The List
Ilang araw na akong balisang balisa. Mula sa mga panaginip ko tungkol kay Axe at Nico nagsisimula na silang bumisita araw araw dito sa bahay.
"Karma please samahan mo ako, hindi ko alam gagawin ko, andito sila pareho shet" sabi ko habang naglalakad pabalik balik sa kwarto ko
"Medyo busy ako ngayon, alam mo na ilang araw ka nang di napasok dito sa shop" nadama ko ang inis sa boses ni Karma
"Ok ganito na lang, ako na lang pupunta jan"
"Mabuti pa, ang daming customers ngayon, nakikisagap lang naman sila sa wifi tsaka sa aircon eh, ta-ta" paalam ni Karma at binaba na ang phone niya
Nag-ayos muna ako bago lumabas. Ok Erine kaya mo to sasabihin mo lang naman "Hi pasensya na may trabaho ako eh, bye"
Pagka-apak na pagka apak ko pa lang sa labas ng kwarto ko.
"Ang tagal mo naman" bungad sakin ni Nico, he smirked
"Ahhhh..." naka awang lang ang bibig ko habang nakatitig sa kanya, oh God ano nga ulit sasabihin ko?
Bakit ganon? Parang bumalik ako sa date, tanga at mahinang Erine. Ganito ba talaga ginagawa ng pag-ibig? Ugh. Humalakhak lang si Nico at bumaba na ng tuluyan. Sumunod ako pababa only to be surprised kay Axe na naka porma.
Ako lang ba o uminit talaga? Ang gwapo niya pa din.
"Uhh, bye, alis ako? Trabaho.." nauutal utal kong sabi
Oh my God I can't believe myself. Pinahiya ko lang ang sarili ko sa harapan nilang dalawa. Nakangiti lang si Axe at lumapit saakin.
"Ihahatid na kita" alok niya
"Ops, ako na lang umuwi ka na lang kaya sa inyo?" sabat ni Nico
Hindi ko pa rin ma-imagine, si Nico? SI NICO? Gusto din ako? Oh Lord. Sa kasagsagan ng away ng dalawa sinamantala ko ang pagkakataon at umalis na agad. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.
Mga 2 oras nang mapayapa ang pagtatrabaho ko sa shop nang dumating na ang dalawang lalakeng gumugulo ng buhay ko. Nagsimula lang sila sa panonood, nauwi sa pag-oorder at ngayon nagpapa-pansin na silang dalawa.
"Erine, pahingi naman ng tissue" ani ni Axe
"Ako na lang kukuha, iniistorbo ka pa nito eh" sabi ni Nico at tumayo
"De sige ako na lang pala" nagtitigan ang dalawang lalake at nag unahan sa may tissue
Napa-iling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad , dadalhin ko pa tong ice cream sa table 11. Nang walang ano ano ay nabunggo ako ni Axe at Nico.
"AHHHH" irit ko, nahulog ako sa semento pati na ang ice cream na natapon sa damit ko
"Bakit mo ako binunggo tingnan mo nangyare kay Erine" sisi ni Axe
"Anong ako? Ikaw tong nakikipag unahan sa may tissue eh" sigaw ni Nico
"Ano ba kase problema mo ha"
Nagpatuloy silang magbangayan. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Wala manlang tumulong saakin tumayo. Walang nakapansin na nilalamig at nalalagkitan na ako. Tumulo na lang ang luha ko at tumakbo ako palayo.
"ERINE!" iyon ang huli kong narinig bago ako nakatakbo ng lubusan
Nagkulong ako sa bahay at natulog. Napaka insensitive naman nila pareho iniisip ko kung gaano sila ka immature hanggang sa nagising na lang ulit ako.
GRABE. Alas onse na, ni hindi manlang ako nakapag hapunan. Kumukulo na ang tyan ko pero natatakot na akong lumabas. Bakit ba kase ako nakatulog? Ahhh, yung ice cream na natapon saakin. Kinuha ko ang phone ko at inilawan ang daan binuksan ko ang ilaw sa kwarto ko at nagdahan dahan bumaba sa kusina kung saan parang ninja ay binuksan ko ang ilaw. Whew, teka. Bakit may nakahain na pagkain? May maliit pang note.
Erine, sorry ah :(
N
Sino ba namang hindi lalambot ang puso? Dati rati kapag may away kami ni Axe ako pa yung nanunuyo na magka ayos kami. Napaka martir ko talaga date, dapat siguro nagka award ako.
Habang nakain ako sa kwarto ko at nagbabasa ng mga journal entry ko sa blog ko may napansin ako. Ang post ko nung time na sobrang heartbroken ako.
1.He's an arrogant jerk
Hay nako si Nico? Mas arogante pa kay Axe jusko haha akala ko nga noon babagyo sa sobrang hangin niya
2.He never loved me in the first place
Nakakatouch kase nung times na walang nag aalaga sakin anjan lagi ni Nico
3.All he cared was the fame
Akalain mo yon sumikat sa village namin tong si Nico kaso wapakels naman siya
4.He exchanged me for a girl with shorter shorts in a heartbeat
Yung time na kinilig ako kase ayaw niyang mag shorts ako para hindi ko maakit ang ibang lalaki wow
5.He wanted a girl that would do everything he want (clearly I'm not the submissive type)
Yung time pa na natakot siya sakin haha, atlast may lalaking nirerespeto ang desisyon ko
6.He hates secrets though he keeps some too
Inopen niya sakin ang secret niya kahit na nirisk niya ang friendship namin
7.I'm always the one making amends
Well lagi siyang nagrireach out sakin pag may nagawa siyang mali
8.He's only sweet at first
9.He moved on so easily (there was nothing for him to move on anyway)
10.All his new girlfriends (yes plural) keep on pestering me
11.I hate him and
12.I still actually love that motherstinking jerk
Tsaka ko lang napansin, habang binabasa ko yung post ko, puro si Nico kinocompare ko kay Axe. Kung paano mas lamang si Nico kay Axe. Di hamak din naman na mas gwapo si Nico. Mas mabait, hindi ako sasaktan.
O di kaya takot lang akong masaktan kay Axe pero siya talaga gusto ko? Hindi ko talaga maintindihan. Sinara ko na ang laptop ko. Sumasakit ulo ko sa love love love na to. Hay.
Beep
Binuksan ko phone ko.
Goodnight sweet dreams :*
Tangina naman ni Nico oh, di pa ata ako makakatulog neto.
Xx
Ermergerd, I dunno if minamadali ko siya pero patapos na siya. Ugh, ang crappy na niya I swear but kailangan ko ipagpatuloy. HAYYYY.
Eyysarmi
BINABASA MO ANG
Less Than Thirteen
Teen Fiction< / 3 That is definitely not a broken heart. Less than thirteen lang yan. ok, so maybe it is a broken heart and maybe I just need someone who can fix it. Will it be fixed by the same person who broke it? Or another guy that could also break my heart...