Dahil sooooobrang BITTER ko sa TRB in Manila, mag a-Update ako. TT^TT
----
FANS and their FANDOMS.
Ano ba meaning niyan? Yung fan ba na yan eh yung ginagamit natin pag tag-init? Yan ba yung electric fan? Eh yung fandom ano ba yan? Yan ba yung samahan ng maraming fans, as in samahan ng maraming electric fans? Hahaha. ^___^
Sabi ni kumareng Wikipedia eto daw meaning ng fan;
FANS:
- A fan, sometimes also called aficionado or supporter, is a person who is enthusiastically devoted to something, such as a band, a sports team, a BOOK or entertainer. Collectively, fans of a particular thing or person constitute its fanbase orfandom. They may show their enthusiasm by being members of a fan club, holdingor participating in fan conventions, creating fanzines, writing fan mail, promoting the object of their interest and attention, or drawing fan art.
Ang haba ng explanation noh?
eto naman sabi ni pareng google about sa meaning ng FANDOM;
FANDOM:
- The state or condition of being a fan of someone or something.
- the fans of a particular person, team, fictional series, etc., regarded collectively as a community or subculture.
Ang daming explanations tungkol sa dalawang salitang yan. Pwede namang 'ang fan ay isang tagahanga ng isang artist or group etc. and ang fandom ay samahan ng mga tagahanga ng parehas na artist, group etc.' As simple as that, right?
Naka-encounter ka na ba ng....
Fanboys/fangirls sa classroom. Fanboys/fangirls sa canteen. Fanboys/fangirls sa CR. Fanboys/fangirls sa bench. Fanboys/fangirls outside the school. Fanboys/fangirls sa malls. Fanboys/fangirls sa restaurant/fastfood chains. Fanboys/fangirls sa daan. Fanboys/fangirls sa tapat ng bahay niyo. Fanbosys/fangirl maski sa loob ng bahay niyo. Fanboys/fangirls all over the place. Iba't ibang fandom, iba't ibang artists, iba't ibang group. For example, KPOP Fandoms. Maraming uri ng fandom meron jan! EXO-L for EXO. ARMY for BTS. IGOT7 for GOT7. ELF for SuJu. etc.
Meron din namang mga Directioners for 1D. Beliebers for Justin Bieber, Swifties for Taylor Swift. KathNiel fans for Kathryn and Daniel. JaDine fans for James Reid and Nadine Lustre. Aba shempre papahuli ba ang mga Chicserifics for Chicser? Hahahaha. Maraming uri ng fandoms sa mundo. Pero sa tingin niyo mga brads, bakit ba maraming nahuhumaling at nagiging fans nila? Mapalalaki man or mapababae, Fanboys and fangirls nga kung tawagin.
Bakit Nga Ba may FANBOYS/FANGIRLS:
1. Na-attract sila sa mukha ng artist/group/etc.
2. Talented kasi kaya sobra sobra ang pagiging fan.
3. Supeeer cool ng mga music videos nila! Na kapag pinanood mo talagang maiinlove ka at paulit ulit mo nang papanoorin. Ida-download mo pa yan panigurado! *smirk*
4. Sobrang ganda/gwapo kasi nung idol plus the awesome talent they have kaya hahangaan mo talaga ng bongga!
5. Yung iba naman nahawa lang sa mga friends nilang fans ng isang idol/group/etc.
6. Sa mga fans ng books (specially wattpad books) ang ganda kasi ng story at ng mga plot twists plus the oh-so-hot-and-cool boy character and the oh-so-gorgeous-funny-smart girl character (depende sa story) kaya super hinahangaan talaga lalo na yung author ng book!
7. Sobrang perfect and ideal type kasi nung idol/group/etc. kaya di mo maiwasang maging die-hard fan nila.
At marami pang dahilan! Mahirap kasing i-explain kung bakit diba? Ikaw kaya tanungin ko BAKIT KA NAGING ISANG FAN? Not the electric fan, okey?!
Sa iba't ibang fandoms, maraming kinds of fans jan. Eto mga example;
1. LOYAL FAN.
- Iisa lang ang iniidolo at kahit anong mangyare hindi nya ipagpapalit yon. Magkamatayan na!
2. MULTI-FANDOM.
- Eto maraming idol/group/etc. ang hinahangaan. (isa na ko don XD.) Madaling ma-attract sa ibang idol/group/etc. kaya ayan iba iba ang fandom. Kaya kawawa yan kapag may concert, voting event etc. ang idol niya dahil matataranta yan kung sino pipiliin.
3. TRYING HARD FAN/JEJE FAN
- Eto naman imba 'to. Maraming ganto sa isang fandom, trust me. Yung "Sxzieh bIaSxz LuGnH SxUapUaT NuaHh" Ang sakit sa mata shet. -___-
4. FAKE FANS.
- Eto isa rin 'to nakuuu! Yung sinasabing fan sila ng ganto ganyan pero pag tinanong mo naman tungkol dun sa iniidolo nila, NGANGA! Walang masabi. Peke! Plastik! Fake! -____-
5. SUNOD-SA-USO-FAN/FEELING FAN.
- Yung porket maraming fans yung gantong artist or ganyang group sasabihin nila isa rin silang fan para di ma-out of place kapag may usapan. Pero pag kinausap about doon, NGANGA DIN! Fake fan din kung maituturing. Kaasar mga ganto!
6. POOR FANS.
- Mga dukhang fans! Mga potatoes! Hahahaha. Walang pambili ng merchs, albums, posters, etc. dahil isa lang silang mahirap na fan. So sad :'(
7. RICH FANS.
- Albums here. Posters there. Merchs all over their room. Sunod sa luho! Kung ano meron sa idol niya bibili siy, agad agad! Walang patumpak tumpak! Mayaman eh.. Kainggit TT^TT
8. AVERAGE FANS.
- Eto sakto lang. Hindi poor hindi rich. Average nga diba? Duh!~
9. BYUNTAE FANS.
- Ayaaaan! Sa KPOP Fandoms marami niyan. Lahat napapansin sa bias nila. *smirk* Kumbaga sa fandom na 'to, WALANG INOSENTE. LAHAT BERDE!
10. SASAENG FANS.
- Sa Korea marami ne'to. Mga fans na pati private life ng bias nila pinapakeelamanan. Pati free time sinusundan nila. Badtrip! Creepy fans ang mga ganto.
Marami pang uri ng pagiging fans, meron pa nag yung grabe maglabas ng feels! Nako! Mga nananakit ng katabi at kung makatili, wagas! Lahat naman ata ng fans ganon diba? Pero yan ang mga pinaka-common. Sa bawat fans, di maiiwasan ang haters. Pero kung mature fan ka, di mo sila papatulan. Bakit ka papaapekto eh hindi naman totoo mga sinasabi nila. Eh kung immature ka papatol at susugod ka pa! Mapagtanggol lang ang bias/idol mo. Tch. Bad yon!
So yan, alam niyo na kung bakit may mga fanboys/fangirls ahh? Ge next time ulit!
BYE MGA BRADS!~
~ASUL.
--
SHORT UPDATE! Sorry! Mianhe!~ Bitter lang talaga ko sa TRB in Manila. TT^TT Di ko nakita mga boys ko sa concert nila dito sa PH. So sad :'( Kaya ayan ang result. Edit ko nalang kapag free time. Maybe tomorrow dahil wala akong pasok. Yehet!~ Ge bye!~
PS: Not Fully Edited.
BINABASA MO ANG
Bakit Nga Ba?
Random"Ang nilalaman nito ay hindi isang storya, kundi puro kaalaman, kalokohan, katotohanan, at lahat ng may 'ka' na salita. real talk kumbaga. LOL! Need some advice? Mapaglalabasan ng dinadamdam? Gustong may malaman? Katanungang walang mahanap na kasagu...