[Private Message]
Remuel Teraña
•active now
18:00
Remuel:
andito na ako sa bahay
Kadarating ko lang
Christina:
thank you ulit
sa paghatid tsaka sa libre
Remuel:
🤗
Naubos nga pera ko do'n e
Christina:
seryoso?
Remuel:
Pero ok lang, bawi naman sa mga compliment ni Mama natin
HAHAHA no, joke lang. Gusto mo ilibre pa kita bukas e.
Christina:
akala ko totoo
ready na sana ako magpaka-alipin sa 'yo e. wala akong pamalit sa libre mo. bakit kasi doon mo ako dinala sa pang-mayaman na resto?
Remuel:
You told me "kahit saan" right?
tsaka hindi naman kita pagbabayarin
Christina:
yaman mo ah
pwede ka maging friend?
gagamitin lang kita ganoon?
Remuel:
Ok lang, basta ikaw 😉
Christina:
ay ano ba 'yan
payag ka kaagad?
hoy joke lang ah. baka isipin mo talagang user ako
Remuel:
HAHAHA hindi
Oo nga pala, ang sarap kakwentuhan ni Mama. Sayang pinauwi kaagad ako.
Dadayuhin ko 'yan bukas
Christina:
makatawag ng Mama ah, Mama ko 'yon!
Remuel:
Nagpaalam ako sa kaniya. Ok lang naman daw.
Kaya Mama ko na rin siya
Christina:
edi ikaw na ang anak
pero uy, gusto ka na ata talagang ampunin ni Mama
tuwang-tuwa sa 'yo tsaka gwapong-gwapo
Remuel:
She told me, ako raw 'yung ideal guy niya
Christina:
ayaw kitang maging step Dad!
Remuel:
Malisyosa ka
Oy!
Grabe ka naman
Christina:
hahahaha
Remuel:
Tawa ka d'yan
BINABASA MO ANG
Kahit Kunwari |✓
RomanceMatagal nang may gusto si Christina Villanueva sa kababata niyang si Isaac Dela Cuesta pero dahil likas na masungit ito at nahihiya siyang lumapit dito ay ginamit niya ang RPW, isang pekeng mundo na pwedeng gawing peke ang pagkatao mo. Gumawa siya n...