Hello! Finally, na-open ko ulit 'tong wattpad account ko. Namiss ko ditto haha! Muli po akong nagbabalik, dahil ito na lamang ang pwede kong balikan hindi na pwede ang nakaraan. LOL :D
Dahil namiss ko kayo, here's an update! Bale, parang part 2 ito ng "Bakit Nga Ba may NANG-IIWAN?" medyo parehas 'to dun kaso may naiba hehe~
PS: NOT EDITED.
***
May mga bagay o pangyayari sa buhay natin na hindi na pwedeng ibalik, or balikan. Like for example, oras. For me, time is the most precious thing in this world. Why? Kasi ang oras hindi dapat sinasayang ng basta-basta lang. Kapag may nagawa kang mali at gusto mong baguhin yun, di mon a pwedeng ibalik ang oras para itama yun. Kaya napakahalaga ng oras.
May mga bagay rin na kapag iniwan mo na, hindi mo na pwedeng balikan. Gaya sa isang relationship, kahit mahal niyo ang isa't isa darating sa point na isa sa inyo ang bibitaw at mang-iiwan for some reason. At kapag narealize nilang mali ang desisyon nilang iwanan ang partner nila, huli na ang lahat. Ganun naman talaga diba? Laging na sa huli ang pagsisisi. But, may instances na kapag narealize nilang they chose a wrong decision na iwan ang partner nila and they decided na balikan sila, tinatanggap sila. Ang swerte mo kapag ganun diba? Kaso siguro 2 out of 10 relationships lang ang may ganyang pangyayari.
Naranasan mo na bang mang iwan? Anong feeling na mang-iwan ng isang tao?
Eh, naranasan mo na bang iwanan? Di ko na tatanungin kung anong feeling, dahil alam kong masakit. Sobrang sakit to the point na parang nawasak ang mundo mo and gusto mon a lang umiyak ng umiyak hanggang mawala ang sakit na nararamdaman mo.
Bakit nga ba tayo iniiwan?
1. Common reason, nakahanap ng mas better sayo. (looks/attitude)
2. Nagsawa na sayo.
3. Para sa kanya, boring ka karelasyon kaya iniwan ka.
4. Masyado mong binibigay lahat sa kanya to the point na wala kanang mabigay at dahil wala na siyang mapala sayo, iniwan ka na.
5. Nung nagsimulang maging kayo, pinabayaan mon a sarili mo hanggang pumanget ka na kaya inayawan kana at naghanap ng fresh.
6. Dahil siguro sa ugali mo.
7. Possessive/paranoid much ka kasi at nasakal na sayo kaya iniwan ka.
8. Mahal ka naman niya, pero may personal or heavy reason siya kaya ka niya iniwan. Madalas ito yung "mahal kita, pero kailangan kitang iwan para sa ikabubuti mo" situation.
9. May ginawa kang matinding kasalanan kaya iniwan ka.
10. Masyado mo na siyang nasasaktan or nagsawa na sa sitwasyon niyo kaya bumitaw na siya sa kung ano man ang meron kayo.
AT MARAMI PANG IBAAAA!~
Isa ba diyan ang dahilan kung bakit ka niya iniwan? Okay lang yan, magiging masaya ka rin ng wala siya. J
Nasasaktan ka man ngayon dahil iniwan ka ng taong mahal mo, tandaan mo lang na makakamove-on ka rin. Hindi man ngayon at agad-agad, but soon. Just think positive!
Kung may nagtatanong sayo na "okay ka lang ba?" at sinasagot mo sila ng "Okay lang ako" pero deep inside halos mamatay ka na sa sakit, okay lang yan. J Lahat tayo naranasan yan. Iiyak mo lang yan ng iiyak hanggang wala kanang luhang mailabas, isigaw mo lang yan hangga't mapaos ka, hangga't mawala yung sakit. Darating ka din sa point na kapag tinanong ka kung okay ka lang ba, masasagot mo rin sila ng "Okay lang ako." With genuine smile. J
Hayaan mon a yung taong nang-iwan sayo. Hindi niya lang alam ang tunay na halaga mo. Kapag iniwan ka, ihatid mo pa! Hahahahaha! O kaya kapag iniwan ka punta ka sa sulok, umiyak ka, pagtapos mo umiyak punasan mo luha mo, tumayo ka and smile, tapos rampa! PAK GANERN!
ALWAYS REMEMBER,
"Kapag may taong umalis sa buhay natin, may better person na darating."
BINABASA MO ANG
Bakit Nga Ba?
Losowe"Ang nilalaman nito ay hindi isang storya, kundi puro kaalaman, kalokohan, katotohanan, at lahat ng may 'ka' na salita. real talk kumbaga. LOL! Need some advice? Mapaglalabasan ng dinadamdam? Gustong may malaman? Katanungang walang mahanap na kasagu...