43

21 5 0
                                    

[Group Chat]

Sister with wings

20:40

Christina:

gusto niya talagang makipag-usap

hindi ko na alam ang gagawin ko

Nina:

Talk to him na

Zhanine:

Maybe it's time for you to face your problems, Tin

Nina:

What's the reason ba? Bakit nagdadalawang isip ka pa?

You have feelings for each other pala. Bakit hindi pwede?

Christina:

baka kasi masaktan ko si Mama

something happened between his mom and my papa before kaya nagkaroon ng distance sa pagitan namin ni Isaac.

hindi naman ginusto ni Papa at ng Mama niya 'yong nangyari. pero alam kong nasaktan pa rin si Mama.

ang pagkakamaling 'yon ang naging rason kung bakit naghiwalay ang mga magulang ko at kung bakit hindi pa rin nagpapakita si Papa hanggang ngayon.

ni hindi namin alam kung buhay pa ba siya o patay na.

ok na naman si Tita at Mama.

kahit papaano, nag-uusap na ulit sila pero alam niyo 'yon. pakiramdam ko kasalanan pa rin kung magkakaroon man kami ng something ni Isaac. feeling ko tinatraydor ko si Mama kapag ganoon.

Zhanine:

tanong ko lang, Tin ha

Ginawa mo yung sisterhood para kay Isaac 'di ba? Nalilito lang ako.

Bakit mo pa ginawa 'yon kung ayaw mo naman palang magkameron ng something sa inyo ni Isaac?

Christina:

para kahit sa kunwaring mundo lang mailabas ko ang nararamdaman ko para sa kaniya.

totoo na dahil kay Isaac kaya nagkaroon ng Serenade Morein at Morein Sisterhood pero ang goal ko lang talaga 'don ay ang kulitin siya at aminin ang nararamdaman ko

because those are the things that I really wanted to do in real world but I can't.

hanggang RPW lang ang kaya ng tapang ko or kung maiko-consider pa ba na matapang ang hindi kayang aminin at ipaglaban sa personal ang nararamdaman.

iyon lang talaga ang goal ko, Zhanine. pero hindi ko namalayan na umasa na din pala ako nang konti na baka nga pwede. baka mapapansin niya ako.

Zhanine:

napansin naman niya 'di ba?

Christina:

oo.

pero sa halip na mas maging matapang dahil may laban naman pala, lalo akong nagiging duwag.

Nina:

Talk to your Mom first.

I think that's the best thing to do for now, Tin.


Kahit Kunwari |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon