Babae ka kase
"Seryoso di mo ako pag hohorseback riding?" I asked
"Baka mahulog ka" nag aalalang sabi ni Nico
Apparently si Heidi may Youtube gig sa Tagaytay at naisipan isama kame nina Karma but itong si Nico naman nagmaka awa na isama daw siya so yeah. Excited na excited ako sumakay ng kabayo kase di ko pa nararanasan. Sa nakikita ko sa TV mukhang madali lang naman kaso itong si Nico lakas tumatay binabawalan ako.
"Seriously Nico, sige naaa" I pleaded
"No, babae ka kaya namandi bagay sayo mga gento..."
"WHAT? Dahil lang babae ako?" tumaas ang tono ng boses ko
Namewang ako at humarap kay Nico kahit na mas matangkad siya di ako susuko.
"That is so unfair, so ang sinasabi mo is babae LANG ako at di namin KAYA mag horseback riding?" tinaasan ko siya ng kilay
Hindi pa tapos ang dalaw ko at sa last day ko ako nagiging dragon na sobra. Too bad ngayon pa tumapat sa araw na to si Nico. At ang ayoko sa lahat inuutusan ako. Di ako submissive type. Si Axe kase hala utos ng utos ako naman kahit ayoko sunod ako ng sunod kase nga mahal ko ang tao. Kaso tong si Nico crush ko pa lang kala mo naman maka asta.
"Hala galit ka ba?" nag aalala niyang tanong
"HINDI AKO GALIT" sabi ko at nagwalk out
To my disappointment di niya ako hinabol at lumayo lang siya. Bakit ko ba to naging crush hmp. Naka upo lang ako sa damuhan tinitingna ang mga nangangabayo at si Heidi nakikita ko finifilm ng mga tao. Hay ang sikat kong bestfriend.
Tok tok tok
Pagtingala ko nasalubong ako ng nakakabulag na araw.
"Tara na oh" nakita ko ang kamay ni Nico na nakalahad
"Huh?" tanong ko
"Sabi ng may ari pwede daw ilabas yung kabayo, salitan tayo mag control sa kanya" sabi niya
Nagliwanag mata ko at sumampa din sa kabayo, at narealize ko kailangan ko humawak kay Nico.
"Its ok I give you permission to touch my abs" natatawa niyang sambit at hinook ang kamay ko sa bewan niya
"Abs daw, tsss pinipigilan mo lang huminga para di lumabas lahat ng taba eh" tukso ko, buti na lang nakatalikod siya kundi mukha nanamang may sakit ako
"Sabi pala ni manong Yona pangalan niya" tinuro ni Nico ang kabayo namin (A/N: Nung nag kabayo din kame sa Tagaytay Yona name ng first kabayo na nasakyan ko hihi)
Nagsalitan kame kay Yona hanggang sa nagtanghalian na.
"Asan si Karma?" tanong ko
"Ewan" sabi ni Nico
"Mag isa lang yon baka mawala yon hanapin naten" pagpilit ko
"Wag na, malaki na yon" tinatamad niyang sabi
"Hanapin naten" punong puno ng authority ang boses ko
Tuwing ginagawa ko kay Axe yon tatawa siya at ipipilit ang gusto niya. Pero si Nico tumayo at umalis. WHAT? Nag aalboroto na ako nang dumating si Nico may kasama siya.... Si...
Yona!
"Bakit mo dinala si Yona?" tanong ko
"Mas madali maghanap, tsaka ayoko mapagod ka" mahina niyang sabi
"Ha?" tho di ko mapigilan ang ngiti sa labi ko
"Pagod na kase ako" sabi niya naman
Ha? Mali ata ako ng rinig. Sayang naman. Kilig na kilig na ako eh. Umangkas naman ako at di naglaon nakita namin si Karma na pagala gala. Di naman daw siya naliligaw talagang gusto niya lang mag explore.
"Ok Dora, akyat na" sabi ni Nico at bumaba kay Yona
"Ha?" tanong ni Karma
"Ikaw na sumakay baka pagod ka na" sabi ni Nico
Akmang bababa na din ako kase umm gusto ko kasabay maglakad si Nico hehe.
"Wag kang bumaba" banta ni Nico
Di mo ako pwede utusan. Hmp. Gusto kita kasabay maglakad kaya babaa ako. Sa isip isip ko at sumimangot kay Nico. Bumuntong hininga naman siya at binuka ang kamay.
"Wala yung tungtungan kaya talon ka na lang sakin" sabi niya
Sasaluhin mo ba ako pag nafall ako sayo?
"I trust you" sabi ko naman
Nakita ko lumambot mata ni Nico, nabasa niya ba isip ko? Alam niya ba ibig kong sabihin? Bago ko pa mabusisi yon tumalon na ako. And I was right, he caught me.
He caught me when I fell.
Xx
Luh naghaharot si Erine mana sa magulang lalo na kay Pulaaaa! Jk hahahhaaha
Oh em daming updates ;)
Penge inspiration <3333
DOBLE UPDATE WOWWW
eyysarmi
BINABASA MO ANG
Less Than Thirteen
Teen Fiction< / 3 That is definitely not a broken heart. Less than thirteen lang yan. ok, so maybe it is a broken heart and maybe I just need someone who can fix it. Will it be fixed by the same person who broke it? Or another guy that could also break my heart...
