Ooooops!
Last night na namin ngayon sa Tagaytay nasa kwarto kame ni Heidi nainom ng hot chocolate habang nagmomovie marathon. Ok naman na sa byahe kame matulog bukas si Nico naman magdadrive eh muahahah. Speaking of Nico, tumigil ang puso habang naalala ko ang nangyare kahapon. I don't know pero bigla ako na awkward sa kanya.
Siguro dahil...
Siguro dahil narealize ko na din na sa ginagawa ko hindi si Nico ang masasaktan kundi ako. Kung ipagpapatuloy ko na mafall sa kanya hindi ko alam kung sasaluhin niya talaga ako. Who knows paranoid lang ako kahapon.
"Onga Erine" sang ayon ni Karma
"Ha..hah?" tanong ko
"Sabi namin kahapon ka pa... Ummm weird? Tahimik? Ganern" sabi ni Heidi
"Mula nung kabayo scene kahapon nagkaganyan ka na eh"
Tiningnan ko sila, what are bestfriends for.
"I.... Umm... Crush ko si Nico" I said so quietly
"Ano sabi mo? Class C si Pepito?" tanong ni Karma
"Hindi timang yosi at hito daw" sabi ni Heidi sabay sapok kay Karma
"Hindi hindi, crush.ko.si.Nico." I said every word slowly
Tiningnan muna ako nila ng 5 seconds tapos nagtinginan sila ng 3 seconds at tumango.
"Salamat naman at nalimutan mo na si Axe" sabi ni Heidi
"Not totally limot, more like may distraction ako" sabi ko
"So like rebound?" tanong ni Karma
"Siguro?" tanong ko din
Nagkatinginan uli kame tapos nagkwento ako kung pano to nadevelop. Kinaumagahan banggag kaming 3 kase panay tanong tong dalawa huli na ang lahat 5 na ng umaga at di pa kame nakaka impake. Kaya naman walang tulog at ligo, kain na lang at diretso na sa sasakyan.
"Papa whole body massage ako tas matutulog" sabi ni karma pagkasandal niya sa backrest
"Pwede ako dumaan sa madaming humps para kunware massage" joke ni Nico
Walang tumawa. Ni isa.
"Alam ko namang di nakakatawa" sabi ni Nico at nagdrive
Nasa passenger seat ako at tulog na tulog na sina Heidi at Karma. Dumaan kame sa madaming humps at napaside ako at muntik na mapunta sa upuan ni Nico.
"Mag seatbelt ka nga" sabi ni Nico and he smirked
Wait I feel something. Something not good.
"Kung gusto mo ihug ang crush mo, you should've just asked" sabi niya
OH MY GOD. Nanigas ako. I'm not ready sa ganito. Ang ine expect ko ay makabagbag damdaming scene kung saan aaminin ko na gusto ko siya at sasabihin niya gusto niya din ako tas uulan. Hindi yung gugulatin niya ako habang nasa humps kame sa highway.
"Tahimik mo jan ah" isnobin mo kunware di mo siya narinig
"H..ha? Inaantok ako eh" palusot ko ugh di ko siya kaya isnobin
"Siguro dahil kakakwento mo sakin kagabe" he smirked again
I glared at him. Abusado masyado crush pa lang naman eh. Sinapok ko siya sa braso.
"Nag dadrive ako! Tsk" ayan nanaman ang mood swings ni Nico, remind me bakit ko siya crush?
"Ikaw kase eh" dumungaw na lang ako sa bintana
Utang na loob lang wag mo na ako tuksuhin Nico mamaya umiyak pa ako dito. Nakarating naman kame sa bahay ng matiwasay kahit na nangailangan ng brutal na paggising kayna Karma at Heidi.
"Sabi namin gisingin mo kame wag sigawan sa tenga" bugnot na sabi ni Karma
"Tsk, di ka iingli pag di ako gumamit ng marahas na paraan, tsaka may trabaho tayo bukas ibawi mo tulog mo sa bahay niyo wag sa sasakyan ni Nico"
Di na sumagot si Karma at naglakad na lang.
"Gaga sa kabilang daan bahay niyo" hinabol ko siya at inalalayan
"Di kayaa" she whined habang nagkukusot ng mata
Nagkatinginan kame ni Nico habang nagbababa siya ng mga gamit sa sasakyan.
"N..Nico?" tanong ko
"Yep?" GV na ulit niyo mygod
"Umm pwede bang ano..." kahiya namannn
"Ano? Date tayo?" he winked btw 4th time na yan grrr
"DATE? Feeling ka talaga no, kala mo crush kita di ah" nagpanic ako at tiningnan si Karma na walang malay sa mundo at banggag pa din
"Kung ayaw mo ng date? Ano gusto mo??" tanong niya ikaw lang sapat na jokeeeeee
"Ihatid mo naman si Karma sa bahay nila? Si Heidi nauna na eh" pakiusap ko
"Sasama ka?" tanong niya
Sasama ba ako? Makakasama ko si Nico hihi, eh kaso ang awkward.
"Ayoko nga" parang nalungkot si Nico pero ngumiti din agad siya at lumapit sakin
"Sige pahinga ka na lang sa taas, di ka pa natutulog eh" he smirked again at inalalayan si Karma
Ako na lang naghakot ng mga bag ko at pumasok sa loob. Sinalubong agad ako ni mama.
"Hey ma" bati ko
"Umm Erine, I know this is not a good time pero may gusto kumausap sayo" sabi ni mama
"Sino naman?" tanong ko habang hatak hatak ko yung mga bag ko
Pagbukas ko ng pinto mukhang naunang puntahan ng impyerno ang bahay namin ah, Axe Samson not pleaured to see you. I dropped my bags.
Xx
Ano kaya ang magaganap dundundundunnnnnn
Malapit na pasukan sa DLSU-D huhu
Eyysarmi

BINABASA MO ANG
Less Than Thirteen
Teen Fiction< / 3 That is definitely not a broken heart. Less than thirteen lang yan. ok, so maybe it is a broken heart and maybe I just need someone who can fix it. Will it be fixed by the same person who broke it? Or another guy that could also break my heart...