? Could you please go to the nearest convenience store and buy me a case of wine?"
"Here's the money..."
"You can use one of my cars to get there though,"
"Just find the right key on the key cabinet beside the dining table,"
Tanghali pa lamang ay abalang abala na si Master sa hindi ko malamang dahilan. Kanina pa sya pabalik balik sa kusina, sa balkonahe, at sa gate nitong mansyon nya para kuhanin ang ilang pagkaing inorder nya.
Oo, magmula noong na-discharged ako sa ospital ay dito na ako dinala ni Master sa mansyon nya. Hindi na nya ako muling ibinalik pa sa rest house matapos ng lahat ng nangyari. Akala ko pa nga noon ay naapektuhan na ng kalagayan ko ang ala-ala ko, 'yun pala ay sadyang iba lang talaga ang uuwian namin ni Master kaya hindi ako pamilyar sa ruta na dinaanan namin noong araw na na-discharged ako mula sa ospital.
Patungkol naman kila Ren at sa mga kasamahan nyang bodyguards, balita ko ay matagal tagal na rin silang wala na sa rest house. Naikwento rin kasi mismo sa akin ni Master na isa sa mga rason kung bakit nya ako dito na dinala ay dahil wala na rin daw pinagkaiba ang lugar na ito at ang rest house nya. Pareho raw kasing wala syang kasama sa dalawa. Nang dahil nga roon ay napagtanto ko na kaya pala mas pinipili nyang umuwi sa rest house nya noon ay dahil mag-isa lang sya rito sa napakalaking mansyon nya.
May dalawang palapag ang mansyon ni Master. Agaw atraksyon sa malayo ang halos pulang pula bubong nito. Masyadong maraming detalye ang bahay na kung titiginan mong mabuti ay tila masasabi mong parang nakita mo na sya noon kahit na hindi pa naman talaga. Gano'n kasi ang naramdaman ko noong unang masilayan ko itong mansyon. Parang isang panaginip.
"Treat this as your new shelter for the meantime, Slave..."
"Y-you are welcome to be here, even just until you have the strength to finally... l-leave..."
"This is my mansion. It is where I live anyway..."
Kasabay ng pagbigkas nya sa mga katagang iyon ay ang pagbukas ni Master ng pinto.
Nakatutulala ito sa laki ngunit...
"Oops, I... I'm sorry for the mess," isang awkward na ngiti ang sumilay sa mukha ni Master. Paano ba naman, animo'y nasalanta ng bagyo o di kaya naman ay dinaanan ng isang matinding gera ang unang palapag ng mansyon nya sa gulo nito.
Nagkalat ang lahat, as in, lahat-lahat ng gamit dito. Halata ang pagkataranta ni Master ligpitin ang lahat ng mga kalat-gaya ng nagkalat na throw pillows, magazines, catalogues, maging gitara at kahit pa ang mga bubog mula sa vase at picture frames na nabasag.
"Master, ako na..." pagpiprisinta ko matapos kong ilapag sa dining table ang bukod tanging basket ng prutas na naiuwi ko mula sa hospital-nagdesisyon kasi si Master na ipamigay na ang ibang pupwede pa sa mga pasyente ng ospital.
YOU ARE READING
The Master's Slave
Action"Can I call it oppression if in the first place I was the victim of it?" Meet Bella Cadieux, a young business owner of UBC Clothing Corporation. Her dark past led to whoever she is now. Can she forget those tremendous experiences by repeating them t...