2.) Bakit Nga Ba may NANG-IIWAN?

1K 5 2
                                    

Maraming nasaktan o nasasaktan dahil sa mga taong mahilig MANG-IWAN. Lalo na kung tungkol sa pag-ibig, diba? Masakit sa puso. Yung tipong tagos hanggang backbone mo?


Kapag may lakad nga lang kayo ng mga kaibigan mo at na-late ka tapos iniwan ka nila, nakakainis yun diba? Ready ka na from head to toe, todo japorms ka pa tapos pagdating mo sa tagpuan nyo, WALA NA SILA! Iniwan kana! Badtrip yun mga brads~ -______-


Sa totoo lang mga brads, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kung bakit nga ba may mga nang-iiwan.. Pero ito pa rin ang ilang katotohanan kung bakit nga ba may mga nang-iiwang tao.


BAKIT NGA BA MAY NANG-IIWAN?

1. Boring ka kasama.

2. Ang baho mo kasi kaya di kana natagalan pang kasama. LOL!

3. Hindi ka na mahal. (Ouch!)

4. Yung ugali mo hindi kayang tagalan ng tao.

5. May mahalagang reason siya pero hindi niya masabi sayo dahil natatakot siyang di mo sya pakawalan.

6. Para sa kapakanan mo naman yun!

7. Hindi kayo legal both side.

8. Nahuli kayo ng parents niyo na PDA kayo kaya kailangan niyong maghiwalay at iwan ang isa't isa.

9. May mahal na siyang iba.

10. Hindi kayo nagkaintindihan kaya humantong sa may nang iwan.

11. Nilandi siya nang iba, nagpalandi naman siya. Ayun! Iniwan ka na. BOOM IYAK! (Gag-you mga gantong tao malalantod!)

12. Mabagal ka kasi kumilos kaya iniwan ka na ng tropa!

13. Siniraan ka sa kanya kaya iniwan ka nya at naniwala siya sa iba. (Pakyu yung mga ganyang tao.)


At marami pang ibaaaaa! Ilan lang yan sa mga common na dahilan kung bakit tayo iniiwan o kung bakit tayo nang-iwan.


"Minsan kailangan natin isakripisyo ang kaligayahan natin para sa kaligayahan ng nakakarami."-ASUL

Lahat naman ata tayo mga brads naranasan na ang maiwan/mang-iwan diba? Siguro karamihan sa atin. Masakit sa feeling diba? Kaya next time kung tungkol sa pag-ibig, pumili tayo nang taong hindi tayo iiwan at siguradong mahal ka. Hindi yung porket gwapo, matangkad, chinito, maputi, maganda man yan mahal na natin agad tapos pag iniwan ka, iiyak iyak ka! Hashtag ABA'Y MATINDE! H'wag ganon mga brads! Kahit panget yan, kung mahal mo naman at sigurado kang mahal ka rin at di ka iiwan, go go go! Wag mo intindihin ang sasabihin ng iba. Pake ba nila? At least ikaw masaya!

Sa mga magkakaibigan/tropa naman jan, kung madalas kang maiwan sa mga gimikan o galaan, aba! Bilis bilisan mo naman lasi ang kilos! Kapag usapan alas-dose dapat alas-dose nandun kana! Hindi yung ala-una ka pa pupunta. Paimportante lang ang peg? Presidente ka para hintayin ganern? LOL!


So ayan na ahh? Alam na mga brads! Sana may napulot kayong kaechosan mula kay ASUL. HAHAHAHA!


Ge, kitakits ulit sa next chapter!~

^______^

~ASUL.

Bakit Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon