Omg mga brads! I missed you ahuehue~ Sorry ngayon lang ako ulit nag update ditey, eym zooow buseeh~ Anyways, gora na!
PS: Unedited.
*****
"Ang sakit! Umasa pa naman ako!"
"Walangya talaga ang mga paasa!"
"Paasa lordszxc! Makakarma din kayo, pwe!"
"Akala ko siya na, pinakilig lang pala ako. Leche paasa!"
Yan! Trending na trending yan sa news feed ko ngayon. Ang lalakas makahugot ng mga lola/lolo niyo, aba! Pero naiintindihan ko naman sila. Masakit nga naman ma-Paasa Zoned. Yung tipong pinakilig ka lang, tapos pag feeling mo na mafa-fall kana sa kanya, BOOM! Nganga! Biglang mawawala na akala mo pumutok na bula. Leche sa feelings diba? Dama kita, wag ka mag-alala di ka naman nag-iisa.Bibigyan kita ng mga maaaring reasons kung bakit may PAASA:
1. Bored kasi siya or hindi nagpaparamdam ang taong mahal niya, so nilapitan ka niya/chinat/text/call or what so ever para maaliw siya. Binaling niya ang full attention niya sayo at ikaw naman feelingera ka, ayan! Na-fall ka agad. BOOM IYAK! Feeling mo tuloy pinaasa ka, feelingera ka talaga.
2. Nalaman niyang may gusto ka sa kanya kaya in exchange at para di 'daw' masayang ang effort mo sa pagkakagusto mo sa kanya, pinansin ka niya at ang feelings mo. Binalik niya ang sweetness na pinaramdam mo sa kanya. BUT, hindi ka niya gusto. Okay? Yun lang ang paraan niya para mag-thank you. Pinaasa ka lang niya, sakit diba?
3. Assuming ka lang. At dahil nga gusto mo siya, yung mga attention na binibigay niya sayo binibigyan mo ng deeper meaning. Di ka niya pinaasa, okay? Pinaasa mo sarili mo.
4. Gusto mo kasi siya, kaya di ka nawawalan ng PAG-ASA. Pero pag nalaman mong may gusto siyang iba, tinatanggal mo yung letter "g" sa word na naka-caps lock. Bitter bitteran ang peg mo! Kaya pinapalabas mong pinaasa ka niya.
5. Sinabi niya kasing gusto ka rin niya. Kumbaga "MU" na kayo, Malanding Ugnayan------este Mutual Understanding. Pero kapag dumating kana sa point na mahal na mahal mo na siya, dun na siya mag-start maging cold as ice. Nawawalan na siya ng time sayo at di na siya madalas magparamdam. Tapos malalaman mo na lang meron na siyang ibang kalantari! Tangna badtrip diba? Di ka naman makapagreklamo kasi nga "Walang Kayo" kundi "MU" lang. Wala kayong 'label'. Yun ang PAASA!
6. Broken hearted ka that time, at feeling mo guguho na ang mundo mo. Pero nandiyan siya at todo comfort sayo. Siya lagi ang nandiyan kapag umiiyak or nag e-emo ka. So habang nagmo-move on ka, nagsisimula ka namang ma-fall sa kanya. Pero nung okay kana, nakapag move on kana ng bongga siya naman ang mawawala. Oh na-BH kana naman? Pinaasa ka or kusa kang umasa?
Sapul ka ba sa mga yan? Siguro oo, siguro hindi. Depende naman kasi satin yan mga brads, kung hahayaan natin ang sarili nating ma-fall sa mga taong 'feeling' lang natin na may pag-asa tayo, talagang aasa at aasa ka. Pero kapag nasaktan ka? Ewan ko na lang.
May nabasa ako gusto ko lang i-share sa mga taong pinaasa, umaasa at nagbabalak pa lang umasa, sana matauhan kayo. Here it goes,
"Gusto mo nga siya pero si God ba, gusto siya para sayo?"
Maybe nasaktan ka dahil nga pinaasa ka, pero think positive brad! Siguro way lang yun ni God para matauhan ka na hindi siya ang gusto niya para sayo. Dahil hindi siya ang best guy/girl na nilaan ni God para sayo. Wag tayo magmadal, ang love hindi hinihintay. Kusa yang dumadating at binibigay ni Lord. Kaya matuto tayong maghintay. Di naman kasi masamang umasa kung 99.99% sure kang may pag-asa nga. Pero pag 50:50 ka, stop na. Habang maaga pa, hindi siya para sayo. Okay? :)))
"Walang taong Paasa kung walang taong aasa."
"Wala rin namang taong Aasa kung walang Paasa."
Alin sa dalawang yan ang pinaniniwalaan mo brad?
~Asul.
BINABASA MO ANG
Bakit Nga Ba?
Random"Ang nilalaman nito ay hindi isang storya, kundi puro kaalaman, kalokohan, katotohanan, at lahat ng may 'ka' na salita. real talk kumbaga. LOL! Need some advice? Mapaglalabasan ng dinadamdam? Gustong may malaman? Katanungang walang mahanap na kasagu...