The Master's Slave XVII

133 37 3
                                    

In the POV of Master's Slave

4:15AM.

Pagkatapos kong mapagtagumpayang sunugin ang katawan ng mga bodyguards ni Master maging ang buong abandonadong gusali ay agad din akong umuwi at naligo. Tiniyak kong linisin nang mabuti ang katawan ko upang sa gayon ay mawala ang lahat ng alikabok at dumi na dumikit sa balat ko.

Nang makaligo ako at makapagbihis, walang pag-aatubili kong kinuha ang itim na hoodie at jogging pants na suot ko kanina mula sa mainit na tubig na pinagbabaran ko sa mga ito at saka ko iyon sinimulang labhan. Kinuskos ko ng maigi—sigurado ko talagang walang anumang bakas ng mantsa ang matitira sa mga iyon—ang bawat bahagi ng mga ito upang matanggal ang mga mantsa ng dugo, alikabok, at amoy ng sunog. Pagkaraan ng ilang minuto ay binanlawan ko na ang mga iyon upang maalis na ng tuluyan ang mga natitirang sabon sa mga ito.

Pagkatapos kong isampay ang mga nilabhan ko, kumuha naman ako ng vacuum cleaner at wet wipes sa loob at saka dinala ang mga ito sa kotse ni Master na sinakyan ko kanina. Gamit ang vacuum cleaner, sinimulan kong linisin ang upuan at carpet ng sasakyan. Pinunasan ko rin ang dashboard at iba pang bahagi ng loob ng kotse gamit ang wet wipes para tanggalin ang lahat ng natirang alikabok at amoy na hindi maalis ng vacuum. Sa huli ay nag-spray ako ng car freshener upang makasiguradong mawawala talaga ang anumang amoy na naiwan sa kotse.

Nagpahinga lamang ako ng ilang minuto pagtapos ng lahat ng iyon at saka ako nagluto at naghanda ng breakfast para sa amin ni Master.

'Thank you for saving me last night,'

'M-Master, you don't need to'

'It's yours. Dali na, kuhanin mo na,'

'Pero...'

'I SAID, GET IT!'

Sinusuri ko ang cellphone na bigay sa akin ni Master ng maalala ko ang mga nangyari kaninang umaga. I felt so damn guilty for Sachi. I should've resisted everything Master was doing to my body from the very beginning, but for some reason, I just couldn't. My emotions always took over. And after that, it was too late—she had me, she left me too weak to resist.

Basta, ang gulo.

Ang gulo ng feelings ko.

Sinubukan kong i-text ang number ni Sachi upang magpakilala—nakabisado ko na rin kasi ang mga iyon gawa ng ilang beses ko syang sinubukang kontakin noon. Nang wala akong ma-receive na kahit na anumang reply mula sa kanya pagkalipas ng ilang oras ay tinawagan ko na sya.

[ "Ano ba, Yvo? Hindi pa ba malinaw sa'yo na break na tayo ha?" ] panimula nya ng may mataas na boses, [ "Magmula ng pinili mo 'yang babae mo kaysa sa akin, wala ng tayo!" ]

Hindi ko maiwasang malungkot sa mga sinabi nya. Inaamin ko, mahal ko si Sachi. Siya ang karamay ko sa lahat—sa lahat-lahat—noong mga panahong nasa Laguna kami. Tanggap nya ako maging ang trabahong mayroon ako. Nandyan sya sa lahat ng oras para sa akin lalo na kapag inuusig ako ng konsensya ko. Siya ang kakampi ko at sya na lang ang tinuturing kong pamilya ko gayong walang wala na ako.

Ayoko ng ganito. Hindi pwede! Hindi ako papayag na tatapusin nya na lang ang relasyon namin ng ganito lang.

"Sach, h'wag namang ganito oh. Magpapaliwanag ako..."

[ "Hindi ko na kailagan ang paliwanag mo ngayon, Yvo. Tapos na tayo!" ]

"Ganito kas—"

*toooooot* *tooooot* *toooooot*

Napadamba ako ng kamao sa lamesa ko sa kwarto ng patayan nya ako ng telepono. Fuck! I need to win her back. Sinubukan ko syang tawagan ng paulit-ulit, ngunit hindi na nya sinasagot ang mga tawag ko. Dumating pa nga sa puntong pinapatayan na nya agad ang tawag ko kahit sa unang pag-ring palang nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Master's SlaveWhere stories live. Discover now