In the POV of Master
"I never thought I would have the courage to share that story with anyone again,"
Pinigilan kong tumulo ang mga luhang muling namumuo sa gilid ng mga mata ko. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin kayang kalimutan at tanggapin na lang lahat ng nangyari.
"There were only four people who actually listened to my side of the story—my Uncle Lance, my childhood friend Primo, my once-best friend, and... you..."
I took a deep breath before shifting my focus back to the presenter in front of me—Mrs. Madellaine Russelle, who's wearing a beige knee-length dress with three-quarter sleeves and a modest V-neck. Her soft blonde hair cascaded in gentle waves, paired with gold necklace and nude ankle strap sandals, which added a touch of refinement to her overall look.
Hay!
Isang mapait na ngiti ang nabuo sa mga labi ko.
My once-bestfriend...
-------------------------------
"Ano masakit pa ba?"
"Lakasan mo lang ang loob mo, bata..."
"Grabe, ang lalim at ang laki pala ng naging sugat mo p-pero wag ka mag-alala, pangako, gagawin ko ang lahat para tumigil ang pagdurugo,"
"Magtiwala ka lang sa akin ah? Gagamutin natin 'yang sugat sa tuhod at palad mo,"
"H'wag ka matakot,"
Nag-aalalang sambit ng isang batang babae na halos kasing edad ko lang din. Nasa harap ko sya ngayon at nililinisan nya ang mga naging sugat ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak dahil hindi ko pa rin matanggap na nagawa ni Papa na iwanan na lang ako sa lugar na ito mag-isa... ng basta-basta matapos ang lahat ng nangyari.
"Ahhh!" sigaw ko nang maramdaman ang hapdi mula sa tuhod ko.
"Sorry pero isa kasi iyon sa mga naobserbahan kong ginagawa nila rito. Mabisang teknik daw iyon para maibsan ang labis na pagdurugo eh,"
"Masama ang naging bagsak mo kaya dere-deretso ang labas ng dugo sa tuhod mo pero gaya nga ng sabi ko, wag ka matakot dahil sigurado akong ilang minuto lang ay titigil din ang mga iyan,"
YOU ARE READING
The Master's Slave
Action"Can I call it oppression if in the first place I was the victim of it?" Meet Bella Cadieux, a young business owner of UBC Clothing Corporation. Her dark past led to whoever she is now. Can she forget those tremendous experiences by repeating them t...