Jerk ass
"K I dont see why handing flyers is a good idea?" sabi ko habang nakatingin sa papel sa kamay ko, nag print si Karma sa BOND PAPER I repeat sa bond paper ng napaka panget na advertisement ng I scream Ice cream
"Erine you see, hindi itong flyers ang pain" *Pain as in bait, yung tagalog word pronounced as pa-in*
"So what is?" tanong ko
"Watch" kumindat siya sakin at lumapit sa isang lalake na padaan
Nasa plaza kame ngayon malapit lang sa village kung saan naka locate ang ISIC, hinila ako ni Karma para daw mag attract ng customers. Tiningnan kong maigi kung ano ang plano ni Karma until realization hit me.
Lumapit si karma sa guy nag abot ng flyer at may sinabing ilang salita hanggang sa yung lalake ay nag blush OHMYGOD so unmanly. At nagwink si Karma before going to me.
"Yon ang plano ko" sabi niya sakin
"So you want me to flirt with strangers? Kung di mo napapansin di padin ako nakaka move on kay Palakol" paalala ko sa kanya
"Who knows this way makita mo na si Mr. Right" sabi niya and wiggled her eyebrows
"No"
"Erine erine erine, ito ay para sa shop hindi mo kailangan unahin ang self issues mo as of now worker ka ng I scream Ice Cream and ano ang goal ng isang hardworking worker?"
"Mapromote bilang manager?"
"Hindi, masiguradong aangat ang shop, now shooo tulungan mo ako" sabi niya at pinagtulakan ako
Tsss stupid jerkass. Minsan talaga feeling ko ikamamatay ko ang crazy ideas ni Karma, sa grupo namin siya ang pinaka hyper pasimuno ng problema si Heidi naman either siya ang mangungunsinti or makikipagtalo kay Karma while me, ako ng peacemaker, sisiguraduhin kong di nila ikamamatay ang gagawin nila or taga awat lang talaga ng away.
Hinigpitan ko ang hawak sa flyers, might as well make this summer interesting. Nag scan ako sa crown ng "boy" na kukumbinsihin na pumunta sa ISIC until napadpad ang tingin ko sa lalakeng naka sunglasses at parang may hinahanap.
Bumuntong hininga ako at kinuha lahat ng courage ko.
"Naghahanap ka ba ng malamig sa mainit na araw na to? Bumisita ka na sa I scream Ice cream" I said and flashed a smile so sweet walang binatbat mga ice cream doon sa shop
Tumingin sakin saglit yung lalake until nag replay ang sinabi ni Karma "Mr. Right Mr. Right Mr. Right" Natigil ang delusions ko ng bumuka ang labi niya and...
"Go away" he said as he went past me and the nerve! Binunggo ako

BINABASA MO ANG
Less Than Thirteen
Teen Fiction< / 3 That is definitely not a broken heart. Less than thirteen lang yan. ok, so maybe it is a broken heart and maybe I just need someone who can fix it. Will it be fixed by the same person who broke it? Or another guy that could also break my heart...