Chapter 8: Protective

66 3 0
                                    

"Ano? nagseselos ka? Bakit???" Tanong ko.

"Kasi lagi siyang sumusulpot at kinakausap ka! Gusto ko bigyan mo din naman ako ng tuon ng pansin!" Sigaw niya sakin.

"So you're saying that im unfair? Jusko! You have no idea" Sabi ko sakaniya and left him clueless and confused at the same time.

Hayy kung alam mo lang...
HAHAHA ang cute niya magselos. Nag seselos sa isang bakla may ghawdd. Sa lahat lahat ng taong pagseselosan niya ay isang bakla pa, Aguyyyy.

To be honest gusto ko na ngang sabihin sakaniya yung totoo pero naisip ko na gusto kong pagtripan siya lalo tsaka nag pipigil nga lang ako ng tawa kanina eh.

Pumunta na ako sa cr para maglinis para mamaya pag attend ko nung party ni Chris maganda ako.

Nagbihis na ako at nag ayos ng sarili.
"Oh san ka nanaman pupunta?" Tanong ni Josh.

"Ininvite ako ni Chris sa party niya" Sabi ko sakaniya habang nag mamake-up.

"Eh 10:00 na nang gabi tapos aalis ka pa? Tsk." Sabi niya sakin kaya lumingon ako sakaniya.

"Tapos ganyan pa yung suot mo" Dagdag niya. "Anong masama sa suot ko tsaka ano naman kung pumunta ako ng party?" Tanong ko naman sakaniya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

Hmp bahala siya diyan. Di ko naman siya nanay eh. Thanks for the concern pero anong problema niya sa suot ko?

Tinuloy ko nalang ang pagmamake up ko at nag walk out lang siya.
______

Josh's Pov

Sinamaan ko nang tingin si Kiara kasi paparty siya ng 10:00 kasi inimbitahan siya nung Chris na yun?
Tsk. Anong oras na oh? Magpaparty siya ng gantong oras?

Di naman sa nagagalit ako pero.. Gusto ko lang naman siyang protektahan. I mean, Ayoko lang naman syang mabastos eh. Lalo na yung nag imbita eh si Chris, Wala pa naman akong tiwala dun sa lalaking yun.

Pano kung may mangyareng masama sakaniya? Gusto ko siyang samahan para atleast alam ko kung ano ginagawa niya pero... ma leleft out lang ako dun..

Gusto kong magparty siya nang walang iniisip tsaka pag sumama naman ako sakaniya tsaka Ano gagawin ko dun tutunganga?

Tsk. Tsaka gusto ko siyang kasama dito sa condo niya. Yung tipong mag uusap lang kami. Kasi kapag nasa school siya, Need niya makinig sa teacher tapos umeepal pa yung Chris na yun.

Tapos ngayon may party siya kasama yung Chris na yun. Sana man lang bigyan niya ako ng tuon ng pansin kahit kaunti.

My Angel [Completed] Where stories live. Discover now