Short Shorts o Short Pants?

258 18 2
                                    


Short Shorts o Short Pants?


Napamura ako sa isip ko at nag-isip agad ng isang milyong magandang alibi para sa sinabi ko. Lumakad papunta samin si Axe na may confident smirk sa mukha niya. Medyo narelieve ako ng humakbang ng onti si Nico para medyo naboblock niya ako.


"Well well well, looky here si Queen E pala, di ko naman alam na inlove ka pa rin pala sa Prince Charming mo" he smirked


Ok this is it nakaisip na ako ng magandang alibi.


"Di ah" sabi ko naman

"More like frog prince" sabi ni Nico at hinead to toe si Axe

"At sino ka naman ang Knight in shining armor niya?" natatawang sabi ni Axe

"Maybe" Nico shrugged


Kahit na kras na kras ko tong si Nico syempre iba pa din pag yung first love mo diba. Di ko na kaya baka mamaya umiyak na ako kaya naman hinigit ko kamay ni Nico.


"Tara na" sabi ko na medyo mahina"Bakit Erine, apektado ka pa din?" Axe sneered, I glared at him


Humakbang papalapit si Axe sakin at humarang ang protective na kamay ni Nico.


"Woah, personal space" giit ni Nico

"I see nagsuot ka na din ng short shorts huh? Trying to seduce somebody" wink ni Axe at lumakad palayo


Nakita ko naman na mag aamba pa si Nico na awayin si Axe.


"Wag na Nico, samahan mo na lang ako mamili ng damit" sabi ko


Sariwa pa sa alaala ko yung araw binreak ako ni Axe, the following day sinubukan ko mag sorry kung boring man ako kasama pero bago ko pa masabi lahat ng sasabihin ko nakita ko may nakalingkis na sa kanyang babae, na naka short shorts. If theres one thing in common sa nagiging girlfriends ni Axe ay lahat sila may magagandang legs. Parati naka short shorts ang gf's niya. Every girlfriend's leg is more beautiful than the last and then sumagi sa isip ko. Lagi ako naka pants, isa siguro sa reasons kaya nakipag break siya.


"So ano bibilhin mo?" tanong ni Nico nang makapunta kame samga leggings, pants, shorts at skirts section

"Sabi niya kase naka short shorts ako so tingin niya inaakit ko siya. Ew. Kaya mag shoshort pants ako" sabi ko at hinablot ang isang piece of clothing

"Short shorts, short pants? What the heck di ko kayo magets mga babae, short at tokong lang naman pina arte niyo pa" sabi niya

"Whatevs"


Hinablot ni Nico ang tokong na hawak ko.


"Ako magbabayad, wala ka ata dalang pera eh"


I blushed, oo nga wala akong dala. Tiningala ko siya at bumilis tibok ng puso ko. Nakatitig siya sa mata ko, ahhhhh I'm meltinggg.


"By the way mag pants ka lagi or long na palda I don't care na mukha kang manang, ayoko isipin ng mga tao may inaakit ka" yan ang huling sinabi ni Nico bago ako naging kamatis nang tuluyan


Reason number 4, pinagpalit ako ni Axe sa girl na may mas short na short sakin but Nico doesn't care kahit mag pants ako. He cares. Well, less than 8 reasons more.



Xx

Awww sweet Nico, hindi kaya "kuya" instincts yan or may feelings din siya? Watcha bet guys?

VoMments gogogo <3


eyysarmi

Less Than ThirteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon