[Private Message]
Isaac Dela Cuesta
View Profile
Mon AT 22:45
Serenade:
hi!
kumusta ka na?
hindi mo ba talaga ako papansinin?
gusto mo ba un-crush na kita?
malapit na matapos yung...
nevermind
just in case na ma-curious ka at mabasa ang mga message ko, gusto kong sabihin na gusto talaga kita
promise!
walang halong echos
mula noon, hindi nagbago ang nararamdaman ko
oo, masyado pa tayong bata
oo, marami tayong hindi napagkasunduan dati
oo, hindi kita kinausap ng halos isang taon
pero walang nagbago.
pasensya na medyo sadgirl ako ngayon.
dinadalaw kasi ako ng mga nangyari dati at hindi ko talaga maiwasan na maging emosyonal ngayon.
hahahaha
Uno...
ilang taon akong nagtatago lang ng feelings para sa 'yo
at hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga kayang umamin sa personal.
pero kahit kunwari lang, kahit dito lang sa pekeng account ko, gusto kong sabihin na mahal kita...
dito lang ako may lakas loob na sabihin 'yon kasi takot ako e
alam mo nakakatawa kasi kung tatanungin ako kung ano ang pinaka kinatatakutan ko sa lahat, alam ko na ang isasagot ay ang ma-reject mo.
abot naman kita dati, Uno, 'di ba?
ikaw pa nga palagi ang may hawak ng kamay ko
ako palagi ang kasama mo
i thought between us, i'm the star? i'm your star.
pero bakit ikaw ang mahirap abutin ngayon?
bakit ang layo-layo mo na?
bakit parang ako itong nakatingala sa 'yo?
miss ko na 'yung dati
miss ko na sila Tala and Uno
if I could take it all back, i would.
BINABASA MO ANG
Kahit Kunwari |✓
RomanceMatagal nang may gusto si Christina Villanueva sa kababata niyang si Isaac Dela Cuesta pero dahil likas na masungit ito at nahihiya siyang lumapit dito ay ginamit niya ang RPW, isang pekeng mundo na pwedeng gawing peke ang pagkatao mo. Gumawa siya n...