11

52 6 0
                                    

[Group Chat]

MOREIN SISTERHOOD

23:54

Serenade|Founder:

gising pa ba kayo?

trip ko lang mag-drama

Sincerity|Member:

Gising na gising pa

Go lang

Serenade|Founder:

ganito kasi 'yon

hindi alam ni Mama na may awkwardness pa rin sa pagitan namin ni Isaac.

feeling ko, akala ni Mama ok na ok na kami ni Isaac at close kami kagaya ng dati

sana nga gano'n kaso hindi

Sincerity|Member:

Are you telling us that you and Isaac are close before? Like childhood friends kayo?

Serenity|Member:

May tinatawag ring "Childhood sweethearts" pwedeng gawing option 'yon


Serenade|Founder:

bestfriend kami dati

but yeah, things happened.

Serenity|Member:

Tapos that "thing" is now ok pero awkward na kayo?

Sincerity|Member:

Ano 'yung thing na 'yon?

Serenade|Founder:

family thing.

can't share it, sorry

pero ito na nga

i failed my GenMath quiz tapos alam ni Mama na matalino si Isaac

edi sinabihan ni Mama si Isaac na kailangan ko ng tulong tapos ako naman sabi ko nakakahiya

tsaka sinabi ko pang kaya ko na kahit hindi

akala ko pipilitin niya ako pero hindi pala

nakakapagsisi tuloy

dapat hindi ko na tinanggihan ang opportunity na ibinigay ni Kupido para panain si Isaac

Serenity|Member:

Gabing-gabi broken

Lalambot din 'yang Isaac na 'yan sa 'yo

Mawawala rin ang awkwardness sa pagitan niyo

Sincerity|Member:

Tama!

Huwag kang panghihinaan ng loob. Marami pang opportunity na darating

Grab mo na agad next time

Mahina ka rin kasi e

Sa chat ka lang maangas tapos nahihiya ka sa personal

Serenade|Founder:

hindi ako pinanghihinaan ng loob, nanghihinayang lang

hayst

sorry naman sis ah?

hahahaha

but tama ka

Kahit Kunwari |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon